Araw-araw ay
laging sa waiting shed si Jeremy. Isang labing dalawang taong gulang na
bata.Hiwalay ang kanyang magulang. Siya ay nasa pangangalaga ng
kanyang ina na isang labandera sa kaninong bahay lang. Hanggang grade 5
lang siya sa elementarya.
Sa waiting shed ang ginagawa niya ay
nagpapasakay ng mga pasahero. Kapag pumapara ang jeep sa waiting shed
ay papasakayin niya agad ang mga tao na sasakay. Ang iba naman minsan
hindi nakakasakay dahil walang bakanteng upuan. Minsan siya ay
binibigyan ng kaunting pera ng driver ng jeep at minsan naman hindi.
Ayos lang sa kanya kung hindi man bigyan ng pera sa pagpapasakay.
Mayroon din naman siyang mga paninda na iba't ibang klase ng candy at
sigarilyo. Kahit paano ay kumikita siya sapat para may maibigay sa ina
at ng may makain sila.
Kung tag-ulan naman siya ay may payong na
para sa mga sasakay na pasahero. Kapag hihinto ang jeep sa waiting shed
ay papayungan niya ang tao na sasakay para hindi mabasa. Sa ginagawang
pagpapasalamat ng pasahero doon ay naaantig ang damdamin niya.
Nasisiyahan siya kapag pinapasalamatan. Minsan ang pasahero na
pinapayungan niya para sumakay ay inaabutan siya ng pera kapag nakaupo
na.
Sa araw-araw na ginagawa iyon ni Jeremy na nagpapakita ng
magandang ugali at kabaitan umulan man at umaraw ay may nakapansin sa
kanya na mag-asawa na mayaman pero walang anak. Kinumbinsi siya na sa
kanila tumira at papag-aralin pa hanggang sa kolehiyo. At ang ina niya
ay sa kanila na rin titira at magiging katulong sa bahay ng sa ganun ay
hindi sila maghiwalay. Susuwelduhan pa ng malaki ang ina niya. Walang
pag-aalinlangan na si Jeremy ay pumayag sa alok dahil pangarap din niya
ang makaahon sa hirap. Ganundin din naman ang ina niya.
Bawat
isa sa atin ay may ambisyon. Kung ang ating hangad ay mistulang nasa
waiting shed at hindi nasisikatan ng araw. Hindi nagkakaroon ng liwanag
para iyon makamit ay huwag lang mag-alala. Dahil darating din ang araw
na makakamit iyon basta maging masipag at desidido lang na iyon ay
makamtan. Huwag lang panghinaan ng loob. Sapagkat sa pagbiyahe sa
tagumpay ay hindi lahat nakakasakay agad.
No comments:
Post a Comment