Monday, April 30, 2012
love ko si bespren ko
Marami ang nakakaranas nito, lalo na kapag opposite sex mo ang bestfriend mo, minsan napagkakamalan kayong “kayo”. Minsan mas sweet pa kayong dalawa sa mga taong may relasyon na mismo, nagagawa niyo ng malaya ang gusto niyo, nakakausap pa rin ang ibang tao, yung atensyon lagi niya nasayo kahit wala namang “kayo” pero dahil nga mag bestfriend kayo.
Masarap lambingin ang bestfriend na opposite sex, parang ito ang nag fifill up ng space ng loneliness ng isang tao, yung mga taong hindi handang makipagrelasyon pero may bestfriend siya na gumagawa para doon.
Pero alam mo ang dyahe dito? Kapag yung isa eh bestfriend lang talaga ang turing sayo, pero yung isa eh nagmamahal na pala. Dito nagkakaroon ng conflict sa isat-isa. Matatanong ka ng isa kung may problema ba dahil bigla ka na lang tumatahimik kapag nagkwekwento siya sa taong gusto niya.. sa taong mahal niya tapos ikaw tong akala mo dinalaw ng Semana Santa ang mukha dahil sa nag uumpisa ka ng mag selos at gawing big deal lahat ng maliliit na bagay na ginagawa niya.
Nag eexpect ka kahit hindi ka naman dapat mag expect, may mga bagay kang iniisip na hindi pwepwede kasi nga yun lang ang kaya niyang ibigay, na ayun lang naman talaga ang napag-usapan, kumbaga hindi kasama sa bestfriend na forever contract ang mga bagay na gusto mong mangyari.
Minsan kapag may nag-iisip na i “NEXT LEVEL” na ang pagkakaibigan, 50 50 yan. Maaring hindi, maaring oo. Madalas kapag may nagtanong na nito, madalas nasisira ang pagkakaibigan, nagkakatampuhan, nagkakasumbatan.
Ang bestfriend pala talaga eh bestfriend lang talaga.
Ang bestfriend yung taong nasa likod mo palagi sa oras na nagmamahal ka ng iba.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment