Monday, May 7, 2012

tama na yan,inuman na!

Sigaw ng mga tomador at tomadores, mga taong lango sa serbesa at alak. Hard man o soft, soft eh?
E bakit nga ba gusto o ginagawang bisyo ng mga tao ang pag-inom ng alak? At ano yung mga nakakatawang ugali ng mga manginginom habang lumalatak ng alak.(whoa rhyme!)

"Nasaktan ako. Iniwan ako ng mahal ko kaya gusto kong maglasing para makalimot." Meron bang sangkap ang serbesa na makakalimutan mo na ang isang tao o pangyayari sa buhay mo? E kung minsan nga habang umiinom at naglalasing ay mas lalo mo pa naiisip yung mga bagay na gusto mo makalimutan. Gusto mong mag-reminisce habang umiinom ng Serbeza Negra.

"Boss yellow pa! Sir, hindi po yellow, eyes po eyes!" Bakit ba kelangan ng yelo kapag umiinom ng serbesa o alak? Nagpapakapagod ang ating mga magagaling na siyentipiko para itama yung lasa ng mga beer at alak tapos hahaluan mo lang ng yelo. E di nawala na yun sa tamang lasa. Tapos tatamaan ka pa? Mali!

"Tapos na akong tumagay, ikaw na kaya!" Bakit kadalasan e nagkakadayaan pa sa pagtagay? Minsan eto pa ang simula ng pagtatalo at pag-aaway kesyo dinadaya sila ng tagero. Mas marami yung tagay sa kanila kesa dun sa nagtatagay. Takot malasing? E kaya ka nga umiinom para maglasing tapos gusto mo pa walang dayaan kasi baka mauna kang lumagpak sa kalasingan at matuloy sa pagtawag ng uwak. Kapag susuka ka na, tatawagin mo yun U-WAAAA-KKK! eew! May sabit pang pulutan sa ilong.

"Penge pang pulutan!" Pampaalis daw ng lasa nung serbesa. Amp! Wag ka na lang uminom, kumain ka na lang. Minsan mas marami pa yung nakaing pulutan kesa sa nainom na beer o alak. Mapa-mani, cornbits, kropek, sisig, tokwa't baboy at iba pang pwedeng pulutang hindi nawawala sa hapag kapag may inuman.

"I did it my......weeee" Sikat na kanta ni Frank Sinatra, kadalasang maririnig sa mga beerhouses, KTV bars, at mga lugar na may videoke at alak. Eto rin ang kantang nakapagtala ng maraming casualties dahil sa marami ng noypi ang namatay dahil sa pagkanta nito sa mga lugar na maraming lasheeng, kapag nasa tono at magandang pakinggan ang pagkanta mo nito tiyak buhay ka at kapag minalas-malas ka naman at sobrang lasheeng ka na rin habang kinakanta mo to...tiyak, you're end is near and you will face the final curtain. Bang!

Kakatawa talaga yung mga gantong ugali natin kapag nagiinuman. Naalala ko yung isang beses na nag-inuman kami nung barkada ko. Pumunta kami sa isang lugar na medyo okay naman para maginom. Tahimik at marami ring lalaking nag-iinuman. Tapos narinig namin yung isang lalaki sa kabilang mesa na, "ang ga-gwapo nung nasa kabilang table" Punyemas! puro bakla pala ang nasa loob nung bar. Kaya dali-dali naming inubos yung mga inorder namin at umalis agad habang natatawa at natatakot. Tinawag naming Sodoma at Gomora yung lugar na yon.







inuman pics with my dabarkads^^

No comments:

Post a Comment