Nakakalungkot nga naman na nasakop tayo ng mundo na kung saan mas lamang ang mga taong may itsura kesa sa mga taong wala. Na mas maraming kaibigan ang taong may itsura kesa sa taong may wala. At madalas sa tropa yung panget yung laging nauutusan, laging nabubully, kakambal ng pang-aasar at instrumento para mapaglaruan ng barkada. Alam mo yan. Huwag ka ng magmalinis pa.
Kapag sa mall mas unang pinapansin eh yung maganda na nag wiwindow shopping, kesa sa panget na handang bumili. Mas madalas rin pag dudahan ang pangit kesa sa taong magaganda. Tapos mas nahihirapan maghanap ng pangit ng taong makakasama sa buhay, nahihirapan magkaroon ng girlfriend/boyfriend. At madalas na tinatawag silang jologs, jejemon, baduy ng lipunan.
Siguro nga totoo na sa mata ng Diyos eh pantay-pantay tayo. Ang malungkot dito hindi tayo pantay-pantay sa ginawa ng Diyos. Sa mga tao na nanghiram lang rin ng buhay sa kanya. Sa mga taong mapanlamang sa kapwa. Nakakalungkot lang, hindi naman lahat ng tao katulad ko mag-isip na para sakin eh pantay-pantay lang din. Wala eh, ganun na talaga, simula palang talaga eh may special treatment na ang mga taong magaganda ang itsura. Pati naman ikaw na nagbabasa nito ngayon eh ganun din ang pipiliin mo. May mga taong pangit nga na ang hanap eh magaganda rin.
O diba? May natanong lang ako sa sarili ko. Sino ba may alam na pangit siya? Wala naman diba? Magiging pangit ka lang naman kapag inisip mo sa sarili mong pangit ka.
very good! :)))
ReplyDelete