Saturday, May 5, 2012

ikaw lang sapat na!


Mahilig ako sa quotes lalo na kapag tungkol sa love. Noong hindi pa ako nagkaka girlfriend ang naka save sa inbox ko ay puro quotes. Pero nung magka girlfriend na ako ang naging laman ng inbox ko ay puro text nya. Ganon pala yun, mahahalata mo kung single ang isang tao o taken na.hahaha.

At nung isang araw pinasahan ako ng quotes ng friend ko. Nagandahan ako sa quotes na yun. Heto yun....


" We don't need to explain how much we love a person. It depends on them how they appreciate the efforts that you did for them to be contented."



Napa agree talaga ako ng matindi.


Natanong nyo na ba minsan sa sarili nyo kung bakit hindi maging masaya sayo yung taong mahal mo. Ibinigay mo naman ang lahat pero wala pa rin e. Halos makalimutan mo na nga ang sarili mo para lang maibigay yung inaakala mong makakapagpasaya sa kanya. Imbes na ibigay mo ng ibigay ang lahat tanungin mo sya kung ano ang gusto nya. At tanungin mo rin sa sarili mo kung may kakayahan bang makuntento yung taong yun.

Dahil kung hindi talaga tanggap ng isang tao kung ano lang yung maibibigay mo hindi talaga sya magiging masaya sa binibigay mo. Kahit mag todo effort ka pero iba pala yung hinahanap nya balewala din.


Ang kasagutan lang sa pagiging masaya ang ang pagiging kuntento. Kung makukuntento tayo sa binibigay ng isang tao mararamdaman mo ang kaligayahan. Huwag ka maghangad ng sobrang taas dahil minsan dahil sa sobrang taas hindi mo makuha kaya hindi ka tuloy maging masaya.

Tanggapin natin kung ano lang yung kayang nyang ibigay lalo na kung binigay na nya ang best nya. Tulad ng palagi ko sinasabi hindi tayo perpekto at hindi lahat ng gusto natin ay nasa isang tao lang. Maaaring yung isang katangian ay nasa isa at yung isa naman ay nandun sa isa pang tao. Hindi mo yun mapagsasama sama. Kaya nga diba kapag nagmahal ka hindi mo kailangan mahalin yung gusto mo lang mahalin na katangian nya dahil buo syang tao kaya dapat mahalin mo kung ano ang kapurihan at kapintasan nya.



"Mas masaya kung pareho nyong mahal at tanggap ang naibibigay ng bawat isa."

No comments:

Post a Comment