Friday, September 14, 2012

eh ano kung bitter ako?



Bitter. Mapait. Hindi kaaya-ayang lasa. Dati ang bitter para lang sa ampalaya. Yung iba nga dati hindi pa alam anong english ng mapait eh. Pero ngayon bitter, bitter, bitter. Bitter sila, bitter ako, bitter tayo.

Hindi ko alam kung saan nang galing ang tuluyang paggamit ng salitang bitter para iassociate ang nararamdaman ng tao sa salitang ito. Sabagay, kung may salitang sweet para sa mga malalambing, siguro dapat may bitter para sa may pait ang buhay.

Uso ngayon sa mga networking sites, sa mga barkadahan or kahit saan ang mga ganyang comment, “bittterrr?!” at kailangan, kapag sinabi mo yan eh sobrang pait ng bawat letra sa dila mo. Ulitin, “bitttterrrr?!?!”

Kelan nga ba nagiging bitter ang isang tao?.Bitter ka kapag nag eemote ka sa facebook status mo; mabuti sana kung “emo” lang ang itatawag sa iyo. Bitter ka kapag di ka maka move on sa past heartbreaks mo, at masama loob mo kasi nakamove on na ang ex mo. Bitter ka kapag kumokontra ka sa kaligayahan ng iba, kapag nagiinit ang ulo mo at todo comment ka ng mga negative thoughts sa mga happy posts ng friends mo sa facebook. Bitter ka kapag kahit ang sarili mong kaligayahan ay di mo mapagbigyan. Bitter ka. At hindi yan gusto ng mga kaibigan mong bitter din, pero di matanggap sa sarili nilang parehas kayo.

At ano naman ngayon ang drama ko, at sinasabi ko ito?

Masama ang loob ko at gusto kong maging bitter. Kanina lang sinabihan ako ng kaibigan ko na “galit ka sa mundo.” at sinabi pang “bitter” ako. Minsan aminado ako, nagiging bitter ako, pero para sabihing galit ako sa mundo, yun ata ang hindi ko matatanggap. At seryoso, nasaktan ako. Iniyakan ko ang simpleng sinabi na iyon, na nanggaling pa sa facebook.

Aminado akong emo ako, hari ako pagdating dyan. Pero bitter? Parang kailangan kong kontrahin yan. At kung lahat ng kaibigan ko magsasabi na bitter ako, puwes, siguro nabibilang ako sa bagong species ng mga bitter.

Siguro bitter ang tawag kapag handa mong tanggapin sa sarili mo na malungkot ka, at hindi ka takot na ipakita ang nararamdaman mo. Bitter ako kasi ipinapakita ko sa mga tao na malungkot ako at hindi ako nagpapanggap na masaya para ipakita sa iba na okay ako. Bitter nga siguro ako dahil handa kong hindi sumabay sa nakararami dahil alam ko kung ano ang gusto ko at handa akong ipaglaban ito, kahit kontrahin ko pa ang iba. Bitter ako kasi kaya kong makita kung ano ang realidad sa mga ilusyon lang, kaya kong ipaliwanag ang totoo kahit bulag ako sa mga pantasya ko. Bitter nga siguro ako kasi kaya kong isigaw sa lahat ang alam kong mali, kahit para sa lahat iyon ang tama. At syempre ako ang mali, kasi bitter ako.

Minsan ayos lang tawaging bitter, lalo na kung talagang bitter-bitteran mode ka, pero kung ang mga tumatawag eh mga kapwa mo din bitter at ipinapasa lang nila sa iyo ang pagkutya dahil hindi nila matanggap sa sarili nila na bitter din sila..aba, ibang usapan na yun.

Ikaw, bitter ka ba?

Ako? Bitter? Oo, sige, bitter na kung bitter ako.

No comments:

Post a Comment