Tuesday, February 26, 2013

Handa ka bang mag take ng risk?


Ganito lagi ang katanungan ng isang lalake sa sarili niya kapag aamin siya sa isang babae. Kung handa niya bang isugal ang pagkakaibigan na meron sila ng taong mahal niya. Ganun kasi yun eh, talagang kailangan niyong isakripisyo ang pagkakaibigan niyong dalawa para pumasok sa isang relasyon.

Ganun yun eh, automatic yun. Kumbaga, kasunduan yun. Madalas kasi kapag nag-away or hindi kinaya yung pagsubok sa relasyon, ang isa ay sumusuko. Lalo na kung napilitan lang, o kaya naman eh natukso sa ibang tao. Masyado maraming kuro kuro ang iikot sa isip mo. Kung mahal ng lalake ng husto ang isang babae, hindi mag aatubiling sumagot ng “OO, KAYA KONG ISUGAL” kasi may tiwala siya sa sarili niyang makakaya niya at ipaglalaban niya ang nararamdaman niya.

Yun ang maganda, yung lalakeng may isang salita at paninindigan. Yun lang din naman ang hinahanap ng kababaihan eh, yung consistent after manligaw ng mga lalake. May mga tao kasing after manligaw eh nawawala na yung sweetness niya dati nung nagpaparamdam palang siya, kaya minsan nanlalamig sa isat-isa. Kaya ayun, kapag nag break, minsan nawawala yung relasyon bilang kayo, bilang magkaibigan, hanggang dumating sa puntong strangers na lang kayo.. Dadating sa punto na parang wala na lang, daig pa ang taong nag ka amnesia. Bigla na lang mag kakalimutan.

Hirap umamin sa taong sobrang close mo na no?



Hirap umamin sa taong sobrang close mo na no? Tipong ayaw mo ng mawala yung mga pinagsamahan niyo. Tipong takot ka ng ma mis interpret yung gusto mong iparating sa kanya. Ang sarap kasi nung way paano ka maiinlove sa close friend mo eh. Alam mo yun? Yung hindi mo pinlano, Yun bang hindi mo siya nakita at sinabi sa sarili mong “Gusto kong ma inlove sa taong to.  Tipong nag iis-slow motion ang kapaligiran at onti onti mo itong nararamdaman, Sarap ng ganun eh. Legit eh. Kaso yun nga, kailangan mo ng matinding bwelo at lakas ng loob. Natatakot ka kasi na baka mawala yung closeness niyo eh. Baka tumabang yung matamis niyong pagsasama. Baka pati Hello na lang niya na nagpapasaya sayo eh mawala pa.
Kaya madalas, stayput ka na lang eh. Yun bang stayput na tanggap mo ang kahit anong mangyari. Yung stayput na takot kang malaman yung katotohanan. Kaya pinapatagal mo na lang at chinicherish yung mga araw na magkasama kayong hindi pa niya alam na gusto mo siya. Malay mo? Sa mga pinapakita at kinikilos mo. Makahalata siya diba? At tulungan ka niya para gumawa ka ng paraan para umamin ka sa kanya.
Saya pag ganun ang nangyari diba? Parang pam pelikula na papatok sa takilya :)

Sunday, February 3, 2013

paano kaya?



Paano ba sabihin yung nararamdaman na to.
Yung kapag sobrang selos na selos ka. Alam mo yung pakiramdam na parang may daga na umiikot at tumatakbo sa dibdib mo. Tapos nanghihina ka na ewan at kasama na rin ang pagtamlay ng buong katawan mo. Yung bumibilis ang tibok ng puso mo dahil sa takot na isang araw makuha siya ng taong gusto niya. Yung bilis ng tibok ng puso na hindi mo mapakalma dahil sobrang takot talaga ang nararamdaman mo. Yung hindi ka mapakali. Yung kapag nasa eskwelahan ka kapag naramdaman mo yung pakiramdam na yan eh gusto mo na lang agad umuwi dahil wala ng pumapasok sa isip mo dahil pakitid ng pakitid ang isip mo. Nagiging clingy ka pero pinipigilan mo tanungin yung mga bagay na yun dahil alam mong ikakagalit niya. Yung nawawalan ka ng gana sa lahat ng nakikita mo. Sa ginagawa mo, yung kahit gutom ka wala kang ganang kumain dahil sa puking inang selos na yan na hindi mo masabi dahil wala kang karapatan.

