Interesadong interesado tayo minsan manoood pag ang pinapalabas sa
telebisyon ay mga bigayan ng award sa mga artista. Inaabangan natin kung
makukuha ba ng paborito nating artista yung award na ninomininate sa
kanya. Agreed, pinaghirapan naman nila yung award na yun if ever na
makuha nila, pero sa tingin ko mas madami pang taong karapat-dapat
bigyan ng award, magmasid-masid ka lang. Nandyan lang sila sa paligid
mo. Sino-sino sila?
Yung parents mo na walang sawang umintindi sayo. Minsan,
hindi mo na nasusunod yung gusto nila. Gabi ka na nakakauwi dahil sa
gala. Kapag inuutusan ka nila, nagdadabog o kaya nagagalit ka. Pag
nag-aaway kayo, nasasagot mo sila ng pabalang. Minsan, mas napipili mo
pang kasama yung mga kaibigan mo kasa sa kanila. Madami tayong nagagawang kasalanan sa kanila, pero nasaan sila ngayon? Nasa
tabi pa rin natin. Nasa tabi pa rin natin at walang sawang umaalalay sa
atin kahit ano pang gawin nating kabalbalan. Magalit man sila minsan,
pero para sa atin pa rin yun. At dahil dyan, dapat bigyan sila ng award.
Ang medal nila? Yun yung pag-aaral natin ng mabuti, para hindi masayang
yung pinangpapaaral sa atin, at kung sakaling graduate na tayo, ang
pagtatrabaho ng para sa kanila, para pag tumanda sila, tayo naman ang
mag-alaga sa kanila gaya ng pag-aalaga nila satin.
Yung kaibigang mong never nang-iwan. Through thick
and thin. Nandyan siya. Umangat ka, nandyan siya para suportahan ka sa
tagumpay mo, lumubog ka, nandyan pa rin siya para tulungan kang
bumangon. Nandyan siya lagi para makinig sayo, at ikaw rin naman sa
kanya. Hindi siya yung kaibigang lulubog lilitaw. Isang text mo lang sa
kanya, alerto agad siya para tulungan ka. Mahal ka niya at handa talaga
siyang magsakripisyo ng oras para makausap ka lang pag kelangan mo ng
kausap. Ang medalya para sa kanya? Suklian ang lahat ng bini-bigay niya.
Maging tunay ding kaibigan. Wag ka ring mang-iwan.
Yung teacher mong pikon na pikon na sa gulo niyo pero nagtitiis pa din. Kahit
sobrang gulo na ng klase niyo dahil sa daldal dito, daldal doon,
bunganga dito bunganga doon, hindi pa rin siya tumitigil sa pagtuturo.
Magalit man siya, may karapatan din siya dahil guro niyo siya at dapat
siyang respetuhin. Gabi-gabi napupuyat siya sa paggawa ng lesson plan
niya para sa ituturo niya. Minsan hindi na siya nakakakain para lang
macheck yung mga papel niyo. Ang award na ibigay sa kanya ay kahit
konting appreciation lang at respeto.
Si classmate na walang sawang nagbibigay ng papel tuwing may exam. Mababaw
man, pero isipin mo kung wala siya baka hindi ka na nakapagexam. Dahil
sa kairesponsablehan mo, buti nandyan siya para mapagtakpan yun. Best
award para sa kanya? Magdala ka na ng papel sa susunod at wag mo na
siyang buraotin pa. Tatlo dos lang naman ang yellow pad o intermediate
pad o kung ano mang papel ang gamit niyo.
Si Manong driver na tapat. Si Manong driver na
madilim pa lang ay gumigising na para kumayod. Maagang pumapasada para
makapagtrabaho na. Yung mga driver na hindi haragan sa pamasahe. Yung
hindi pinagpipilitang sampuhan ang pituhan. Pasalamat tayo sa kanila at
nakakarating tayo sa dapat nating puntahan. Dapat pahalagahan ang mga
driver na mas concern sa pasahero kasa sa pera. Ang award para sa kanila
ay dapat magbayad tayo ng tama, at wag mag-123!
Sa taong nasa phonebook mong walang sawang nagrereply sa gm mo. Tanggapin
na natin. Minsan, nakakatamad talaga mag-reply sa gm. Maarte tayo eh.
Gusto natin PM. Pero para doon sa taong walang sawang nagrereply sa gm
natin, iba yun. Kung hindi ka mahalaga sa kanya, baka wala lang talaga
siya katext. Gayunpaman, magpasalamat ka sa kanya at replyan mo siya.
Yun na ang award niya.
Sa mga nambabalewala satin. Congrats! Ikaw ang nagkamit ng Best Mapanakit na tao Award! Sana pagbutihin mo pa, at baka magtagumpay ka sa larangang iyan. Keep up the good work! Ang award mo? Karmahin ka sana.
at syempre hindi mawawala..
Si Lord. Enough said, marami tayong dapat
ipagpasalamat sa kanya baka abutin pa tayo ng siyam siyam pag inisa-isa
natin. Ang gusto niya lang naman niyang medal ay yung pag-alala natin sa
kanya. Hindi yung sa time na may kailangan lang tayo.
No comments:
Post a Comment