Thursday, April 26, 2012

Yung mga kaibigan na ikaw ang unang naalala kapag may kailangan.


Kapag may mga taong bihira lang magparamdam sayo at biglang nagparamdam itong mga ito 90% ng probability may kailangan ito, nakakalungkot na ganun na ang realidad na meron ang mundo ngayon. Bihira na yung mga taong nakaka alala dahil sa gusto nilang kamustahin kung masaya ka ba? Kung kamusta ang buhay mo? Kung ano na pinag kaka abalahan mo sa buhay etc.

Kapag naalala natin sila, mi hindi man lang mag effort din sumagot. Nakaka inis yung ganun, I pity those kind of people. Minsan nakaka inis na sa sobrang kabaitan mo talaga eh na tataken for granted ka. Kaya minsan patunayan mo na hindi ka nabuhay sa mundo para pag silbihan sila. Ipakita mo ang kawalan mo sa kanila. Wala namang kaibigan na ganun eh, kaibigan nga bang maituturing ang ganun? Lalo na yung mga kaibigan na ginawa kang alkansya o kaya naman eh kahon na puno ng maraming pabor.

Mahahalata mo naman yung mga taong yun eh. Kaya minsan dapat umpisahan mo ng lumayo sa kanila, bago lumala, bago magkasumbatan pa. Tutal ikaw ang mas may malasakit, ikaw na lang ang didistansya, ikaw na lang ang magpaparaya. Buti nga may mga ganitong tao pa rin eh, yung may mga malasakit sa user friendly na mga so called “Friends”.

No comments:

Post a Comment