“May sasabihin ako sayo”


Nasindak ka na ba ng salitang yan? Ramdam mo biglang heart attack no? Bigla kang mangingilabot at sobrang kakabahan kapag nakita mo yang salitang yan sa text o sa chat o kaya naman maaring sa Personal o kaya sa Telepono. Pero ang dyahe ng pakiramdam kapag sa text tapos mahina ang signal tapos atat na atat kang malaman kung ano yun at the same time sobrang kinakabahan. Natatakot ka na sobrang napaparanoid dahil parang alam mong may mali o kaya naman eh nagdududa ka sa itatagal ng relasyon niyo.

Tipong kapag hindi pa siya nagrereply ang daming papasok sa isip mo. Malas mo pa kapag delay ang message niya sayo. Syempre napadali nga naman iwan ng isang tao eh. Pwede nilang sabihin na ayaw na nila sayo. Pwede rin namang sorpresa pala nila yun sayo. Sinong makakaalam? Wala. Kundi sila lang. Kaya nakakayamot kapag may mga ganyan. Madalas din kasi sa break up ang hantong kapag mag on kayo. Minsan naman may aaminin na sobra kang masasaktan.

Kanya kanyang kwento yan eh. Pakshet lang talaga yung pakiramdam na yan. Parang ilang taon kang naghihintay sa loob ng isang minuto. Tapos laking ginhawa mo lang kapag sinabi niya na “Mahal kita” o kaya naman malas mo naman kapag lalake ka. Ang sasabihin sayo ng babae eh “Buntis ako, hindi ikaw ang ama.” Shet na malagkit. Daig pa ang nabanlian ng mainit na kape sa Tarvax!! Buhay nga naman! Bakit pa kasi nabuo yang pangungusap na yan e no? Pwede namang mag straight to the point na lang. Bakit kailangan pang sabihin na may sasabihin siya sayo. Nakakapanghina kaya.

Mahirap ang silent war.


Kung may metro ang PRIDE. Baka lumagpas na ito. Kung baga sa cellphone yung signal lagpas na sa cellphone. Matindi ang pride. Napakamakapangyarihan. Marami ang hindi nag kakabati sa pride na yan. Syempre mataas nga eh. Hindi bat mahirap abutin ang mataas? Pero anu nga ba dapat ang gawin? Pag nag aaway kayo MAG SIGAWAN Kayo! Oo. Mag sigawan. Bakit? At least when there’s screaming and yelling you know what the other person is feeling. oha. Eninglish ko pa ha :) Sosyal. Di ko lang alam kung tama ung grammar. Sabi nga nang Barok english e . ” Dont english me. Im not graduation >:)” Haha. Ayun. Dapat hanggat maari eh kung feel mo ikaw mas matured eh ikaw na ang magparaya. Kasi pag pride ang pinairal ng mag partner o kung sino man tao. Hindi bat pag nag gegera ang dalawang tao eh pareho lang naman silang natatalo?

Best example eh Gera ng mga bansa.

Hindi bat bago nila makuha ang kinukuhang Freedom eh parehas sila nawalan ng tao? Namatayan. May mga taong nag buwis ng buhay para sa kanila. Para sa bansa.

Kung sa pag ibig naman. Pag nag umpisa ng gera yung isa. Syempre hindi naman papayag na gerahin ung pagkatao nung isa. Kaya ayan na. Manlalamig na si isa. Manunumbat na si isa.

Ewan ko kung tama ako sa lahat ng tao.

Ayos lang magkamali.

Ito eh base on experience lang naman :)

Salamat sa pagbasa.