Sunday, February 3, 2013

“May sasabihin ako sayo”


Nasindak ka na ba ng salitang yan? Ramdam mo biglang heart attack no? Bigla kang mangingilabot at sobrang kakabahan kapag nakita mo yang salitang yan sa text o sa chat o kaya naman maaring sa Personal o kaya sa Telepono. Pero ang dyahe ng pakiramdam kapag sa text tapos mahina ang signal tapos atat na atat kang malaman kung ano yun at the same time sobrang kinakabahan. Natatakot ka na sobrang napaparanoid dahil parang alam mong may mali o kaya naman eh nagdududa ka sa itatagal ng relasyon niyo.

Tipong kapag hindi pa siya nagrereply ang daming papasok sa isip mo. Malas mo pa kapag delay ang message niya sayo. Syempre napadali nga naman iwan ng isang tao eh. Pwede nilang sabihin na ayaw na nila sayo. Pwede rin namang sorpresa pala nila yun sayo. Sinong makakaalam? Wala. Kundi sila lang. Kaya nakakayamot kapag may mga ganyan. Madalas din kasi sa break up ang hantong kapag mag on kayo. Minsan naman may aaminin na sobra kang masasaktan.

Kanya kanyang kwento yan eh. Pakshet lang talaga yung pakiramdam na yan. Parang ilang taon kang naghihintay sa loob ng isang minuto. Tapos laking ginhawa mo lang kapag sinabi niya na “Mahal kita” o kaya naman malas mo naman kapag lalake ka. Ang sasabihin sayo ng babae eh “Buntis ako, hindi ikaw ang ama.” Shet na malagkit. Daig pa ang nabanlian ng mainit na kape sa Tarvax!! Buhay nga naman! Bakit pa kasi nabuo yang pangungusap na yan e no? Pwede namang mag straight to the point na lang. Bakit kailangan pang sabihin na may sasabihin siya sayo. Nakakapanghina kaya.

1 comment:

  1. hahahahha ang galing ng gumagawa ng blog!!!! sayang hindi pa ito na eexplore ng iba. :((

    ReplyDelete