Sunday, April 1, 2012

ANG MAGKAPATID

May dalawang magkapatid, babae ang panganay, lalake and bunso, si babae matigas ang ulo, suwail pero mabait sa kapatid, lagi nitong binibigyan ng pera ang bunso, dumating ang araw at pareho na silang may pamilya, si ate may tatlong anak, si bunso may isang anak, si ate ay sobrang hirap dahil ang asawa ay jobless, si bunso medyo nakaka angat dahil call center agent and my work and wife, since dalawa lang silang magkapatid, every salary ni bunso, nanghihingi na konting pera si ate kahit pambili ng tubig halagang 50 Pesos, si bunso naman, bago magbigay, ang dami pang sinasabi.
Lumipas ang mahabang panahon at dumating ang araw na si bunso naman ang naghirap, hindi alam ni bunso ang gagawin dahil hindi sya sanay sa hirap tulad ng ate nya, hindi pinaalam ni bunso ang sitwasyon nya sa ate nya kayat ng malaman ni ate na ganun nga ang kalagayan ni bunso tinanong nya kung bakit hindi nito sinabi kay ate ang dahilan, ang sabi ni bunso, “bakit wala ka naman magagawa or maibibigay sakin diba? wala nga kayong makain ng pamilya mo e”, sinabi ni ate, “heto ang bank book, lahat ng binigay mo ay inipon ko para sayo dahil alam ko, sa style ng pamumuhay mo nuon, wala ka man lang inipon para sa ganitong sitwasyon, kayat kahit anong sakit ng mga sinasabi mo kapag nanghihingi ako sayo, binabalewala ko kasi gusto ko, kahit pareho na tayo may pamilya, nandito pa rin ako bilang ate mo…

No comments:

Post a Comment