Tuesday, February 26, 2013
Handa ka bang mag take ng risk?
Ganito lagi ang katanungan ng isang lalake sa sarili niya kapag aamin siya sa isang babae. Kung handa niya bang isugal ang pagkakaibigan na meron sila ng taong mahal niya. Ganun kasi yun eh, talagang kailangan niyong isakripisyo ang pagkakaibigan niyong dalawa para pumasok sa isang relasyon.
Ganun yun eh, automatic yun. Kumbaga, kasunduan yun. Madalas kasi kapag nag-away or hindi kinaya yung pagsubok sa relasyon, ang isa ay sumusuko. Lalo na kung napilitan lang, o kaya naman eh natukso sa ibang tao. Masyado maraming kuro kuro ang iikot sa isip mo. Kung mahal ng lalake ng husto ang isang babae, hindi mag aatubiling sumagot ng “OO, KAYA KONG ISUGAL” kasi may tiwala siya sa sarili niyang makakaya niya at ipaglalaban niya ang nararamdaman niya.
Yun ang maganda, yung lalakeng may isang salita at paninindigan. Yun lang din naman ang hinahanap ng kababaihan eh, yung consistent after manligaw ng mga lalake. May mga tao kasing after manligaw eh nawawala na yung sweetness niya dati nung nagpaparamdam palang siya, kaya minsan nanlalamig sa isat-isa. Kaya ayun, kapag nag break, minsan nawawala yung relasyon bilang kayo, bilang magkaibigan, hanggang dumating sa puntong strangers na lang kayo.. Dadating sa punto na parang wala na lang, daig pa ang taong nag ka amnesia. Bigla na lang mag kakalimutan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment