Saturday, September 8, 2012

I’m In Love With My Bestfriend



Sa lahat ng pagkakataon na nakasama ko siya, naging tunay akong kaibigan sa kanya. Naging tapat ako, mapagkakatiwalaan at maalaga. Naging totoo ako.
Dati wala akong pakialam kung nasaan siya o kung sa isang araw ba ay magkikita kami. Pero ngayon, mababaliw yata ako kapag di ko nakita kahit anino man lang niya. Sa mga panahon na yun ay hindi ko maisip ano ba ang nangyayari sa akin, hanggang sa bigla na lang magliwanag ang isip ko.

In love na ako sa bestfriend ko.

Ang hakbangan ang linya na naghihiwalay sa magkaibigan at higit sa magkaibigan. Hindi naman iyon talaga ang intensyon ko. Lahat na ng paraan ginawa ko para lagi kong maalala ang manipis na linya na ‘yan. Kaso kapag nagiging malambing siya sa akin, nawawala ako sa aking konsentrasyon at makikita ko na lang na nahakbangan ko na naman ang linya. Hay. Ilang beses na akong nagpatintero sa linya na ‘yan at ngayon, pagod na pagod na ako sa paghila ng paa ko pabalik. Naniniwala na tuloy ako sa quote na: “Meeting you was fate. Becoming your friend was a choice. But falling in love with you was beyond my control”.

Bakit nga ba hindi ako maiin-love sa kanya? Sa mga pinagsamahan namin, sobrang kilala na niya ako at ganun din ako sa kaniya. Alam namin paano papatawanin ang isa’t-isa. Pareho kami ng mga trip gawin.
Ngayon ko lang na-realize, mahirap pala talaga umibig sa kaibigan. Dati kapag nakikinig ako sa radyo tapos may humihingi ng advice kung sasabihin ba niya sa kaibigan niya na mahal na niya ito, ang bilis agad ng reaksyon ko. Parang “duh!” eh di sabihin mo. No brainer ba. Mali pala ako. Hindi laging ganoon ang scenario lalo na kung alam mo ang tunay na nararamdaman ng kaibigan mo. Totoo pala na pwedeng masira ang pagkakaibigan niyo. Hindi ito cliché dahil iyon talaga ang bagay na malalagay sa alanganin kapag inamin mo ang feelings mo. Pero kapag pinili mo namang manahimik, lalo mo lang sasaktan ang sarili mo. Patuloy kang mahuhulog at ang masaklap pa, kailangan mong makinig sa mga kwento niya tungkol sa mga crush niya habang pinepeke mo ang iyong ngiti. Aasar-asarin mo pa siya kunwari at papayuhan mo pa siya ng “go for it”. Ouch. Para ka na ring kumuha ng bato na ipupukpok sa ulo mo. Mas madali pa nga atang magmahal na lang ng tao na hindi mo naging kaibigan for years. Kung pwede lang mamili kung kanino ka maiin-love noh?


No comments:

Post a Comment