Friday, May 4, 2012
How I Handle Loneliness?
Naks! English yung title! Ako yung taong kapag nalungkot dahil may problema eh iniisip kong malalagpasan ko agad ito. Tipong yung kalungkutan eh iniisip kong pangsamantala, kaya yung kalungkutan na nararamdaman ko everytime na nalulungkot ako eh hindi ganung kabigat sa isip at damdamin ko.
Kumbaga, alam ko na gagawin ko sa tuwing nalulungkot ako, minsan iniidlip ko, pag gising ko wala na, iba na ulit mood ko. Minsan nanunuod ako ng pelikulang masasaya, iniiwasan ko yung mga bagay na pwedeng mag palungkot sakin. Mga love stories, lalo lang ako maiingit dun eh, tska yung mga istoryang may malulungkot na kwento ex. Cast Away, Hachiko, etc.
Iniiwasan ko din ang malulungkot na kanta, kapag kasi malungkot ang kanta eh nag titrigger lalo ito ng ka emohan sa buhay, lalo na yung mga Yiruma na yan? Hutaena, sobrang lakas makadala ng feelings niyan.
Kapag mag-isa sa bahay, madalas online lang. Makipag usap ka sa mga kaibigan mo, kausapin mo yung mga taong masasayahin, maki biro ka, maki trending at ilabas mo ang nararamdaman mo kung isa ka namang blogger. Malay mo may makarelate sayo, magkaroon ka pa ng bagong kaibigan.
Hindi naman tayo bibigyan ng problema na hindi natin kayang resolbahin eh. Lahat yan may solusyon. Kung may problema ka ngayon, isipin mo lang lagi yung mga bagay na ginagawa ko. Isipin mo na ” Ilang oras lang naman ako magiging malungkot eh, mamaya siguradong wala na ito”. Pwede mo naman kasing alagaan talaga ang sarili mo eh, inaasa kasi natin ito sa ibang tao kaya nasasabi natin na hindi natin kaya. Pero yun nga ang isang dahilan ng kalungkutan eh, naghahanap ka ng taong magmamahal sayo, dahil napapansin mo sa sarili mo na wala na nagbibigay sayo ng atensyon, walang taong handang magtanong sayo kung ano na ba ang nangyari sa maghapon mo.
Kaya yan, dapat maging masaya ka kung ano ang estado meron ka ngayon. Lahat naman ng tao naghihintay eh, yung mga taong meron ngayon? Naghintay din yun tulad mo. Intay lang, hinay hinay lang. Wag maging atat. Kumbaga mas magandang model ang mapupunta sayo kumbaga sa pagpili ng cellphone.
Ngiti ka lang kaibigan :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment