Thursday, April 26, 2012

Ang Bisyo ng Buhay Ko

Ang Bisyo ng Buhay Ko at Nakakaadik ang Sarap Mo.



“Kasalanan ko kung bakit ako nasasaktan ng ganito at kung bakit ko iniiyakan ang lintik na sugat na to na ako din ang may gawa.”

Alam mo ba ang pakiramdam ng sugat na kumikirot na sobrang sakit pero wala kang magawa kundi ang idaan na lang sa iyak dahil kapag nakikita mo sya lalo ka lang nasasaktan. Ang masakit sa lahat ay yung alam mong wala kang magagawa sa sakit dahil alam mo pagdating ng bukas ay masakit parin.

“Kahit sinaktan mo ko bakit parang hinahanap-hanap parin kita” ang bulong ko sa sarili ko.

Ipinapakilala ko si Gin S. Miguel (search nyo sa facebook at friend ko sya sa friendster) sya ang nagturo sakin kung pano ang maging manhid.

Matagal na kaming nagsasama. Si Gin ang kasama ko nung araw na pakiramdam ko walang nagmamahal sakin. Hindi nya ko iniwan sa lahat ng naging problema ko. Aaminin ko na sobrang gusto ko na sya pero maraming nagmamahal sa kanya hindi lang ako. Masarap kasi sya sa pakiramdam kapag kasama ko sya. “Parang may Magic”.

“Tanggap ko na hindi lang ako ang nagkakagusto kay Gin dahil bago pa man sya dumating sa buhay ko alam kong hinding-hindi sya magiging akin. Si Gin ang dahilan kung bakit ako umiiyak at nasasakatan ng ganito ngaun pero anong magagawa ko hindi ko sya makalimutan at sya ang dahilan kung bakit ako nagiging masaya sa gitna ng kalungkutan ko.”

Wala akong narinig na sorry mula kay Gin ng sinaktan nya ko. 

Kahit hindi ka na mag-sorry (ganyan kita kagusto) basta ba kapag kailangan kita palagi ka lang nandiyan. Huwag ka sanang magsawa na paligayahin ako dahil ikaw ang dahilan kung bakit ko nakakalimutan ang mga taong gusto kong kalimutan lalo na ang mga taong hindi ako minamahal.

“Huwag mo lang akong iwan…….Masaya na ko dyan!”

Akin ka na lang sana Gin pero pagmamay-ari ka na ng iba na syang nagbibigay sayo ng buhay. Wala akong laban sa kanya dahil sya ang buhay mo. Sino lang naman ako diba?.

“Huwag mo na kong sasaktan dahil kahit anong sakit pa ang ibigay mo sakin hinding-hindi kita iiwan. Hintayin mo na lang sana na ako ang mag-sawa at mang-iwan sayo. Pwede ba yun?.”

Ito ang larawan ni Gin S. Miguel ang “MAHAL KO NA ATA”


“Hanggang gusto mo ko andito lang ako sa tabi mo pero huwag kang umasang maaangkin mo ko na “Sayo lang ako” dahil walang ganun --- dahil hindi bilog ang mundo para sa ating dalawa lamang.” --- G.S.M. blue


Sakit kasi ng pagkakasalub-sob ng daliri ko sa basag na g.s.m blue eh kaya naging emo-tero ako ng konti lang naman. Nagdudugo at umiyak ng nana kinabukasan ang sugat ko!

Pero…………………………………………….

Kung mauunawaan mo sa likod ng kwento may totoong nangyayari.

Dinadahilan lang si G.S.M blue dahil ang ilang bahagi ng kwento ay syang-sya na gusto mo lang itago……

Pero ang sakit at sugat ay talagang totoo na hindi nya na kailangan malaman pa dahil….

PARA SAAN PA?


1 comment: