Monday, April 30, 2012

lab trayanggel (love triangle)



Madalas natin gusto yung mga taong hindi naman ayaw sa atin, pero madalas mahirap kunin. May pagkakataon din na alam nating may mga taong may gusto sa atin, pero hindi pa rin natin ito kinakagat o pinagsasamantalahan ang damdamin. Yung taong gusto mo ang hindi nasasaktan, at dalawa kayo nung taong naghahabol sayo ang nasasaktan.

Yung minamahal mo kasi na gusto mo, walang alam sa gusto mo, o sa motibo mo. Tapos ikaw may ideya ka sa taong may gusto sayo. Syempre etong si kaibigan na humahabol sayo ang labas eh parang Friendzone lang.

Tulad mo, may naghahabol din sa taong naghahabol sayo. Parang kadena yan eh. Lahat ng tao nararanasan ang ganon.

Ganun nga talaga ata, parang love triangle parati ang nangyayari. May isa laging hindi nasasaktan. At may isang patuloy na humahabol, at naghahabol sa taong humahabol.

Gulo lang ng pag-ibig eh. Nyetang yan. Nagkaroon pa ng hugis.

No comments:

Post a Comment