Monday, April 30, 2012
Peysbuk
Ito ang umangkin sa trono ng friendster.
Nakakamiss lalo ang dating facebook. Naging kumplikado at gumulo nung dumami ang features nito, masyado kasing gustong lahatin ng facebook pero hindi nila alam parang mas pumanget ito.
Ewan ko lang, hindi naman sa sinasabi kong huwag silang mag update, at hindi rin ako nangingialam, una palang alam ko namang walang magagawa to at hindi nila maiintidihan ang sinulat ko kasi tagalog ito.
Ang sakin lang ” Huwag ayusin, kung hindi naman sira “.
Talagang naging kumplikado, lalong gumulo.
Nakakamiss yung dating tahimik na komunidad, yung tipong kapag may notifications ka, ibig sabihin nun mahalaga at may mapapala ka kapag binuksan mo.
Ngayon wala na e, ang panget na,
* Dumami ang mga nagtatags ng walang ka kwenta kwentang bagay.
* Dumami ang applications na virus lang ang laman.
* Dumami ang picture applications na nakatag ka kapag ikaw ay may birthday.
* May mga taong nag aauto post sa wall mo, dahil sa isang application.
* Ang daming virus spam messages.
Alam kong pwede namang i set yung settings nang full privacy. Pero ang panget naman, ang tahimik ng mundo mo ng facebook.
Pati yung mga tao sa facebook, nagbago na din. Pag may kailangan lang makakausap. Pag may mga mag papalike lang. Tska ka maalala. GM pa nga minsan yung message, tipong copy paste lang ang ginagawa,
Tao naman kasi ang nagbabago ng imahe ng isang social network e. Mga taong walang alam kundi pumindot ng pumindot, tapos kapag na virus sila, makakadamay pa ng ibang tanga na pipindot rin.
Kaya sana minsan alam din natin ang mga bagay na gagawin lalo na sa facebook, minsan iiyak ka nalang kasi kaka click mo ng mga links na yan. Magulat ka at na hack ka na.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment