Tuesday, June 5, 2012

kung si dar ay si san pedro..


Kung hawak ko ang susi ng pinto ng langit, at may kapangyarihan na tanggihan ang mga taong ayokong pumasok dito, madami sigurong masusunog ang kaluluwa sa impyerno (kaya nga siguro isa lang akong reklamador na artist.hehe) .

Una sa listahan ko, taong kalbo na kulang ang ngipin at may ngiti na parang kontra bida sa pelikula.Tie naman sa second placer ko ang dalawa sa kapitbahay ko.Yung isa yung parating naka-double parking kahit na napakasikip na ng daan at yung isa naman ay may psychotic na aso na muntikan ng makagat yung utol ko. Pangatlo siguro yung mga MMDA traffic officers na mayabang pa sa mga pulis.

Isang tao naman ang naiisip ko na sana pwede kong ibalik sa mundo.

Nanay ko, parang hinde ata sya dapat na nasa langit na, parang ang dami pa sana niyang nagawan na mabuti. Hinde man siya makatulong sa road widening sa SLEX tingin ko naman kaya niyang pagdugtungin yung mga nasirang komunikasyon ng pamilya namin.

Hinde ako nagpapanggap na diyos, may mga tao lang talaga akong gustong mamatay at may mga taong gusto ko sana ay buhay pa. Lahat naman siguro tayo may ganitong pakiramdam.

hindi ka pa pwedeng mawala



Hinde nursing home ang puso ko at mas lalong hinde charity works ang pagibig ko kaya sana magawan natin ng paraan 'to dahil ayokong magtuloy- tuloy 'to dahil nasanay lang tayo.

Ayokong maghilahan tayo pababa dahil lang hinde tayo makabitiw. Ayoko din naman bitawan at pagsisihan sa huli.

Siguro pagod at gulpi lang tayo ngayon pero hinde naman manhid. Naniniwala pa din naman ako na kaya pa kung talagang gagawan ng paraan. Maitatakbo pa sa emergency room, mabibigyan ng CPR at mabubuhay pa.

Lahat daw may katapusan sa takdang oras, pero sa relo ko, wala pa kong balak mawala ka sa buhay ko

Monday, June 4, 2012

haysss...


san mo itatago ang lahat ng badtrip?
puwede mo bang walisin sa ilalim ng kama kasama ng mga agiw at alikabok?

nauubusan na ko ng pagkakataon para gawin ang mga alam kong tama.nilalalmon na ng sistema. nilalamon na ng mga patakaran. na-compromise na ang mga paninindigan para sa mas madaling mga paraan. paminsan-minsan ginagamit ang ang paninindigan. minsan ginagawa ang alam na tama pero dahil karaniwang tao kadalasan binabaliwala.

nagbubulag-bulagan. bingi-bingihan. mairaos lang ang araw na ito para bukas ay ganito nanaman. hanggang saan? hanggang kailan? hinde naman isang buong kaharian ang kailangan, munting lugar lang na matawag na ako ang may karapatan.

lalaban hanggang kaya eh paano pag 'di na?

ako lang ang makagagawa


May mga bagay na ikaw lang ang makakagawa para sa sarili mo. Ilan dito ay ang magisip, ma-inlab , magalit at magpatawad (marami pang iba, tinatamad lang ako ilagay). Bayaran man o hinde ang ibang tao, parang napaka-imposible na may gumawa nito para sa 'yo. Siguro kung tamad ka talaga, ang pinaka-malala mong puwedeng ipagawa sa iba para sa 'yo eh ay ang ipanguya yung pagkain mo para lulunukin mo na lang pero sabi nga ng anak ko, "eeew!".

Para sa akin, mahalaga na malaman mo yung mga bagay na puwede at hinde mo puwede ipagawa sa iba. Twenty four hours lang kasi ang isang araw,babawasin ko pa dito ang biyahe mula Cavite hanggang Ortigas tapos Ortigas papuntang Cavite, magkakape, sepilyo, kakain at matutulog pa. Nakatipid na nga ako actually kasi mula nung makahiligan kong magpakalbo, hinde na ko nagsusuklay.

