Wednesday, May 2, 2012
Mga letrang pumuputol ng pag-uusap sa text/chat.
Haha/Hehe ( 4 na letra)- eto ang matindi, after mo magjoke o kaya magpatawa sa isang reply, kapag ang nireply lang sayo ng katext mo ay HAHA, punyeta, anung masarap i reply dun? Wala diba? Hindi mo na rin siya itetext, isang salita rin na mahirap replyan, mga panapos ng conversation yung mga ganito eh, kapag nakatanggap ka ng ganito, gantihan mo ng blank message. o kaya ng ..!.. message.
WEH ( 3 letra ) - Magtatanong kung anong nangyari sa araw mo, tapos kapag sinabi mo na pagod na pagod ka, rereplyan ka ng weh, punyemas ang sarap lang kotongan ng mga nagrereply sayo ng ganito, para bang simpleng pambabasag na pagdududahan ka pa kung barbero ka. Mabuti pang wag na lang ulit replyan.
GE (2 letra)- Paano mo rereplyan to? Diba kapag sinabi mong GE ang pahiwatig nito ay pagpapaalam. Diba ang badtrip kapag sinabi mong TEXT TAYO? Tapos ang reply sayo GE. Sa tingin mo ba gaganahan ka pang i text siya? Itulog mo na lang siguro?
K (Isang Letra)- sino pa ba ang hindi nakakatanggap ng letrang ito? Talaga nga naman napakalupit ng tadhana kapag nareplyan ka ng ganito, parang pinabuhat sayo ang langit at lupa, parang lahat na ng panlalait ginawa sayo. Yung napakarami mong sinabi, yung napakarami mong binaggit, tapos ang isasagot sayo K. Madalas mo matanggap to sa mga magulang mo, kapag nag paalam ka, o kaya may nakatampuhan na minamahal. Ang lupit, dati naman hindi uso to eh, ewan biglang naging isang letra nalang. Dati paartehan pa ng K. Minsan okay, okei, okei,khay, okh3i.
Kaya minsan masarap ka text ang mga jejemon, dahil ganado mag text, ang mga simpleng OPO eh nagiging Ofu3sZ. Ang mga simpleng Kamusta eh nagiging k@muZtaH?!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment