Tuesday, April 24, 2012

Miss Na Kita



Haays..oo super mega duper I miss you!!
Tenen..ano to! drama ko ata..


Naramdaman nyo na ba na mamiss ang isang tao? Na yung taong yun super special sa buhay nyo. Ano pakiramdam?

May nakita akong quotes habang nag iinternet. Pero ang totoo naghanap talaga ako. ^_^

Heto yun..

"Why is it that when you miss someone so much your heart is ready to disintegrate, you hear the saddest song on the radio?" -Pete

Oo nga naman bakit nga ba? Nung mabasa ko ito napatanong din ako. Kasi naranasan ko ito at nararanasan pa rin hanggang ngayon. Kapag namimiss ko girlfriend ko pakiramdam ko sasabog puso ko. Pwede ka pala makaramdam nun. At saktong kapag nararamdaman mo yun bigla kang makakarinig ng nakakalungkot na kanta. Parang sinasadya noh. Pero ang totoo kaw pala yung nagpapatugtog mismo ng kantang naririnig mo.

Wala akong maisip na solusyon kung paano malalagpasan ang pagkamiss. Bakit nga ba lalapagsan mo yun e parte na ito ng buhay natin.

Sabi nga nila kapag namimiss mo yung isang tao mahalaga sya sa buhay mo. Maaring napapasaya ka nya kaya nakakaramdam ka ng ganon. At natural lang na maiyak ka.

Ang pag-iyak ay hindi lang dahil sa nasaktan ka o inapi. Bagkus paraan din ito para mailabas mo kung ano man ang nararamdaman mo.

Kapag namimiss mo sya mas lalo pang nadadagdagan yung pagmamahal mo sa kanya. Yung ang katotohanan.

At ngayon habang binabasa mo ito alam kong may naiisip ka.. Malalagpasan mo din yan, ganyan talaga ang buhay. Halo halong emosyon mararamdaman mo.^_^

No comments:

Post a Comment