Thursday, April 26, 2012

Bakit gusto natin mapasa atin ang isang tao?



* Dahil gusto natin maramdaman na yung atensyon niya eh sa atin naka focus.

* Gusto mo rin maranasan yung lambing na inaasahan mo matagal na.

* Gusto mo na rin maranasan na minamahal ka ng taong mahal mo.

* Gusto mong mahawakan ang kamay ng isang anghel na hinulog sa langit para saluhin at alagaan mo.

* Gusto natin siya alagaan, dahil nga sa mahal natin ang isang tao hindi natin siya papabayaan, bubunuin ng   pagmamahal ang kanyang nararamdaman.

* Gusto mong gumawa ng sariling mundo kasama siya, mundo ng kasiyahan, mundo ng pagmamahalan, mundo na kayong dalawa ang may gawa. Mundo na walang ibang makakasira. Mundo kung saan magiging masaya kayong dalawa sa hirap at ginhawa.

* Gusto mong maranasan ano ang pakiramdam kapag dumampi ang iyong labi sa kanyang mga labi.

* Gusto mo maramdaman na espesyal ka rin sa kanya. Gusto mo ng lambing niya. Dahil yun ang nagpapasaya sayo, yun ang nagbibigay ligaya sa iyong damdamin.

* Gusto natin ang isang tao kasi mahal natin sila. Gusto natin ang isang tao dahil importante sila sa atin. Gusto natin sila kasi sila ang nakakapagpasaya sa atin. May itsura man o wala, ang mahalaga dito tao ang pinaguusapan. Bonus na yung may itsurang mabait at maibibigay sayo ang pangangailangan ng isang taong nagmamahal

No comments:

Post a Comment