"Ano? San mo ba gusto kumain?" tanong niya sa akin.
"Kahit saan. Ikaw na bahala."
"Uhm... Sige dun na lang tayo sa..."
I'm at a payphone trying to call home all of my change I spent on you...
Biglang nag-ring ang cellphone niya bago pa matapos ang sinasabi niya.
"Wait lang, sagutin ko muna to ha." Lumayo s'ya ng bahagya.
"Hello?"
"Nasa field pa ko. May tinatapos pa kaming project. Bukas na kasi ang deadline."
"Baka ma-late ako ng uwi."
Siya lang ang naririnig ko. Sa mga sinasabi n'ya, alam ko na, parang rinig ko na rin kung anong sinasabi ng taong kausap niya.
"Sorry hindi muna kita masusundo. Bukas na lang promise."
"Opo... Bukas promise."
"Okay sige. Ikaw din. Ingat ka."
"Okay bye. I love you too."
End of their conversation. Lumingon na s'ya sa direksyon ko. Nakatingin lang ako sa kanya. Nakangiti s'yang papalapit sa kinatatayuan ko.
"Ano tara na?" pag-aaya niya.
"Sige." ang tanging sagot ko.
"Bukas baka hindi kita masundo ha? Kasi..."
"Oo alam ko. No need to explain. I understand. I'm okay..."
"I'm sorry... I love you..." nakiki-usap ang mga mata n'ya. Haplos-haplos ang kamay ko. Makalipas ang ilang segundo, niyakap niya ako ng mahigpit.
Ito ang mga nakaw na sandali. Mahirap makihati.
-Wakas-
Paunawa: Kathang-isip lamang.