Saturday, December 8, 2012
salamat sa'yo!
Salamat sa iyo. Salamat dahil napakarami kong natutunan at narealize ng dahil sa iyo. Nasaktan ako pero dahil sa sakit na ito kaya ko ginustong maging higit sa kung ano ako dati. Nahirapan man ako noong nawala ka pero eto naman ang nagturo sakin ng mahahalagang bagay sa buhay.
Salamat dahil natutunan kong mabuhay nang parang walang bukas. Kung may gusto akong gawin, gagawin ko na. Kung may gusto akong sabihin, sasabihin ko na. Kasi kung hindi, e kelan pa?
Baka maging huli na ang lahat. Walang kasiguraduhan ang buhay. Kung anung meron ngayon, pedeng iba na bukas. Kaya natuto akong wag magtiwala sa bukas. Kung pwedeng ngayon, ngayon na, wag ng patagalin pa.
Salamat din dahil natutunan ko na minsan pala , dahil sa sobrang kumportable o sanay tayo sa isang bagay o tao e nakakalimutan na natin sila na bigyan ng halaga.
Natutunan kong maging mapag pasalamat sa anumang meron ako at sinisigurado kong na aalagaan at napapakita ko na mahalaga sila sa akin. Dahil kung mahal talaga natin ang isang tao, dapat iparamdam natin ito. Mayroon kasing mga pagkakataong porket alam nating mahal nila tayo e akala natin, hindi na iyon magbabago. Akala natin e patuloy nila tayong mamahalin kahit madami tayong pagkukulang . Pagkukulang dahil masyado na tayong palagay na andiyan lang sila palagi para sa atin. Nakakalimutan nating ibalik yung pagmamahal na ibinibigay nila.
Salamat dahil mula ngayon hindi ko na uulitin ang pagkakamaling ito. Ayoko na kasing maramdaman ulit ung kahit gusto mong bumawi sa lahat ng pagkukulang mo, e wala ng pagkakataon. Wala ng magawa ung pagmamahal mo,kahit ano pang gawin mo hindi na maibalik ung pagmamahal niya.
Maraming bagay akong gustong baguhin sa nakaraan ko, pero wala naman na akong magagawa dito. Sa dami ng pagkakamali ko, wala na akong magagawa kundi matuto at magbago.
Salamat sa iyo. Alam kong hindi mo alam na ganito katindi ung nagawa mo sa buhay ko. Salamat. Salamat.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment