Sunday, May 6, 2012

minsan din akong nging bata

minsan pauwi dala slr ni insan ng madaanan ku tong mga batang to...


Sa araw ng mga bata pa tayo, ang problema ay wala sa ating mga ulo. Dumating ang panahon na sadyang napapaisip ka talaga sa mga gawain niyo ng kabarkada mo. Ang mga away na ngayoy nagging corny na sa atin ngaun at ang mga nakakatawang eksina na ating iniiyakan kung minsan namn. Ang malakas na iyak at tawa, lalo na ang malakas na sigaw pag naipit ang kamay man o paa lagi itong nangyayari nong tayo ay bata pa. Nung ikaw ay bata pa ang isang piso ay malaking pera na at ngayon isang piso ay may comentong “ano pa ang mabibili ko ditto kendi?” sapagkat noong ika’y bata pa “yes may pambili na ako”.

Mga larong napag-aawayan, mga tuksohang iniiyakan at pagseselos ng walang malinaw na dahilan ay parating andyan, malaki man o maliit, mabait man o masungit, walang tayong pinagkakaiba kasi pareho tayong makukulit.

Habang naglalaro ka ang reklamo’y laging umaalingasa pag kalaban mo’y nandadaya, lalo na kung Patentero at Bartola na ang larong pinag-uusapan. Mahirap man tanggapin na tayo ay tumatanda at ang pagiging bata an gating mga simula,napapalingon ka parin kung gaano ka pa rin nila lalaitin. Noong Bata kapa lagi kang nasa tabi ng iyong Ina at Ama, walang mananakit kahit lamok man sa bangketa dahil sa mga proteksyon mong siga. Lagi ka nagsasabi na “Mama” hangang ika’y lumaki at nagkatrabaho na.  

Sa mga larong “Balay-Balay”, “Dakpanay”, “Langit-Lupa”, at iba pa.. dyan ko nakita ang samahang walang katumbas at ang pagtutulongan ng isa’t-isa. Kung ang buhay mo’y urban man o rural basta may kaibigan kang mapaglaro ito’y iyong matitikman. 

No comments:

Post a Comment