Thursday, April 26, 2012

Pag tapos na, tapos na talaga.


Kapag siniraan mo ba ang taong nagmahal sayo noon eh maibabalik mo pa ito? Hindi na lalo diba? Lalo ka lang gumagawa ng paraan para siya ay lumayo at pagtawanan ang ginagawa mo. Pinagtatawanan ka in the fact na alam naman niya talaga ang ginawa niya at patuloy na pagmamalinis ang ginagawa mo.

Dapat kapag wala na kayo eh wala na kayo. Sa lahat ng taong nakapaligid sayo eh onti lang ang handang makinig dahil ano pa nga ang pakikinggan sa inyo? Eh wala na nga kayo diba? Nakaka stress kaya makinig ng problema dahil kahit yung pinagsabihan eh bibigat rin yung kalooban.

Mas maganda yung tahimik lang, masasabi na nadidisiplina mo ang sarili mong wag magsalita. Marami ka lang matatamaan na tao dahil sa paulit ulit na ginagawa mo. Hindi lang yung taong nawala sayo yung maaring mawala, pati na rin yung mga taong nakapalibot na patuloy na maririndi sayo.

Sa kagustuhan mong maibalik yung taong nawala sayo, nawawala na rin pala yung mga taong malalapit sayo. Kasi palagi na lang yung taong nawala yung sinasabi mo, parang nawala na yung buhay na ibinigay sayo na dapat eh sayo lang.

Huwag dapat lahatin ang mga bagay bagay, maging sport lang, kung yun lang talaga ang nakayanan, bakit ipipilit pa diba? Kapag bumalik ba yan sigurado ka ba na magiging matino na rin talaga siya? Gusto mo ba na puro awa na lang ang nararamdaman o napilitan na lang siya para tumikom na lang ang bibig mo kakasalita tungkol sa kanya? Hindi mo ba alam na baka pinagtatawanan ka na lang ng mga kaibigan niya?

Ikaw din.. Bahala ka..

No comments:

Post a Comment