Monday, April 23, 2012

KUNG MAY TANING NA BUHAY KO.




May naalala ako dito sa tanong ni Khyetot.
Isang nakakaiyak na kwento na narinig ko nung nag wwork ako sa alabang. Nagkwe2nto yung attorney dun sa fiscal about sa karanasan nya nung malapit nang mamatay asawa nya. Ang tangi nalang nasabe ng asawa nya ay. ‘Ma, may taning na buhay ko. Mamasyal na lang tayo.’ Pagkasabe nya un. Pigil syang naiiyak. Dahil mahal na mahal nya yung asawa nya Ramdam ko yun habang nagkwe2nto sya.
Habang nakikinig ako. Naiiyak din ako pero ayoko ipakita sa classmate ko. Nakwento ko nalang skanya na naapektuhan ako ng todo sa kwento nyang yun.
Sagot:
Kung mamamatay na ko? I will tell my parents, friends, and everyone how thankful I am. How lucky I am that I met them. Ayoko pa mamatay sigurado sa panahong yun dahil ayoko pa naman talaga. Gusto ko i-enjoy ung buhay ko muna kasama yung mga taong asa paligid ko. :(
Una kong gagawin? Gusto ko muna kasama buong pamilya ko. Mamasyal kame o kaya simpelng kainan lang sa bahay masaya na ko basta kasama ko sila. Siguro, hindi maiiwasan na iiyak sila. pero ayokong makita yon. Gsto ko ienjoy muna namin yung araw habang buhay ako. Habang kasama pa nila ako.
Pangalawa, Friends ko. Ganun din. Kainan. Pasyal. Tapos irereminisce namin yung mga panahon na una kaming nagkakilala. Una naming tawanan at kalokohan.
I’ll be making a post too for my beloved online friends. I want them to be on the day that I’ll be gone. Kung pwede sila. Kung free sila.
Tapos gusto ko sa loob ng isang buwan na un puro hindi makakalimutang mgabagay ang mga mangyayari. Ipapaliwanag ko sakanila na kahit naman mamatay ako. Andito pa din sila sa puso ko. Nawawala naman talaga ang tao e. Namamatay. May naiiwan. May iniiwan.
Gusto ko ding magsimba. Magpapasalamat ako Kay Papa God dahil binigyan nyaako ng pagkakataong mabuhay. Ayokopa sana mawala pero will Nya yun. May purpose naman kung bakit ako mawawala. Basta salamat Po. At sasabihin kong excited na akong makita Sya at ikwewento ko ang bawat pahina ng buhay ko. :) Bawat karanasang natutunan ko. Nalaman ko. Nasaksihan ko.
Salamat sa Kanya kasi lagi naman Siyang asa tabi ko..
Ayun. Eto na lahat. Siguro sa pagdating ng panahon. Madadagdagan pa tong mga gusto ko. Pero sa ngayon eto pa muna.

No comments:

Post a Comment