Sunday, February 3, 2013
Mahirap ang silent war.
Kung may metro ang PRIDE. Baka lumagpas na ito. Kung baga sa cellphone yung signal lagpas na sa cellphone. Matindi ang pride. Napakamakapangyarihan. Marami ang hindi nag kakabati sa pride na yan. Syempre mataas nga eh. Hindi bat mahirap abutin ang mataas? Pero anu nga ba dapat ang gawin? Pag nag aaway kayo MAG SIGAWAN Kayo! Oo. Mag sigawan. Bakit? At least when there’s screaming and yelling you know what the other person is feeling. oha. Eninglish ko pa ha :) Sosyal. Di ko lang alam kung tama ung grammar. Sabi nga nang Barok english e . ” Dont english me. Im not graduation >:)” Haha. Ayun. Dapat hanggat maari eh kung feel mo ikaw mas matured eh ikaw na ang magparaya. Kasi pag pride ang pinairal ng mag partner o kung sino man tao. Hindi bat pag nag gegera ang dalawang tao eh pareho lang naman silang natatalo?
Best example eh Gera ng mga bansa.
Hindi bat bago nila makuha ang kinukuhang Freedom eh parehas sila nawalan ng tao? Namatayan. May mga taong nag buwis ng buhay para sa kanila. Para sa bansa.
Kung sa pag ibig naman. Pag nag umpisa ng gera yung isa. Syempre hindi naman papayag na gerahin ung pagkatao nung isa. Kaya ayan na. Manlalamig na si isa. Manunumbat na si isa.
Ewan ko kung tama ako sa lahat ng tao.
Ayos lang magkamali.
Ito eh base on experience lang naman :)
Salamat sa pagbasa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment