Sunday, April 1, 2012

SAMPUNG TAO

Meron akong binasang libro dati (pdf file na bigay ng love of my life). Nakalimutan ko ang pamagat ng libro, pero ang laman ay puro mind exercise.  Dahil feeling ko humihina na ang aking memorya (hindi ako ganun katanda), sinubukan ko sya ahihi.

First exercise. Ayun don, magkulong sa kwarto ng sampung minuto (preferably kwarto mo) .  Tandaan lahat ng bagay na nasa paligid, kahit yung mga maliliit na bagay at kahit mga spiderwebs sa kisame (or kung may butiki man pati na rin yun). Kung kaya pa isaksak sa utak ang kulay at ang size ng bagay ay pwede na rin. Pagkatapos ng sampung minuto ay lumabas ng kwarto.  Kumuha ng papel at ballpen o lapis. Maglista ng limampung bagay na natatandaan mo na nasa loob ng kwarto (kung mas madami pa ang kaya mong ilista mas maganda). Gawin araw araw hanggang sa kaya mo na ilista lahat ng walang nakakalimutan.

Ang cute di ba? Pero dahil ako ay tamad, isang beses ko lang itong ginawa at hindi ako naka-limampung bagay. Minsan din pag wala na talaga akong ibang magawa, ginagawa ko na rin to.

Isang boring na araw, habang ako ay naglalakad sa kalye napagtripan kong gawin ito. Pero binago ko ng konti para ma-entertain ko ang sarili ko hihi.  Una, maghanap ng sampung tao na medyo kakaiba. Pangalawa, tandaan ng mabuti kung ano ang kinaiba nila. Wag kalimutan hanggang makauwi at maisulat. Kaya ito na sila.

Una. Isang ale sa iskinita nagtitinda ng gulay. Wala namang kakaiba sa kanya, sya lang ang una kong napansin.

Pangalawa. Dawalang binatilyo nagkukwentuhan habang naglalakad. Basketball ang topic pero yung isa may dalang gitara. Weird.

Pangatlo. May narinig akong kumalansing sa likod ko. Paglingon ko dalawang 25 cents na sumasayaw sa daan na parang kakahulog lang at tatlong kabataan. Pumasok agad sa isip ko ang pulot piso gang (or whatever they are called). Na-paranoid ako at naglakad ng mabilis. I’m not picking that cents up. No way!

Pang-apat. May isang mama na merong dalang karton na ang laman ay obvious na manok. Meron syang kausap na isa pang mama, at ang topic…sabong.

Pang-lima. Sumakay na ko ng jeep, sa unahan ako umupo. May naglalakad na buntis na babae, ngumiti sakin. Ngumiti sya sakin XD di ko po sya kilala.

Pang-anim. Eeny, meeny, miny, moe. Eeny, meeny, miny, moe.  ggh wala akong makitang target.

Pang-pito. Isang maputing lalaki na naglalakad. May hitsura, kaso pumilantik ang fingers nya. Ayy…

Pang-walo. Isang bata naka-topless. May bitbit na plastic bag sa bawat kamay nya. Mukhang mabigat, kawawa naman.

Pang-siyam. Isang dalagita na mahaba ang buhok. Merong karga kargang batang shih tzu. Ang cute…nung tuta hihi.

Pang-sampo. Ang sarili ko. Hindi ko alam pero bigla akong natakot. Biglang bumilis ang takbo na jeep, feeling ko masasagasaan ako sa ganung takbo. Yun pala hinabol ni manong driver ang naunang jeep at inaway nya nung naabutan na. Hindi ko naman maintindihan ang diskusyon nila at ayoko rin na nasa gitna ng gulo, kaya exit na ko. Manong, para na lang po dyan sa tabi.

No comments:

Post a Comment