Naisip ko to kasi napanood ko ulit yung movie na wall-e. Naka-autopilot lahat dun sa spaceship nila eh.

Tapos dumating sa pagkakataon na pati ang maglakad ay nahihirapan na sila. Naisip ko din dahil sa pelikula na yon na, walang ginawa ang diyos na nalampasan na TALAGA ng gawa tao. Kahit naka-I7 pa na processor ang computer mo, mas mabilis pa din ang utak ng tao. Ano man ang bilis ng computer, kung mabagal ka, mabagal kayo pareho. Naka-develop na ng emotions ang mga robot sa movie pero bitin pa din. Actually may hinde pa nga sila nagagawa, ang gumawa ng organic tulad ng halaman. Ang tagal nilang wala sa earth dahil 'di nila kayang gumawa ng halaman. Wala silang nagawa kung 'di magantay, manalangin na sana makahanap sila ng halaman.

Isa pa, siguro ang magdasal at ang relasyon ko sa diyos ang isang bagay na walang ibang puwedeng gumawa para sa akin o sa atin. Kahit sino pa sinasamba mo. Tingin ko isusumpa ka nito kung naka-autopilot ang pananampalataya mo sa kanya.

Limitado ang tao, masaya ang limitado. Makakaramdam ka na kailangan mong mangarap, umasa,umibig, ngumiti at pumunta sa banyo. Ako lang ang makakagawa nito, i-e-enjoy ko na lang ang limitasyon ko.


Ang mga lalake, kapag inaasar ka niyan ng walang dahilan, posibleng trip ka niyan. Lalo na kapag lagi ka niyang pinagtritripan? Madalas niyan diyan nag uumpisa yung pagpaparamdam. Hindi ba’t napakasaya kapag may isang taong handang magpatawa sayo at asarin ka ng mga bagay tulad ng “Bully ka”, ang taray mong tao ka, at marami pang iba.

Ang mga lalake masasabi nating busy na tao yan eh, marami kasing pwedeng gawin. Pwedeng maglaro lang ng computer maghapon yan eh, pwedeng lumabas ng bahay at makipaglaro o makitambay sa mga kaibigan niya.

Kaya sa oras na binigyan ka ng oras niyan eh nakooo! baka nagpaparamdam na yan. Minsan dapat mo ng isipin kung dapat mo na rin ba siyang pansinin kasi palagi siya sayong nagpapapansin o kaya naman worth na rin ba yung effort niya sayo para mag effort ka na din? Nasasayo yan. Yun ang maganda, yung mga taong hindi padalos dalos. Yung dadaanin ka muna sa asar asar na yan kesa naman kakakilala niyo pa lang eh manliligaw na agad.

break ups


Im confused and  I need some time out to find myself.

Hindi mo pa ba nahahanap sarili mo? Naiwan mo ba sarili mo nung nagmahalan tayo? Saan ka nalito? San banda? Anyare sa desisyon mo. Kailangan mo nga siguro ng oras para hanapin ang sarili mo. Saan ka naguguluhan? Kung sino ang nagkamali? Ikaw lang nagkamali. Ikaw lang dumadahilan e.

Maybe this is not the right time for us.

Talaga? Anong oras mo ba dapat sinasagot ang isang tao? Tuwing gabi lang? Alas onse? Alas dose? O baka naman ala una? Anong relo ba ang gusto mo para tumama ang oras natin. Bench ba? Penshoppe? Fossil? O rolex? Ang mahal mong mahalin kung ganun.

Di kita maalagaan ng tulad ng inaasahan mo. You deserve someone better. That’s not me.

Sana alam mong hindi ka liligawan ng isang tao kung hindi ikaw ang gusto niya. Hindi naman caregiver ang hanap niya. Taong magmamahal lang at susuporta sa kanya ang kailangan niya. Bakit ka ganyan? Sarap mong kotongan.

We are too different from each other.

Malamang. Babae siya at Lalake ka. Pwede ring Lalake ka at babae siya. Ano pa ba ang dapat ipareho? Bakit kailangan bang magkapareho? An dami mo kasing hinahanap kaya ayan ang dahilan mo. Kaya nga unique ang tao. Ibig sabihin walang katulad. Ano gusto mo? Kambal?

Someday,hahanapin kita when we’re both ready. Kung tayo talaga, tayo rin in the end. diba?

Talaga? Kailangan talaga? So maglalaro tayo ng tagu taguan? Hindi na ko magpapakita sayo. Bakit? Ikaw lagi ang taya. May kalaro na ko ng habul habulan sa oras na ayain mo ko ng tagu-taguan. Bakit kailangan pa sa huli? Kapag nagsawa ka na sa iba? Tska ka babalik? OH MEN!


I really think that we should break up. Because I don’t know if I still love you.

Anyare? Sabi mo kaibigan mo lang? Tapos ka holding hands? Ang sweet mong kaibigan. Tama makipag break ka na nga. At di ko na rin alam kung mahal rin kita. At nakapag isip ka pa ng lagay na yan.

Its not you, its me…

Oo buti alam mo. Dito ka lang ata tumama. Diyan ka magaling.

I just realized that I dont want to be attached.

Anyare ulet? Email ka? Email? attach file? Attache case? Ewan! :)) Gusto mo ba ng stapler remover? Para ma dis attach na tayo?

I need space

Di mo naman kasi agad sinabing astronaut pala ang gusto mo pag laki. O kaya naman gusto mong maging keyboard? Ang haba ng space dito o.

Kung talagang tayo, kahit saang sulok ng mundo, magtatagpo tayo.

Kung nasa dulo ako ng mundo. Ikaw nasa labas ka na. Diba pangarap mong maging astronaut? Tska kung sakaling magiging keyboard ka. Nasa dulo ka lang ng computer table.

Sunday, June 3, 2012

Ang hirap maghanap ng partner kapag feel mo tumatanda ka na.


Alam mo yung pakiramdam na parehas na kayong maraming naranasan? O kaya naman nakuha na ang lahat na sa tingin mo ay pwede o kaya naman ay babagay sayo? Yung nagkakaroon na kayo ng ibat-ibang pananaw dahil sa mga “heart aches” na naramdaman ng bawat isa.

Sabi nga eh kapag tumanda ka at lagi kang nasasaktan, mag-iiba ang pananaw mo sa pag-ibig. Magiging praktikal ka na, pero “MALI” ang maging praktikal sa pag-ibig. Nawawala nga kasi dun yung essence ng love, nawawala yung kilig. Kasi yung expectations mo bilang tao hindi mo na rereach. O kaya naman pinangungunahan mo yung pwedeng mangyari. Naging ikaw yung taong sobrang advance mag-isip. Alam mo yun? Yung buhay pag-ibig mo puro “what if ganito ganyan na ang kalalabasan”.

Ayun dun tayo nadadali eh, sa “what if”. Yung tipong

“What if hindi pala siya?”

“What if masaktan na naman ako?”

“What if nilalandi lang pala niya ko?”

“What if hindi totoo ang sinasabi niya?”

“What if hindi lang ako ang nililigawan niya?”

“What if marami kami? At hindi ko solo ang puso niya?”

“What if ma friendzone lang ako?”

“What if ma reject lang niya ako?”

Dahil sa dami ng karanasan na nangyari sa puso mo. Natuto ka mag come up ng mga sitwasyon na posible namang hindi mangyari. Pero iniisip mo parati. KAya ayun sa huli mag-isa ka parati. Di mo naman masisi sarili mo, parati ka naman kasing nasasaktan eh.

Nakakamiss lang dati kapag nagmamahal ka, wala kang inaalala. Wala kang inaalala na baka magkamali ka, wala kang inaalala kung masasaktan ka. Kasi totoo lahat ng nararamdaman mo eh, wala ka pang nakukuhang idea kasi hindi ka pa nasasaktan kasi nga bata ka pa at wala pang masyadong pinoproblema. Kulet ng buhay eh, minsan kung kailan ka nagiging matanda. Tska ka naman nagiging bata.