Monday, April 23, 2012
Bespren
kanina habang pauwi ako ng bahay , bigla ko lang natanong sa sarili ko bakit ako walang bestfriend. kung anu ano na lang kasi ang naisip ko kanina sa biyahe dahil na-lobat lahat ng mga paraphernalia na binubutingting ko tuwing binabagtas ko ang coast to coast na jeepney ride.
mabalik nga tayo sa tanong ko. oo nga, bakit nga kaya sa loob ng dalawampu’t siyam na taong paglalagi ko sa mundong ibabaw eh hindi man lang ako nakaranas na magkaroon ng tinatawag nilang best friend, samantalang yung iba mga dalawa, tatlo, apat o lagpas pa sa sampu ang bespren nila. kung magkagayon eh hindi na best friend ang tawag dun kasi kung pagbabasehan mo sa grammar, eh nag-iisa at walang makakatalo sa lahat pag sinabing best. mga idiot. i digress. siguro nga factor talaga yung pagiging close ko sa family ko kaya di na ako naghanap pa ng ibang outlet para maihinga ko kung ano man ang nasa saloobin ko. kung kailangan ko ng makikinig sa akin, andiyan ang dalawang tsismosang ate ko para masabihan ng problema na madalas ay naidadaldal din sa nanay ko. ang nanay ko naman, kung kelangan ko ng mauutangan, bibigyan naman ako ng ipanggagastos; at kung kelangan ko ng tunay na pag-aaruga, andyan naman siya para yakapin ako. at sa tuwing nabubugnot ako at kailangang madaluyan ng alak ang lalamunan ko, eh andyan naman ang tatay ko para makapag-toning sa buong magdamag na minsan ay nagtatapos pa sa masayang pakikipaglandian sa loob ng beerhouse. ganyan ako ka-close sa buong pamilya ko kaya naman hindi na din ako naghanap pa ng ibang outlet dahil sila pa lang ay maituturing ko nang mga kaibigan. kaya ngayon eh nami-miss ko talaga ang company nila.
siguro hindi rin talaga uso sa mga lalake ang pagkakaroon ng bespren. bibihira. well, may mga ilan ding lalaki na mag-bespren, na nahuhubog ang pagkakaibigan sa iisang baso na tinatagayan, ngunit hindi ganun ka-showy kung ikukumpara sa lalaki at babae na magbespren. mas marami akong kakilala na ganito. merong magbespren, kasi parang ate o kuya ang turing nila sa isa’t isa. sa mga lalaki siguro kaya mas feel nilang maging bespren ang mga babae dahil mas at ease sila na magsabi ng problema nila kasi alam nilang hindi sila makakantiyawan na ambaduy nila. minsan nga para din silang magsyota kasi meron din silang mga endearments – buddy, syuts, brod, pare or simply bespren. may iba naman na sa una ay magbespren tapos biglang magkaka-inlaban. yun ang sa tingin ko ang tunay na depinisyon ng bantay salakay.
ako, hindi man ako nagkaroon ng bespren, sapat na siguro sa akin na sa araw araw na pakikisalamuha ko sa buhay ay may mga taong pinapadala ang tadhana para maging makulay ang lahat ng bagay. sapat na rin na sa tuwing gabi bago matulog habang pinagmumuni-muni ang mga dagok sa buhay, kinabukasan ay parang ang gaan dahil somewhere out there, alam mo na merong gumagabay.
ikaw, sino’ng bespren mo doon?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment