Friday, May 31, 2013

masyado kang mabait para masaktan


Ayan, dito mo naman makikita yung mga taong na friendzoned. Sa sobrang bait mo sa kanila, ayaw ka nila i take as risk para sa relasyon. Minsan kaya naman talaga nila makipag relasyon sayo eh. Kaso nga ayaw nila mawalan ng isang mabuting tao sa kanila if ever hindi naging maganda ang takbo ng relasyon. Minsan kasi akala natin kaya natin eh. Pero sa huli maglalabasan ang mga ugali na hindi naipakita dahil nga magkaibigan lang naman kayo. Napaka ironic na ganun minsan ang nangyayari no? Tipong all you want is the best for them still sa huli hindi mo nakukuha yung bagay na gusto mo if ever na ma fall ka dun sa tao na yun.

Minsan naiisip ko, kaya siguro madalas nasasaktan yung mga tao kasi patuloy silang nag tatake risk sa taong hindi naman ganung ka OK. Kasi dun sila nag sesettle sa taong hindi naman masama pero medyo bad boy. Yun bang mga taong worth the risk. Tipong mawala man, edi ok lang. Pero kung mapatino nila edi mas ok.

At yung mga mababait, ayun. Patuloy na nagbibigay lang ng payo. Patuloy na nasa likod lang at naka masid sa taong mahal niya at pinapangarap niya na nasasaktan lang kasama yung taong “Worth the risk”.

Dahil nga ba “We accept the love we think we deserve?” o gusto mo lang i explore ang iba’t-ibang tao kung ano mai ooffer nila sayo? Sino nga rin naman tayo para husgahan yung mga medyo bad boy diba? Basta ang alam natin masama sila kasi sinasaktan nila at hindi binibigyan ng importansya ang taong pinapahalagahan mo.

hays!


I hate the idea na kahit hindi na kayo eh parang may koneksyon pa rin kayo sa isa’t-isa kahit wala na kayo. Tipong hindi ka makapagsimula ng bago kasi inaalala mo pa rin ang mararamdaman niya. Alam mo yung mag aassume ka na kapag ba may bago na kong mahal eh masasaktan ko siya? Yung kapag nagmahal ba ko ng bagong tao eh maapektuhan siya?

Alam mo yun.. Yung wala ng label pero still na nag ke care ka sa taong yun? Tapos hindi mo magawang magmahal ng ibang tao kasi umaasa ka na

“Baka bumalik yung taong yun?”

“Paano kung mahal niya pa ko? “

“Paano kung hinihintay niya lang ako umaksyon?”

“Paano kung naghihintayan lang pala kaming dalawa?”

“Paano kung ilusyon ko lang pala ang lahat ng ito?”

Kaya ang daming naapektuhan at nalulungkot. Tatlo ang apektado eh. Ayun ang hirap kapag hindi ikaw ang first love ng tao. Napakaraming past. Tipong pati yung taong gusto mo eh nalilito kung ano ang gusto niya. Lalo na kapag sobrang mahal niya yung past niya at natutunan na lang tanggapin na wala na lang yung past niya. Pero paano kung sarili lang pala niya ang niloloko niya at akala niyang masaya na siya at tanggap na niya? Paano kung ikaw yung malas na taong napagbalingan niya ng atensyon? Paano kung bumalik yung nakaraan niya? Ano ang gagawin mo? Ang sakit diba?

Kaya ang hirap ng ganun eh. Yung kahit sobrang panahon na silang wala. Once na bumalik yung nakaraan eh napakalaki ng edge kahit na sinaktan siya nito ng maraming beses. Wala ka namang magagawa. Mahal mo siya. Mahal niya siya.