Monday, June 4, 2012
ako lang ang makagagawa
May mga bagay na ikaw lang ang makakagawa para sa sarili mo. Ilan dito ay ang magisip, ma-inlab , magalit at magpatawad (marami pang iba, tinatamad lang ako ilagay). Bayaran man o hinde ang ibang tao, parang napaka-imposible na may gumawa nito para sa 'yo. Siguro kung tamad ka talaga, ang pinaka-malala mong puwedeng ipagawa sa iba para sa 'yo eh ay ang ipanguya yung pagkain mo para lulunukin mo na lang pero sabi nga ng anak ko, "eeew!".
Para sa akin, mahalaga na malaman mo yung mga bagay na puwede at hinde mo puwede ipagawa sa iba. Twenty four hours lang kasi ang isang araw,babawasin ko pa dito ang biyahe mula Cavite hanggang Ortigas tapos Ortigas papuntang Cavite, magkakape, sepilyo, kakain at matutulog pa. Nakatipid na nga ako actually kasi mula nung makahiligan kong magpakalbo, hinde na ko nagsusuklay.
Naisip ko to kasi napanood ko ulit yung movie na wall-e. Naka-autopilot lahat dun sa spaceship nila eh.
Tapos dumating sa pagkakataon na pati ang maglakad ay nahihirapan na sila. Naisip ko din dahil sa pelikula na yon na, walang ginawa ang diyos na nalampasan na TALAGA ng gawa tao. Kahit naka-I7 pa na processor ang computer mo, mas mabilis pa din ang utak ng tao. Ano man ang bilis ng computer, kung mabagal ka, mabagal kayo pareho. Naka-develop na ng emotions ang mga robot sa movie pero bitin pa din. Actually may hinde pa nga sila nagagawa, ang gumawa ng organic tulad ng halaman. Ang tagal nilang wala sa earth dahil 'di nila kayang gumawa ng halaman. Wala silang nagawa kung 'di magantay, manalangin na sana makahanap sila ng halaman.
Isa pa, siguro ang magdasal at ang relasyon ko sa diyos ang isang bagay na walang ibang puwedeng gumawa para sa akin o sa atin. Kahit sino pa sinasamba mo. Tingin ko isusumpa ka nito kung naka-autopilot ang pananampalataya mo sa kanya.
Limitado ang tao, masaya ang limitado. Makakaramdam ka na kailangan mong mangarap, umasa,umibig, ngumiti at pumunta sa banyo. Ako lang ang makakagawa nito, i-e-enjoy ko na lang ang limitasyon ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment