Sunday, April 22, 2012

kwentong babae: Isang Linggong PagIbig ni Jean

at dahil sa close kami ng aking pinsan (kuya dario) hinayaan nya aku ipagamit ang kanyang page para sa aking pinaglalaban....hahaha!

Ilang buwan ang inantay ko para mag commit ulet. Sabi ko nun mag antay ako sa taong mahal ko at siguraduhin magiging masaya ako.

Hindi ko inaasahan na darating pala sya. Isang taong hindi naman yung tipo ko.

Nagumpisa ang lhat sa biruan. Akala ko nun biro at sumakay naman ako. Pero unti unti ko din narealized na naku, patay!!! Ako din pala ang mag fall. Iniwasan ko yung feelings. Pero panu naman?? lagi ko sya nakkikita at nakakasama.

Natatakot kasi ko masaktan ulet. Naisip ko din, anu nga ba kailangan kong ikatakot kung andyan sya, kung handa din sya sumugal? Seryoso naman daw sya. Matindi ang pagiisip na ginawa ko. Lumipas ang araw at lumabas nga kami. Isa lang naman ang naging tanong ko sa sarili ko. Paulit ulit kong tinanong kung masaya nga ba ko? Hindi ako magpapakaipokrita, dahil alam ko masaya ko nung kasama ko sya. Hindi ko man sya direktang sinagot ng oo, pero deep inside iyon na ang sagot ko. Ang pag change ko ng status sa facebook (na first time kong ginawa) is sign na seryoso ako. Sya din ang kauna unahang lalaki na inivite ko na pumunta sa bahay para ma meet ang family ko. Pero kagaya ng ibang mga relasyon darating ang pagsubok. Pasubok na pareho nyo dapat harapin. Aaminin ko duwag ako, at umaasa ako na magiging matapang sya para sa relasyon namin. Gumawa ako ng paraan para man lang magkausap kami ng maayos pero walang nangyari. Bigo ako. Ilang araw syang hindi nagparamdam at dun na ko nagising. Madami na kasi nagsabi na parang mali eh, mabilis ang mga naging pangyayari. Sabi ko naman sa sarili ko bakit pa patatagalin kung pareho naman namin gusto. Matatanda na kami at sayang naman ang oras, pero sabi nila naiba ako. Umeffort, na minsanan ko lng ginagawa. Sinuyo ko sya, pero sabi nila Dapat ako yung sinusuyo. Nag antay at nagbigay ako ng chance pero wala pa din. Dun na ko bumigay. Mahigit isang linggo lang, natapos ang lahat. Wala man lang akong narinig sa kanya, ni HA ni HO, wala. Akala ko pa nman pipigilan nya ko at sabay namin haharapin ang lahat. Madami tlga namamatay sa maling akala.

Naiwan akong clueless. Sa lahat ng nagtatanong kung anu nangyari, hindi ko din sila masagot kung anu nga bang dahilan, kasi kahit ako hindi ko rin alam kung bakit nga ba nawala.



O kay bilis ng iyong pagdating, pag alis mo'y sadyang kay bilis din....


-IMELDA PAPIN


Nagsawa sa akin, nairita, narealized nya na di n nya ko mahal, may iba pa lang nagpapatibok ng puso nya, may nagpadala sa kanya ng death threat o umandar toyo nya dahil andro pause na sya. Kung anu man dahilan sana sinabi nya. Sabi nga ni Eugene Domingo sa Enteng ng Ina mo " hindi ako nainform!!!"

Isa lang naman gusto ko. Ang paliwanag sa nangyari. Ang tunay ng dahilan ng aming isang linggong pagibig. CLOSURE, ang gusto ng karamihan na mangyari sa bawat natatapos na relasyon.

Ah oo nga pla gusto ko din malaman kung naging masaya ba sya??? dahil kung ako ang tatanungin, OO ang sagot ko. Kahit na super sad ako after the relationship.

No comments:

Post a Comment