Tuesday, October 16, 2012
confession of a broken heart
Kapag pakiramdam mo masyado ka ng nagmamahal at tingin mo parang may mali, marapat lang na tumigil ka sandali at bigyan ang puso mo nagpagkakataong makapagpahinga. Panahon para gamitin mo ang utak mo para timbangin ang sitwasyon batay sa dahilan at hindi sa emosyon. Dahil ang pinakamalungkot na pagmamahal ay nangyayari pag nainlove ka sa taong wala namang gusto sayo o di kaya kaibigan lang o nakababatang kapatid ang tingin sayo.
"Love can sometimes be magic.. but magic can sometimes be an illusion..."
May mga pagkakataong iniisip mo na sana manhid ka na lang para wala ka ng maramdamang sakit. Hindi ka mapagtataksilan, mabibigo at luluha na para bang wala ng katapusan. Pero kung hindi mo naman bubuksan ang puso mo, hindi mo mararamdaman kung pano magmahal at mahalin.
Pero pano nga ba kung puro sakit na lang..pagod na pagod ka na, anong pipiliin mo?
To have a heart thats whole but numb or a heart that's broken but real?
Sabi nila kung hindi ka masasaktan, hindi mo malalaman na nagmamahal ka. Totoo nga yun. Darating ang panahon maaalala mo yung mga taong minahal mo na iniwan ka lang. Siguro pagtatawanan mo na lang yun sarili mo kung paano at gaano ka nagpakatanga sa kanila kahit na alam mong hindi ka naman nila mahal. HIndi naman masamang magkamali, parte na yan ng buhay natin. Ang minsang mabulag sa pag-ibig. Ang masaktan, ang umiyak magdamag atpiliting ipaglaban ang taong mahal natin.
"Love makes the world go round..."
Tayo ang makakapagdesisyon. Patuloy tayong magmahal at masaktan, kahit mahirap, kahit masakit. Lumaban ka hangga't may dahilan para lumaban. At kung mawala man sayo magpasalamat ka na nakilala mo siya at dahil sa kanya nagmahal ka ng totoo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment