Thursday, December 27, 2012

Bakit nahuhulog tayo sa mga tao na nakilala lang natin sa social networking sites?


Dito kasi lagi tayo nakatutok, dito na umiikot ang mundo natin. Kumbaga dito ka nakafocus eh, so hindi malabong dito mo rin mahanap yung taong mamahalin mo. Araw-araw ka ba naman naka online at araw-araw mong kausap yung mga tao dito dahil tulad mo, ito rin ang hilig nila. Kumbaga nasa iisang mundo kayong ginagalawan.

Syempre, parang kasama mo na rin palagi sa buhay yan eh, nakikita mo litrato niya, siya lagi yung may oras sayong kausapin ka sa oras na tahimik ang buhay mo hindi ba? Kaya sobrang hindi labong mangyari yun. Pero yun nga, mahirap ang internet relationship. Maari kasing bigla na lang itong mawala, kasi minsan hindi mo alam masaya ka lang sa atensyon na binibigay niya. Pero sa huli baka magkasawaan rin kayo lalo na kung malayo kayo sa isat-isa.

Kaya iba pa rin yung power ng nakilala mo siya sa internet pero nagkikita kayo physically. Mahirap pumasok sa Long Distance Relationship na hindi pa kayo nagkikita, kahit sabihin mong LDR ka ngayon at hindi pa kayo nagkikita eh sasabihin mo sakin na kaya mo dahil tiwala lang ang kailangan at komunikasyon. Nagkakamali ka.. Alam mo yung pakiramdam na gusto mo rin siyang protektahan kapag aalis siya, gusto mo siyang samahan pero wala kang magawa, lalo na sa parte ng lalake. Kapag binabastos na yung babae wala kang magawa kundi mag text lang. Ito naranasan ko sa past relationship kong Long Distance Relationship din.

I feel so helpless, kapag binabastos siya ng mga kalalakihan kahit wala naman siyang ginagawang masama, ako tong parang tanga na nagagalit na lang at walang magawa. Alam mo yun? Yung gusto mong magkaroon ng security yung taong mahal mo pero hindi mo magawa kasi nga ” Malayo nga kayo” at “Never pa kayo nagkita” kasi malayo kayong dalawa sa isat-isa.

So ayun, meet before you commit talaga ang masasabi ko sa mga taong susugal sa relasyon na inilakad ng Internet.

Ang hirap kapag nasanay na maging Single yung isang taong papasok sa relasyon.


Alam mo yung pakiramdam na dati sobrang hawak mo ang oras mo, yung pakiramdam na baka manibago ka kasi may tao ng maghahanap or magdedeman ng oras sayo. Ito ang ayaw maramdaman ng mga taong single eh, yung na enjoy nila ng husto yung single life nila kaya yung pumasok na sila sa relasyon eh ramdam nila nasasakal sila kahit hindi naman.

Eh masisisi mo ba yung mga single? eh syempre gagawa at gagawa ng paraan yan para sumaya, tipong stay put lang sila sa buhay habang nag-aabang ng taong magmamahal sa kanila.

Dati nakakapagpuyat ka, ngayong papasok ka sa relasyon asahan mong may susuyuin ka na kapag nagpuyat ka pa. Kasi magagalit yan at mahuhuli na hindi ka pa pala natutulog. Mapwepwersa kang sumunod dahil takot kang mawala siya sayo.

Basta, sobrang life changing ang magkaroon ng relasyon, lalo na kung sa sarili mo eh gusto mo na talagang i commit na “siya na talaga”. So magpapakaloyal ka, maraming mababago sa daily routines mo. Hahawakan mo na ulit cellphone mo, magpapaload ka na ulet, may kausap ka na lagi sa telepono. Hindi na uubra yung aalis ka na hindi magpapaalam. Kailangan muna lagi sasabihin mo sa karelasyon mo mga lakad mo.

Basta, kaya dapat nag-iisip isip ka. Once na pumasok ka sa relasyon, ilan yan sa mga dapat tatandaan mo.

Pag hindi pa kayo, hindi pa kayo!


Tandaan mo na pwede kang magselos, kahit na wala kang karapatan basta may nararamdaman right? Pero hindi mo siya pwedeng kontrolin sa mga taong kinakausap niya, kasi unang una yun ang hindi mo karapatan; ang kontrolin yung mga taong kinakausap niya, normal na may kaibigan yan. Wala ka pa, andyan na mga kaibigan nyan.

Huwag mo siyang bigyan ng idea gaano mo siya sasakalin kapag naging kayo na, pero sure nga bang magiging kayo? Bago mo siya bigyan ng oras eh bigyan mo muna  ng oras sa sarili mo. Kasi nga if ever “magiging kayo” kakainin ng relasyon niyo kahit papano yung oras niyo. Hindi na uubra yung pa petiks petiks na ginagawa mo kasi wala ka pang commitment. So kapag meron ka na, umpisa na yan ng araw na may mag dedemand ng oras mo, may magagalit na kapag hindi ka nagtext at kung ano pa mang lack of communication magkakaroon kayong dalawa. So stayput lang, pag hindi pa kayo. Patunayan mo na andyan ka lang palagi kapag kailangan niya ng kausap.

Kaya ayun, easy lang muna sa buhay. Enjoyin mo ang buhay mag-isa habang wala pa. Malay mo, magsisi ka sa huli. Sa padalos dalos mong ginawa eh maisip mo sa sarili mong mas masaya pa pala maging single kesa ngayon na nasa relasyon ka nga malungkot ka naman.

Saturday, December 8, 2012

salamat sa'yo!


Salamat sa iyo. Salamat dahil napakarami kong natutunan at narealize ng dahil sa iyo. Nasaktan ako pero dahil sa sakit na ito kaya ko ginustong maging higit sa kung ano ako dati. Nahirapan man ako noong nawala ka pero eto naman ang nagturo sakin ng mahahalagang bagay sa buhay.

Salamat dahil natutunan kong mabuhay nang parang walang bukas. Kung may gusto akong gawin, gagawin ko na. Kung may gusto akong sabihin, sasabihin ko na. Kasi kung hindi, e kelan pa?

Baka maging huli na ang lahat.  Walang kasiguraduhan ang buhay. Kung anung meron ngayon, pedeng iba na bukas. Kaya natuto akong wag magtiwala sa bukas. Kung pwedeng ngayon, ngayon na, wag ng patagalin pa.

Salamat din dahil natutunan ko na minsan pala , dahil sa sobrang kumportable o sanay tayo sa isang bagay o tao e nakakalimutan na natin sila na bigyan ng halaga.

Natutunan kong maging mapag pasalamat sa anumang meron ako at sinisigurado kong na aalagaan at napapakita ko na mahalaga sila sa akin. Dahil kung mahal talaga natin ang isang tao, dapat iparamdam natin ito. Mayroon kasing mga pagkakataong porket alam nating mahal nila tayo e akala natin, hindi na iyon magbabago. Akala natin e patuloy nila tayong mamahalin kahit madami tayong pagkukulang . Pagkukulang dahil masyado na tayong palagay na andiyan lang sila palagi para sa atin. Nakakalimutan nating ibalik yung pagmamahal na ibinibigay nila.

Salamat dahil mula ngayon hindi ko na uulitin ang pagkakamaling ito. Ayoko na kasing maramdaman ulit ung kahit gusto mong bumawi sa lahat ng pagkukulang mo, e wala ng pagkakataon. Wala ng magawa ung pagmamahal mo,kahit ano pang gawin mo hindi na maibalik ung pagmamahal niya.

Maraming bagay akong gustong baguhin sa nakaraan ko, pero wala naman na akong magagawa dito. Sa dami ng pagkakamali ko, wala na akong magagawa kundi matuto at magbago.

Salamat sa iyo. Alam kong hindi mo alam na ganito katindi ung nagawa mo sa buhay ko. Salamat. Salamat.

tanggapin mo,sana!


Ang bawat tao ay may kanya kanyang katangian,ugali at paniniwala sa buhay.  Maraming bagay ang nakaka apekto sa ugali ng isang tao. Maaaring  kinalakihan na niya, nakita sa bahay o sa paligid niya o di kaya naman ay dahil sa mga sakit na pinag daanan niya sa buhay.

Bata palang ako,natuto nakong hindi umasa sa iba. Ayaw ko ng pinag sasabihan o kaya ay pina ngungunahan. Pakiramdam ko kasi alam ko naman at kaya kong gawin yun mag-isa kaya hindi ako nanghihingi ng tulong. Kaya kong dumiskarte at gawin ang mga bagay bagay sa sarili kong paraan. Malaki tiwala ko sa sarili ko. Naniniwala kasi akong walang imposible pag ginusto pero hindi ibig sabihin ay madali ko lang yun magagawa, syempre mahirap pero kakayanin ko kasi may tiwala ako sa sarili ko.

Hindi ako nagpapanggap na maging iba para magustuhan ng ibang tao. Pinapakita ko kung ano ako. Pinapakita ko kung paano ako magisip. Maraming hindi nakakaintindi , pero marami ding humahanga sa katangian kong eto.

Hindi ko tinatago ang mga di magagandang bagay sa akin kasi kung kilala mo ako,,maiintindihan mo.

Malalaman mo ang mga dahilan sa bawat kilos at salita na binibitiwan ko.


MAYABANG – Sabi , mayabang daw ako pero mas gusto ko itong tawaging CONFIDENCE. Sigurado kasi ako sa sarili ko, sa mga sinasabi ,ginagawa, paniniwala at mga opinyon. Malakas ang loob. Karaniwan kasi mahilig akong mag bigay ng opinyon sa lahat ng bagay.  May mga sinasabi ako na alam ko namang maaaring maging mali para sa iba pero opinyon ko iyon, hindi ko naman ipinipilit yun, dahil lahat naman tayo may kanya kanyang paniniwala. Sinusubukan ko lang ibahagi ung iniisip ko. Hindi ako palaging tama dahil marami akong bagay na hindi alam. Hindi ako nagmamarunong. Pag hindi ko alam, sinasabi ko na hindi ko alam. Nagkakamali ako at tinatanggap ko ang mga pag kakamali ko. Marunong akong makinig basta sabihin lang ng maayos at deretso sakin. Hindi kasi ako manghuhula at hindi rin naman ako magagalit kung itatama ang mga pagkakamali ko dahil para sakin rin naman un. Handa akong matuto pag nagkamali, para hindi na ito maulit. Minsan kasi may mga bagay tayo na nagagawa ng hindi na natin namamalayan kasi natural na ito sa atin pero may mga taong hindi maiintindihan un o kaya iba ang magiging dating sa kanila depende sa pagkatao nila.

Sabi nga, pag ang isang tao na mababa ang tingin sa sarili ay nakakita o nakasalamuha ng taong malaki ang tiwala sa sarili, mayabang at arogante ang tingin nila dito kasi hindi nila naiintindihan kung paano mag-isip ang mga taong may kumpiyansa sa sarili. Lumiliit lalo ang tingin nila sa sarili nila dahil mas nararamdaman nila ung pagiging dominante ng mga taong sigurado sa sarili.

Kaya pag may nagsasabing mayabang ako, masakit sakin un, dahil alam ko na hinuhusgahan na nila ako ng hindi naman nila alam ang dahilan kung bakit ako ganun.  Maangas ako magsalita, parang laging tama pero hindi. Nasa ibang tao na talaga kung paano nila ako titignan,nasa personal na opinyon na nila kung… ako nga ba ay may kumpyansa lang o arogante talaga.

DOMINANTE – Hindi ko alam kung nakaka apekto dito ung pagiging mabilis tumaas ng boses ko. Pero ganun kasi ako lumaki. Ung mga taong nakapaligid sakin palaging nag sisigawan. Dun ko ata nakuha ung ugali ko na mabilis mairita. Pero mabilis lang din naman mawala ung inis dahil hindi naman talaga ako inis nun e, un lang talaga ung unang reaksyon ko pag hindi na kumportable ang nararamdaman ko.

Kapag may ginagawa ako tapos biglang may magtatanong.. karaniwan unang reaksyon ko,, “ANO!?!?!” , “TEKA LANG NAMAN!!!” at “ANO BA YON?!?!?!”  Hindi ko sadyang tumaas ang boses ko, natural na itong lumalabas. Pero sinusubukan ko talagang baguhin kasi hindi maganda at hindi lahat ng tao maiintindihan ito. Lalo na kapag ung kausap mo ay hindi sanay na pinag tataasan ng boses.  Minsan naman, pag nagsalita ako, may tono na parang nag uutos, maraming nag aakala na inuutusan ko sila, pero pag sinabi na nila na, bakit ko sila inuutusan, nagugulat ako kasi hindi naman at nagsosorry na din dahil kasalanan ko yun.

Sa ngayon, sinusubukan ko talagang baguhin ito. Mas napapansin ko na din pag napapataas na agad boses ko tapos mag sosorry ako dun sa kausap ko baka kasi sumama loob nila ng hindi ko alam e.

DIRETSO MAGSALITA – Alam kong diretso ako magsalita. Hindi ko alam kung saan ko ba natutunan yun. Prangka ako. Sinasabi ko ang nararamdaman ko pag naiinis ako. Hindi ko plina plastic ung tao. Kung ano talaga ung nakikita ko,sinasabi ko. Masakit na kung masakit. E masakit naman talaga ang katotohanan. Kung ikukumpara ako sa iba, mabait pa nga ako, hindi sobrang brutal ung mga salita na ginagamit ko. Marami lang talagang tao na pag sinabi mo sa kanila ung totoo, nasasaktan sila. Hindi nila matanggap ung katotohanan at palalabasin nilang ako ung mali dahil parang nakaramdam sila ng pagkapahiya sa sinabi ko.

PALABAN – Hindi ako nag papaapi. Hindi sa walang respeto pero hindi ako papalamang. Lalo na pag alam kong tama ako at tama ung sinasabi ko. Minsan nga pati jeepney driver na mali mag sukli pinapatulan ko kasi gusto ko lang maging patas. Nagbabayad ako ng tama kaya maningil siya ng tama. Hindi din dahil mas matanda sakin ay dapat ng galangin at palagi na silang tama. Pinipili ko ang mga dapat respetuhin sa hindi. Hindi ko din basta basta binibigay ang respeto. Tinitignan ko muna at pinakikisamahan bago nila makuha ung respeto na para sa kanila. Para sa akin, pag katapos ng tiwala, respeto ang sunod na mahirap ibigay sa tao.  Kaya madalas, matapang ako sa harap ng ibang tao,laging palaban at mataas ang depensa, lalo na pag hindi ko pa kilala. Susubukan kong kontrahin sila at titignan ko kung paano sila mag rereact, pag nakita kong maganda talaga ang pagkatao nila,  dun ko sila rerespetuhin.  Dun ko na sila pakikisamahan ng maganda. Palaban ako sa mga taong hindi ko gusto o kaya hindi maganda ung ginawa/ginagawa sa akin.

MAARTE – Marami akong ayaw. Ayoko ng mga taong palagi na lang late. Pag sinabing 8am ang oras na magkikita kita, dapat 8am andun na, hindi 8am e nasa byahe pa o kaya paalis palang. Wala kasing pagpapahalaga ang mga taong late sa oras ng ibang tao. Bawat oras mahalaga, hindi dapat sinasayang sa paghihintay lang sa mga taong paimportante.

Ayoko din sa mga tao na ang daming reklamo sa buhay nila. Lahat na lang may sinasabing hindi maganda. Inuubos nila ung lakas nila sa pag rereklamo. Maingay sila sa pandinig ko.

