Wednesday, May 23, 2012
Wala na bang makain ang mga babae ngayon kaya pati yung labi ng lalake eh dapat ng kagatin o halos kainin? Paano kapag nag dugo yung labi niyan? Paano kung magkaroon talaga ng singaw yan dahil sa kinagat ang labi ng hinayupak na yan? Grabe lang eh, sobrang gigil lang eh. Wala ng bukas teh? Wala ng bukas?!
Paano kung matanggal ang labi niyan edi forever ng hindi nakakain yan at papanget ang mukha niya dahil napigtal na yung labi nung lalake?! Bakit ganyan kayong mga babae! Sinasaktan niyo ang mga kalalakihan!
Kung nanunuod na lang sana sila ng pelikula at hindi nalang kinakagat kagat yung mga labi na yan. Nakakainggit talaga :(((
Bakit sa magka relasyon minsan hindi maiwasang mangamba?
Normal na mangamba sa relasyon kahit na sabihin nating andiyan ang “Tiwala”. Syempre, mahalaga siya sayo, maari nating sabihing pag mamay ari mo siya kasi pumasok kayo sa “relasyon” eh. So commitment ng dalawang tao yun na aalagaan niyo ang isat-isa at kung siya, eh siya lang dapat talaga.
Hindi natin maiiwasan mangamba lalo na kung dumadating sa puntong nag-aaway kayong dalawa. Mangangamba ka kung masaya pa ba siya sayo o may iba ng taong nagpapasaya sa kanya. Syempre, gusto mo isa ka rin sa mga dahilan bakit siya masaya. So yung mga taong nakakausap niya at nakakasalimuha eh kinikilala mo ng hindi niya nalalaman, ayaw mo kasi magtanong ka sa kanya dahil sa baka masamain niya ito, kaya gagawin mo ang best mo para maintindihan ang lahat ng nakikita mo.
Normal yan sa relayon, normal din mag tanong. Iba na yung aware yung partner mo na yung mata mo eh palaging nasa kanya. Para alam niyang lahat ng ginagawa niya eh dapat nilalagyan niya ng limitasyon. Kung paano siya makipag usap sa ibang tao na nakakaselos na sayo.
Automatic yun. Kapag pumasok ka sa relasyon. Masasaktan ka at hindi mo maiiwasang magduda, kahit nandiyan pa ang sinasabi mong tiwala.
trip ku lang
piece shit of art ku sa mga pinsan ku..hahaha! xempre sa kanila ku tinesting para kung mababoy eh walang magagawa!hahaha
Friday, May 18, 2012
wag na wag
Elementary ako. Umuwi ako isang araw na dumudugo ang ilong at maluha-luha. Napa-away kasi ako at masama ang loob ko kasi natalo ako sa suntukan. Ang sabi ng tatay ko:
"Ayus lang yan anak. Okay lang na matalo sa suntukan. Bukas makalawa makakalimutan na ng mga kaklase mo yan. Ang wag na wag mo lang gagawin sa eskwela, na sigurado akong pag-uusapan nila hanggang sa pagtanda nyo, ay ang matae sa salawal. Yun ang wag na wag mong gagawin kasi for life mo na tatak yun."
wattpad
WATTPAD -dito ako madalas tumambay. Magbasa at magbasa at higit sa lahat magbasa. kaso lang nakakasawa pala pare. Wala na kong makitang kwento na interesting. Ewan, choosy ata ako masyado.
Para kasing paulit-ulit lang yung mga plot, pare-parehas. Tapos yung mga character puro koreano..ewan talaga. Tapos ang hilig nila sa POV as in Point of View ba yun? Pero minsan hindi ko na magets kung kaninong point of view na ba yun. Di ko na malaman kung sino yung nagsasalita. Nakakalito pare eh. Nagaala-editor ata ako. Makapanlait ng kwento noh? haha! Akala mo naman ang galing ko.
Yun kasi yung mga kwentong hindi dumaan sa editor. Iba pa rin talaga pag libro.
Sunday, May 13, 2012
Hindi porket busted ang isang lalake eh kailangan niya ng tamang oras para maghanap ng bago.
Minsan sa buhay ng pag-ibig hindi maiiwasan ito. Isang pusong nagmamahal sa isang taong bato ang nararamdaman.
Ang madalas tanong ng mga taong ito ay.
Paano ako magsisimula ulit?
Sino ang susunod?
Kanino ulit ako magpaparamdam?
Masasaktan pa kaya ako kapag may nakita kong may iba na siya?
Kailangan ko bang kalimutan na talaga siya?
Magseselos ba ako kung may iba na siya?
May naiwan pa ba sakin?
Ano nalang sasabihin nang iba kapag naghanap/nakakita agad ako?
Dapat ko pa bang isipin ang nararamdaman niya?
May taong hihigit pa kaya sa kaya kong ibigay sa kanya?
Nasa akin na ang lahat nang gusto niya. Bakit ibang tao pa rin ang gusto niya?
Masakit sa parte ng lalake ito. Hindi dahil nasapawan ang kanyang kamachohan sa sarili. Kundi minsan na nga lang siya naging matapang para sabihin ang kanyang nararamdaman. Sasabihin pang nagmamadali ata siya. Kailan masasabi ng mga babaeng ito ang tamang oras at panahon? Hindi ba’t mas masaya kung paprangkahin kang diretsuhan. Imbis na sabihing
May mas better pa sakin.
Bakit ako? May iba pa naman.
Friendship lang kaya kong ibigay.
May mahal akong iba eh.
Hinihintay ko lang siya.
Sabi niya kasi sakin babalik siya.
Marami pang babae diyan <— THIS
Ano ba kasing nagustuhan mo sa akin?
Hindi tayo talo.
atbp.
Sayang. Napakasayang nang mga pusong napabayaan. Nabulag ng taong walang ibang alam kundi sila ay saktan. Bakit pipiliin ang taong laging nanakit sayo? Kung may tao namang handang rumespeto at mag alaga sayo.
salamat sa alala
isang araw, magigigsing akong wala nang nararamdaman. hindi na galit. hindi lungkot. hindi ang pakiramdam na pulang-pula ang paligid, kulay rosas ang langit, amoy tsokolate ang hangin. hindi na. kung maganda man yun para sa'yo o hindi, hindi ko alam. gaya ng madalas kong sabihin noon, tuwing tatanungin mo ako ng mga nauna sa 'yo. sasagot ako ng "ayokong pag-usapan" dahil wala na. wala nang dahilan para muling ungkatin pa ang sugat na matagal ko nang dinilaan mag-isa.
nasabi ko na lahat. nakain ko na ang isinuka ko. tinanggalan ko na ng yabang ang sarili ko. paulit-ulit. isang araw, magigising akong parang nagising sa matagal na pagkakalulong sa solvent.
pero sa ngayon, hayaan mong dumaan muna ako sa natural na proseso nang paglaki., pakikinig sa The Script, paggala, paggawa ng tula, pagharap sa iabt ibang klase ng tao.sobrang distracted, nakalimutan ko nang magsapatos.ang natural na proseso ng panunuod ng one more chance at pagpapatugtog ng the man who can't be moved. leche. hayaan mo ring mabawasan ang skills ko ng 10%. hanggang dun lang. sige, isama mo na ang maya't mayang pagkakatulala. "para kang zombie" sabi ng friend kong walang boobs.
hayaan mong lumipad ang isip ko.
sabi nga ng isang kaibigan "alam mo dapat kung kailan ka hihinto". putangina naman oh. hindi ko alam. alam mo namang magulo pa ako sa pubic hair. wala pang panahon. hindi pa ako nakaka-alis sa lugar na pinag-wanan mo. feel na feel ko paring sabihing "ako na lang, ako na lang ulit" shet na malagket.
at pag dumating ang panahon na yun, sasabihin ko sa sarili ko ang madalas kong sabihin sa mga kaibigan kong minsan ng nasawi, "bawi ka na lang sa susunod"
at itaga mo sa bato, babalik ako nang makisig na makisig.mas strong ng 100%. mainggit ka. hahaha.
----
walang halong ampalaya, salamat sa mga alaala
sa wagas na wagas mong pagtawa nang unang beses kong tinanong sayo kung may bedroom voice ba ako; pag sisimulan ko ang kwento ng "alam mo ba?" sasagot ka na parang bata "hindi pa po"; pag pinipilit mo kong patulugin kapag alas onse na- maaga pa ang pasok bukas. ngayon ko lang sasabihin to- alas nwebe ang natural na tulog ko. mas gusto ko lang talagang nagpupuyat kasama ka. sabi mo, "huwag mo kong sisishin kung zombie ka sa trabaho."
pag tinatawagan kita ng umaga at pupungas-pungas ka pa.alam ko pinipilit mo lang sumagot. salamat sa pagtityaga. sa pagsagot mo sa tawag ko 'pag lunch,lagi kitang pinapapagalitan. hindi ka na naman nagdala ng pagkain kila lola. at kapag alas singko na, alam mong nasa bahay na dapat ako- nag-alala ka nang maghapon akong hindi nagparamdam "tumutula po ako nun." kapag madalas kitang biruin na sagot mo ang macaroni salad pag natalo ka sa pustahan. alam na alam mo pag pagod ako, malungkot, masungit.pag kailangan ko ng spaghetti. "hindi ako sanay pag masungit ka", sinabi mo noon.
sa matataba mong pata, sa ngiti mong metallic na metallic, sa malaki mong ilong, sa nalalaglag mong dandruff. pati na rin sa hindi na natuloy na pagluluto natin ng ginisang sardinas. pag nakanguso ka. tuwing pinagyayabang mo kung gaano nakakasilaw ang kaputian mo. pag nilulukot mo ang muka mo. ang ngiti mo sa pagitan ng mga halik.
pag niyayakap mo ko nang sooobrang higpit. para tayong bata minsan.salamat sa pagkanta mo ng twinkle twinkle little star pag naglalambing akong kumanta ka.
patawad sa mga tanong mong hindi ko nabigyan ng malinaw na sagot. kung naramdaman mo mang tinutulak kita papalayo.
at kung binago man tayo ng mga nararamdaman natin, maging maluwag sanang tanggapin mo na hindi ako kailanman nagsisisi. hinayaan ko tong mangyari dahil gusto ko. mas marami tayong magagandang gunita kesa sa hindi. wag mong kakalimutan yun.
kung napagod ka na at sakaling mapagod na rin ako. hayaan na lang natin na maging bahagi ang mga ito ng ating pagkakatuto.
walang halong ampalaya. walang halong poot. walang bahid ng pag-asa.salamat sa mga alaala.
Monday, May 7, 2012
kizkeik part 2
"i admire, i get infatuated.. hahaha but i never had one, siguro if i've been with handsome before, i woould always seek for a great face.. hahaha i just search them to admire..hahahaha imagine db? gwapo? then ako? sa drawin lang ata nanyayari un,dar ^^ "
- shiella s. javier ( kizkeik )
CYNTH a.k.a. ADELE
never let me go
“Memories, even your most precious ones, fade surprisingly quickly. But I don’t go along with that. The memories I value most, I don’t ever see them fading.”
----
“I keep thinking about this river somewhere, with the water moving really fast. And these two people in the water, trying to hold onto each other, holding on as hard as they can, but in the end it's just too much. The current's too strong. They've got to let go, drift apart. That's how it is with us. It's a shame, Kath, because we've loved each other all our lives. But in the end, we can't stay together forever.”
― Kazuo Ishiguro, Never Let Me Go
tama na yan,inuman na!
Sigaw ng mga tomador at tomadores, mga taong lango sa serbesa at alak. Hard man o soft, soft eh?
E bakit nga ba gusto o ginagawang bisyo ng mga tao ang pag-inom ng alak? At ano yung mga nakakatawang ugali ng mga manginginom habang lumalatak ng alak.(whoa rhyme!)
