Friday, April 6, 2012

SI DARIO BILANG TAO!

Let me tell you something about nothing in general. This nothing is essentially my life…in the language I speak and with the people I manage to interact with every day. I just hope that those who understand will keep their opinions to themselves, whether in agreement or otherwise.

Hindi naman ako mabait na tao. Siguro hindi rin moral, kung ano man ang ibig sabihin ng salitang yan. Siguro masama childhood ko o kaya nagkaroon ako ng masasamang impluwensya sa buhay ko. Wala naman din akong maisip na mali kasi para sa akin, mali lahat ng sumasalungat sa tunay ng paniniwala ng isang tao. Wala rin akong sinisisi kung bakit ako ganito. I won’t apologize for who I am.


Hindi naman din ako banal. Wala na rin akong pakialam sa relihiyon at hindi ko alam kung bakit maraming nakikialam sa relihiyon na kinabibilangan ko. Sa tingin ko kasi mas ok na ang taong sumasamba sa gamu-gamo pero tuwid ang buhay kesa sa nagpepenitensya pero naninipa ng bata. Hindi ko rin maisip kung bakit magkakaiba pa dapat ang punto ng paniniwala dahil sa huli, may nakakaalam na nga ba kung paano mamatay at mabuhay muli? May pictures na ba ng great beyond? Kung meron man, di umabot sa akin ang balita at malamang, wala rin naman akong pakialam kasi spoilers lang din naman ang dating noon sa akin. Para sa akin, mas mahalagang maniwala ka at ‘wag mag-alinlangan.


Wala namang kaso sa akin na maging banal ang lahat ng tao sa paligid ko. Wala rin namang kaso ‘yon kung sa tingin mo tama lahat ng ginagawa mo. Keri lang ‘yan, di naman kita mababago. Pero kung ipagpipilitan mo sa akin na mali ako dahil hindi tayo pareho ng pananaw, mag-aaway lang tayo. Lalo na kung pipilitin mo akong baguhin para maging katulad mo. Para mo na akong tinanggalan ng kalayaan para maging ako eh hindi naman kita pinipigilang maging ikaw.


Siguro ang sinasabi ko lang eh maraming nakakalimot sa mga prinsipyong binigay sa atin noong kinder palang tayo; gawin sa iba kung ano man ang gustong gawin para sa sarili. Hindi naman mahirap na konsepto ‘yon. Isang linya lang, walang formula at latin na pananalitang kalakip. Pwede pang gawing astig na tato.


Wala naman akong pinangangaralan. Wala naman akong lisensya para mangaral dahil isa ako sa mga taong may mukha at bibig na ‘di madaling paniwalaan.Wala na rin naman akong pakialam sa mga naniniwala o hindi. Nasabi ko na rin naman ang dapat sabihin.



Pahabol lang. Nakakapika rin kasi na kailangang isapubliko ang pagiging banal. Manampalataya ka kung gusto mo pero ‘wag mo nang ipagyabang na ganyan ka. Ang counterproductive kasi.

No comments:

Post a Comment