Friday, September 28, 2012

ikaw, kelan mo gusto mamatay?


Hmmm.. kailan nga ba ang tamang panahon para mamatay? oo sige, ako na ang weird. pero tama naman diba, andaming tao ang takot mamatay, pero dun din naman lahat tayo patungo. madalas na tinatanong sa atin kung paano mo gustong mamatay, at syempre ang madalas na sagot ay yung payapa, yung tipong natutulog ka lang tapos mamamatay ka nalang bigla, tapos anjan na yung mga statements na ayaw mamatay sa sunog o sa car accident sa kadahilanang ayaw nilang malasog; pero masyado ng pangkaraniwan ang ganitong eksena, natanong mo na ba ang sarili mo kung kelan mo gustong mamatay?

Marahil isasagot mong pagka nagkarooon ka na ng sariling pamilya, pero hindi parin iyon sapat dahil sigurado akong gusto mo ring makita ang iyong mga anak na lumaki at ang iyong mga apo na magka-anak; so kelan mo nga ba gusto?

Ako, kahit ngayon okay na, ako na talaga ang weird. hindi naman kase ako talaga natatakot tingin ko naman eh may maganda na akong nagawa habang nabubuhay pa ako; at nabanggit ko na lang din iyon, hindi bat madalas din nilang sabihin na dapat ay may maiwan tayong maganda bago man lang tayo mamaalam, pero pano ba mag iwan ng maganda? at ano ba ang dapat iwan?

dapat ba tayong magpaka martir gaya ng ating mga bayani at mga santo? syempre naman hindi, tingin ko naman ay sapat nang may mapangiti tayong tao sa paglalagi natin dito sa mundo, ano naman ba ang naidulot ng ating mga bayani? hindi ba't ngayon ay hirap na hirap tayong pag-aralan sila? marami nga silang nagawang maganda para sa atin ngunit hindi naman natin sila kayang tularan at kung kaya man ay hindi naman natin ginagawa. oo, isa ngang kahangahangang gawaiin ang mga ginawa nila para sa ating lahat, at sino ba naman ang ayaw magka rebulto o mailagay sa pera hindi ba? pero hindi naman siguro ito ang dapat nating iwan.

isang nakapanlulumong bagay ang mamatayan lalo na kung ang namatay ay ating mga magulang, pero kung dumating nga ang panahon na mangyari iyon pagagawan mo ba sila ng rebulto? nanaisin mo bang maging kagaya sila ng mga bayani't santo na nakatatanggap ng walang hanggang pagtuligsa at na patuloy na inuungkat ang buhay, ako, hindi, dahil bukod sa mahal ang pagpapagawa ng rebulto ay mas gugustuhin ko pang sa puso't isipan ko na lamang sasariwain ang kanilang mga buhay, papayag ka bang lahat ng mga kalokohan nila ay malaman ng iba at ikumpara pa sila sa animo'y perpektong pamantayan ng ating syudad sa kung sino ang karespe-respeto at hindi?

ayan, napaisip ka siguro ngayon, o maaari din namang hindi, pero maganda ding matanggap natin ang katotohanang dun din tayo lahat patungo, at hindi natin makokontrol ang ating kahihinatnan, kung pwede nga lang diba?

No comments:

Post a Comment