Thursday, December 27, 2012
Bakit nahuhulog tayo sa mga tao na nakilala lang natin sa social networking sites?
Dito kasi lagi tayo nakatutok, dito na umiikot ang mundo natin. Kumbaga dito ka nakafocus eh, so hindi malabong dito mo rin mahanap yung taong mamahalin mo. Araw-araw ka ba naman naka online at araw-araw mong kausap yung mga tao dito dahil tulad mo, ito rin ang hilig nila. Kumbaga nasa iisang mundo kayong ginagalawan.
Syempre, parang kasama mo na rin palagi sa buhay yan eh, nakikita mo litrato niya, siya lagi yung may oras sayong kausapin ka sa oras na tahimik ang buhay mo hindi ba? Kaya sobrang hindi labong mangyari yun. Pero yun nga, mahirap ang internet relationship. Maari kasing bigla na lang itong mawala, kasi minsan hindi mo alam masaya ka lang sa atensyon na binibigay niya. Pero sa huli baka magkasawaan rin kayo lalo na kung malayo kayo sa isat-isa.
Kaya iba pa rin yung power ng nakilala mo siya sa internet pero nagkikita kayo physically. Mahirap pumasok sa Long Distance Relationship na hindi pa kayo nagkikita, kahit sabihin mong LDR ka ngayon at hindi pa kayo nagkikita eh sasabihin mo sakin na kaya mo dahil tiwala lang ang kailangan at komunikasyon. Nagkakamali ka.. Alam mo yung pakiramdam na gusto mo rin siyang protektahan kapag aalis siya, gusto mo siyang samahan pero wala kang magawa, lalo na sa parte ng lalake. Kapag binabastos na yung babae wala kang magawa kundi mag text lang. Ito naranasan ko sa past relationship kong Long Distance Relationship din.
I feel so helpless, kapag binabastos siya ng mga kalalakihan kahit wala naman siyang ginagawang masama, ako tong parang tanga na nagagalit na lang at walang magawa. Alam mo yun? Yung gusto mong magkaroon ng security yung taong mahal mo pero hindi mo magawa kasi nga ” Malayo nga kayo” at “Never pa kayo nagkita” kasi malayo kayong dalawa sa isat-isa.
So ayun, meet before you commit talaga ang masasabi ko sa mga taong susugal sa relasyon na inilakad ng Internet.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment