IBA SA PINAS KASI...
MGA BAGAY NA SA PINAS LANG
MATATAGPUAN...ASTIG!
Out-of-tune Videoke and singer.
Sa eskinita kami nakatira, pader lang ang pagitan ng bawat bahay kaya naman rinig na rinig mo ang lahat ng eksena ng kapitbahay. Away mag-asawa, magbyanan, magbayaw, magtropa na minsan umaabot sa muntikan na patayan. Natural lang ang lahat ng yan at sanay na naman ako pero ang di ko matanggap ang paglapastangan sa musika. Sabog na ang tunog ng videoke sabog din ang kanta ng singer at pagtapos lalabas ang score na higher than 80! "Congratulations you are a great singer" punyemas to the max binola pa ang kumanta na wala naman sa tono.
Paboritong kantahin ng kapitbahay namin na itago natin sa pangalang bonjovit ang kantang Well of chens (wind of changes) ng bandang scorpions, nung una tawa trip ako sa pagkanta nya at binibilang ko pa kung ilang beses nya ito kinakanta pero habang tumatagal napapamura nalang ako. Minsan nga biniro ko sya sabi ko kung pwede ako magrequest, sumagot naman ang gago sabi nya "ano?" sabi ko "pakitigil" tumawa lang at kumanta ulit at mantakin mo kabisado nya na ang number ng mga kinakanta nya WTF!!!
Appliances na nga sigurong maituturing ang videoke pwede na ito ihanay bilang isa sa importanteng bagay sa bahay tulad ng gas stove, rice cooker,tv, at refregirator.
Madumi at maalikabok na paligid.
Nakakamis ang mangulangot ng marami kang nakukuha sabay bibilugin mo, nakakawala ng stress. Mas epektib kesa stress ball.
Mandurukot/Snatcher/Holdaper
Ang tricyle, bus, tren at FX. Sa bawat araw na sumasakay ako dito nawawala ang antok ko dahil anytime pwedeng maging isa ako sa biktima nila.
Alert + Focus = Active Mind
Yan ang wala sa akin dito. Walang thrill ang pagbyahe!
Chismis.
Naimbento daw ang telenovela para may iba naman na pagchichismisan ang mga tao, pero anticipated na ang kwento ng mga ito yung iba nga revival pa. Kaya naman mas okey na pagkwentuhan parin ang kapitbahay dahil mas kapanapanabik ang susunod na mangyayari. Wala ditong ganyan kaya nagtitiis nalang ako sa Facebook.
Kung pwede lang sigurong kainin ang chismis walang pilipinong nagugutom!
Trapik.
Maraming naiinis kapag natratrapik kahit alam naman natin na maliban sa "change" "Traffic is constant" dito sa pinas. May mabuti din naman itong side effect, una nakakapagexercise tayo sa paglakad ng mabilis, pangalawa lumalawak ang idea natin sa pagiisip ng excuse kung bakit tayo late.
Chain Letter.
Dati letter lang talaga ito literal na sulat kamay at nagevolved din tulad ng mga unggoy na naging tao at kabayong naging mukhang tao. Ang chain letter ay napasok sa digital world thru text message at email. Ewan ko ba bakit may mga taong pumapatol parin sa ganito taena common sense naman!
Ayoko sanang sabihin na mas may common sense ang tao dito pero dito wala pa akong natatanggap na ganyan sa text or email.
Sila ang tagapagligtas ng mga nagtitipid, kahit kelan at kahit saan pwede mo silang makita basta may bakanteng lugar. Fishballs, Squidballs, palamig, isang pirasong yosi na may sukling kendi, pasaload, one-day-use payong, etc-etc.
Pares at Sisig.
Naglalaway ako habang iniisip ko sila, ang pares na may utak/mata at yung sisig sa rada st. ng makati. Miss ko na kayo huhuhuhu
Dito nabuo ang mga tropang HB (highblood)
*Sa totoo lang mahal ko parin ang Pilipinas. Ika nga nila "There's no place like home" kahit tadtad ito ng magnanakaw at mapagsamantalang politiko, pulis, militar, at kalamidad.
Sa ibang bansa kase pulido ang lahat, plansado ang gusot, smooth ang takbo. Parang naglalaro ka ng Super Mario na walang kalaban, pupunta ka sa castle na wala si kupal kupa at makakarating sa warpzone na walang effort at no need patayin ang pagong sa may hagdan na magbibigay ng hundred lives...in short BORING!!!!
No comments:
Post a Comment