Ako si Bernard. Isang taon ko ring niligawan si Michelle. Isang taon rin akong nagpa-alila. Naging ATM Machine. Tagabitbit ng bag. Naging taga-hatid sundo. Lahat ng gusto niya sinunod ko. Pero sa huli, busted pa rin ako. Oo, tanga ako.
Ako si May at crush ko si Van. Kaso hindi niya ako gusto eh. Araw-araw na nga akong nagpapapansin pero hindi pa rin niya ako pinapansin. Oo, tanga ako.
Ako si Bogs. Isang taon na rin akong naghihintay kay Matilda. Nag-migrate na kasi sila sa Canada. Hindi na daw sila babalik sa Pilipinas. Pero nagbabakasali pa rin ako. Oo, tanga ako.
……………………………………………………………………………..
Iba-iba man ang kwento nila pero may isa silang pagkakapareho– ang maging tanga, ang magpakatanga. Hindi naman nila ginusto ang maging tanga. Pero pinila nila ang magmahal. Pinili nila ang masaktan. Pinili nila ang umasa. Nagmamahal lang naman sila. Nagmamahal ng isang taong hindi kayang suklian ang pag-ibig nila. Lahat naman tayo gustong makalimot. Lahat tayo gustong mag-move on. Sino ba naman ang gustong masaktan… ang umasa sa wala? Pero dahil nga mahal nila ang isang tao, handa silang masaktan at lumuha. Handa silang umasa sa wala. Pag-ibig nga naman, hahamakin lahat. Makamtan lamang ito.
Ano nga ba ang TANGA? Sa pagkakaalam ko, GAGO raw ang tawag sayo kapag nagmamahal ka ng taong ayaw sayo. TANGA naman daw ang tawag sayo kapag hindi mo alam na may taong nagmamahal sayo. Basta ako, ang alam ko GAGO ako. Sana ikaw hindi ka TANGA.
No comments:
Post a Comment