Ayoko din sa mga taong nanlalamang. Ung mga taong nang gagamit ng kahinaan ng ibang tao para sa sarili nila. Madaling mag manipula ng tao pero dapat gamitin sa tama.

Ayoko din sa mga nagmamarunong. Pag hindi ko tinatanong ang opinyon o kaya hindi ako nang hihingi ng tulong, ibig sabihin  nun hindi ko kailangan. Lalapit naman ako at magtatanong pag hindi ko alam. WAG na WAG mo lang akong pangungunahan at itatrato mo ako na parang walang alam.

DEMANDING – Hindi kasi ako ung klase ng tao na OO lang ng OO sa lahat. Kinukuha ko ang para sa akin. Gusto kong binibigyan ako ng atensyon na sa tingin kong dapat meron ako. Gusto ko kasi ng buong atensyon ng mga taong mahalaga sakin kaya nag papapansin ako.  Ayoko ng hindi ako pinapansin lalo na ng taong mahal ko. Ok lang kung may ginagawa basta sabihin lang. Pero pag hindi nag paalam , naku tiyak mangungulit nako niyan. Hahanapin ko na yan. Magpapalambing tapos pag hindi nilambing magagalit kasi parang wala naman siyang pakialam sakin. Tamang usap lang naman ang kailangan ko. Sabihin mo sakin ng diretso para maintindihan ko.

Bakit ko ginawa itong post na ito? Simple lang, para mas makita ng iba kung paano ako magisip at kung anu ang mga dahilan ko.

Marami pang bagay tungkol sakin ang hindi nakikita ng iba. Kailangan ng maraming buwan o taon para makilala ako ng lubusan.  Marami akong magagandang katangian pero meron ding hindi maganda.  May ilan dun ,hindi ko kayang baguhin kasi ako na yun eh. Kailangang maintindihan at matanggap ng ibang tao yun kung gusto nila akong makasama. Kasabay nun ung pag intindi ko din sa mga di magandang ugali din nila. Wala naman kasing perpekto. Nasa pagtanggap yan at pag intindi. Kaya mahalagang pinag uusapan ang pag kakaiba para hindi pinag sisimulan ng hindi pagkakaintindihan. Maswerte ako kasi merong mga tao na nagsasabi ng mali ko. Natutulungan nila akong maging mas mabuting tao. Hindi ko kasi kailangan ng taong ayaw akong saktan kaya sasabihin nalang niya ung gusto kong marinig.  Kailangan ko ung magsasabi ng totoo na kahit masaktan ako e sasabihin pa rin niya dahil ang totoong tao na nag nag bibigay halaga sakin ay ung taong hindi ako kukunsintihin sa mga ginagawa kong mali. Ung kahit masaktan ako e alam ko naman na ang intesyon nila ay para mapabuti ako at maitama ang mga mali.

Kagabi, nakipag one on one ako sa mom ng friend ko. Marami akong natutunan. Marami akong naisip at napag tanto na pagkukulang ko. Mga ugali ko na dapat kontrolin at bawasan dahil hindi maganda ang nagiging resulta nito.  Mayroon siyang sinabi sakin na hindi ko malilimutan, sabi nya,

“nak,hindi mo mababago kung sino ka, makakapag adjust ka pero hindi sa lahat. At wag kang mag alala, dahil may taong kayang intindihin ang mga bagay na hindi maganda sayo pareho ng pagintindi mo naman sa kanya.At wag mong kakalimutang ipaliwanag ng maayos kung sino ka, para matanggap ka din niya ng maayos. Mag usap kayo. Mahalaga ang paguusap pero siguraduhin mong mahinahon kayo pareho at hindi nag aaway habang nag uusap.”

Marami tayong mga nagagawa na hindi tayo aware. Nakakasakit na pala tayo samantalang para satin normal lang yun. Maging mas sensitive tayo. Alamin natin ang mga dapat nating baguhin sa sarili natin.

Kayo ba, naisip nyo nabang alamin kung anu ang tingin sa inyo ng ibang tao ? Anu nga kaya???