Wednesday, October 31, 2012

people are lot like pokemons

There’s a lot of different types out there



Some are easy to catch, but you’ll end up regretting it.




Some are hard to catch, but worth it.




Some look good, but are worthless.



Some may not seem right from the start, but if you love them, they will eventually turn into something beautiful.

And it may take some time, but when you find the right one for you, it’s the most amazing thing in the world.




Tuesday, October 16, 2012

bakit may mga taong nang-iiwan?



Hindi naman lahat ng taong nang-iiwan ay manloloko, may ilan pa din namang totoo kapag nagmahal.  Lalo na yung mga tinamaan talaga ni kupido, walang dudang inlove na inlove talaga.  Minsan swertihan lang talaga siguro na makatagpo ka nung taong maiinlove talaga sayo ng sobra-sobra.  Yun bang hindi ka mangangamba na maghanap siya ng iba kasi sa mga mata niya ikaw lang yung tanging nakikita niya at alam mo ding ikaw lang yung laman ng puso niya. Eto din yung dahilan na nagiging kampante tayo masyado sa mga taong akala natin forever na tayong mamahalin.  Pero tulad nga ng lahat ng bagay, may expiration din.  Masasabi mo lang naman na niloko ka ng isang tao kung ipinagpalit ka niya sa iba o di kaya'y pinaniwala ka sa mga kasinungalingan.  Ayun niloko ka lang talaga.

Pero bakit nga ba may mga taong nang-iiwan?  Eto yung mga naiisip kong dahilan:


May 3RD PARTY - eto yung pinakauso sa lahat ng break-ups. May mahal na siyang iba.


Biglang naturn-off sa partner - eto yung sa una bait-baitan effect pero nung naging sila na nagkalabasan ng ugali, xempre turn off nga naman.


 Nagger gf/bf - xempre sino bang may gusto na nina-nag ka palagi, nakakarindi diba?


 Super selosa/seloso - nakakairita naman yung parang wala ka ng ibang pwedeng kausapin kasi lahat na lang pagseselosan, para ka ng ibon na nakakulong sa hawla.


Tamang Hinala (T.H) - eto yung masyadong mapagduda parang pagseselos din pero much more sa pagdududa na xempre away ang kasunod lagi.


Masyadong BUSY - walang time makipag-usap o magtext man lang, Masyado nga kasing busy.


Always LATE - once, twice, thrice na pagiging late, ok lang pero kung madalas na diba parang nakakainis na? parang hindi na siya excited makasama at makita ka.  Pero depende din sa reason.


DISHONESTY - eto yung masyadong nagdadahilan ng mga bagay na hindi naman totoo para pgtakpan yung mga bagay na ayaw mong ipaalam sa partner mo.


Nagsawa na - usually eto yung short term love lang.  HIndi pangmatagalan, hidni true love kaya nawwala din,


Family Problem - kadalasan pag may problema yun isang tao naiiba yung ugali or mas gusto nilang mapag-isa.


Health Problem - pag may malala kang sakit na pwede mong ikamatay mas gusto mo na i-isolate na lang yung sarili mo at ayaw mo rin malaman ng partner mo.


Forced breakup - Eto yung mahal na mahal niyo yung isat isa pero kailangan niyong maghiwalay dahil may tumututol or anumang mabigat na dahilan.





Lahat ng taong nang-iiwan, may dahilan hindi pwedeng wala. 

So sa tingin mo, anong dahilan mo?

confession of a broken heart





Kapag pakiramdam mo masyado ka ng nagmamahal at tingin mo parang may mali, marapat lang na tumigil ka sandali at bigyan ang puso mo nagpagkakataong makapagpahinga.  Panahon para gamitin mo ang utak mo para timbangin ang sitwasyon batay sa dahilan at hindi sa emosyon.  Dahil ang pinakamalungkot na  pagmamahal ay nangyayari pag nainlove ka sa taong wala namang gusto sayo o di kaya kaibigan lang o nakababatang kapatid ang tingin sayo.

"Love can sometimes be magic.. but magic can sometimes be an illusion..."


May mga pagkakataong iniisip mo na sana manhid ka na lang para wala ka ng maramdamang sakit.  Hindi ka mapagtataksilan, mabibigo at luluha na para bang wala ng katapusan.  Pero kung hindi mo naman bubuksan ang puso mo, hindi mo mararamdaman kung pano magmahal at mahalin.
Pero pano nga ba kung puro sakit na lang..pagod na pagod ka na, anong pipiliin mo?

To have a heart thats whole but numb or a heart that's broken but real?

Sabi nila kung hindi ka masasaktan, hindi mo malalaman na nagmamahal ka. Totoo nga yun.  Darating ang panahon maaalala mo yung mga taong minahal mo na iniwan ka lang.  Siguro pagtatawanan mo na lang yun sarili mo kung paano at gaano ka nagpakatanga sa kanila kahit na alam mong hindi ka naman nila mahal.  HIndi naman masamang magkamali, parte na yan ng buhay natin.  Ang minsang mabulag sa pag-ibig.  Ang masaktan, ang umiyak magdamag atpiliting ipaglaban ang taong mahal natin.

"Love makes the world go round..."


Tayo ang makakapagdesisyon.  Patuloy tayong magmahal at masaktan, kahit mahirap, kahit masakit.  Lumaban ka hangga't may dahilan para lumaban.  At kung mawala man sayo magpasalamat ka na nakilala mo siya at dahil sa kanya nagmahal ka ng totoo.

bitaw



Loving is not owning we can let it go...

Minsan sa buhay makakakilala ka ng taong magpapabago ng buhay mo at mamahalin mo siya ng sobra-sobra.  Ang masakit lang dun hindi mo malalaman kung hanggang kailan siya magtatagal sa buhay mo. Nothing is permanent, kung may permanent man eh yun yung pagbabago. Ang magagawa mo lang ay mahalin siya habang na sayo siya. Angkinin mo hanggang gusto mo pero pag dumating na yung time na binawi na siya sayo, matuto kang bumitaw.

Yun bang kahit gaano mo ipaglaban yun pagmamahalan niyo parang wala pa ding tamang nangyayari. Puro problema na lang at pati kayo nagkakasakitan na.  Naisip mo ba? Tadhana man ang naglapit sa inyo, maaaring tadhana din ang makapagtatakda ng paghihiwalay niyo.

Ipaglaban mo man ang taong mahal mo kung ayaw na sayo at kung magiging komplikado lang ang lahat, hindi masamang mag-give up.

OO, mahirap. Wala namang nagsabing madali. Pero diba mas mahirap kung ipagpipilitan mo pa yung hindi na pwede?

Pwede ka pa din naman magmahal.


Yung pagmamahal na kahit hindi na kayo pwede, masaya pa din kayo para sa isa't isa.