Thursday, April 26, 2012

Kaya Ko Pala

Nakakasawa kaya maging malungkot. Bukod sa ikaw ang lugi, wala ka pang mapapala dito. Kung ano ano lang maiisipan mong gawin. Sinasayang mo ang araw mo sa kalungkutan na nararamdaman mo. Habang maaga, mag-isip isip ka na. Wala namang magagawa ang kalungkutan eh. Hindi naman maibabalik ng kalungkutan yung taong nawala eh. Andun na tayo sa parteng minahal mo siya. Pero yun na yun eh. Dumating na sa puntong ayaw na niya, ayaw mo naman siguro ng nasa tabi mo siya, pero napipilitan at naawa na lang hindi ba? Kaya ngiti na. Kaya yan. Pangsamantala lang yan. Bukas, sa isang araw, o sa mga susunod na Linggo. Ngingiti ka rin at sasabihing. Kaya ko palang mabuhay ng wala ka.

No comments:

Post a Comment