"Nasaktan ako. Iniwan ako ng mahal ko kaya gusto kong maglasing para makalimot." Meron bang sangkap ang serbesa na makakalimutan mo na ang isang tao o pangyayari sa buhay mo? E kung minsan nga habang umiinom at naglalasing ay mas lalo mo pa naiisip yung mga bagay na gusto mo makalimutan. Gusto mong mag-reminisce habang umiinom ng Serbeza Negra.
"Boss yellow pa! Sir, hindi po yellow, eyes po eyes!" Bakit ba kelangan ng yelo kapag umiinom ng serbesa o alak? Nagpapakapagod ang ating mga magagaling na siyentipiko para itama yung lasa ng mga beer at alak tapos hahaluan mo lang ng yelo. E di nawala na yun sa tamang lasa. Tapos tatamaan ka pa? Mali!
"Tapos na akong tumagay, ikaw na kaya!" Bakit kadalasan e nagkakadayaan pa sa pagtagay? Minsan eto pa ang simula ng pagtatalo at pag-aaway kesyo dinadaya sila ng tagero. Mas marami yung tagay sa kanila kesa dun sa nagtatagay. Takot malasing? E kaya ka nga umiinom para maglasing tapos gusto mo pa walang dayaan kasi baka mauna kang lumagpak sa kalasingan at matuloy sa pagtawag ng uwak. Kapag susuka ka na, tatawagin mo yun U-WAAAA-KKK! eew! May sabit pang pulutan sa ilong.
"Penge pang pulutan!" Pampaalis daw ng lasa nung serbesa. Amp! Wag ka na lang uminom, kumain ka na lang. Minsan mas marami pa yung nakaing pulutan kesa sa nainom na beer o alak. Mapa-mani, cornbits, kropek, sisig, tokwa't baboy at iba pang pwedeng pulutang hindi nawawala sa hapag kapag may inuman.
"I did it my......weeee" Sikat na kanta ni Frank Sinatra, kadalasang maririnig sa mga beerhouses, KTV bars, at mga lugar na may videoke at alak. Eto rin ang kantang nakapagtala ng maraming casualties dahil sa marami ng noypi ang namatay dahil sa pagkanta nito sa mga lugar na maraming lasheeng, kapag nasa tono at magandang pakinggan ang pagkanta mo nito tiyak buhay ka at kapag minalas-malas ka naman at sobrang lasheeng ka na rin habang kinakanta mo to...tiyak, you're end is near and you will face the final curtain. Bang!
Kakatawa talaga yung mga gantong ugali natin kapag nagiinuman. Naalala ko yung isang beses na nag-inuman kami nung barkada ko. Pumunta kami sa isang lugar na medyo okay naman para maginom. Tahimik at marami ring lalaking nag-iinuman. Tapos narinig namin yung isang lalaki sa kabilang mesa na, "ang ga-gwapo nung nasa kabilang table" Punyemas! puro bakla pala ang nasa loob nung bar. Kaya dali-dali naming inubos yung mga inorder namin at umalis agad habang natatawa at natatakot. Tinawag naming Sodoma at Gomora yung lugar na yon.
E bakit nga ba gusto o ginagawang bisyo ng mga tao ang pag-inom ng alak? At ano yung mga nakakatawang ugali ng mga manginginom habang lumalatak ng alak.(whoa rhyme!)
"Nasaktan ako. Iniwan ako ng mahal ko kaya gusto kong maglasing para makalimot." Meron bang sangkap ang serbesa na makakalimutan mo na ang isang tao o pangyayari sa buhay mo? E kung minsan nga habang umiinom at naglalasing ay mas lalo mo pa naiisip yung mga bagay na gusto mo makalimutan. Gusto mong mag-reminisce habang umiinom ng Serbeza Negra.
"Boss yellow pa! Sir, hindi po yellow, eyes po eyes!" Bakit ba kelangan ng yelo kapag umiinom ng serbesa o alak? Nagpapakapagod ang ating mga magagaling na siyentipiko para itama yung lasa ng mga beer at alak tapos hahaluan mo lang ng yelo. E di nawala na yun sa tamang lasa. Tapos tatamaan ka pa? Mali!
"Tapos na akong tumagay, ikaw na kaya!" Bakit kadalasan e nagkakadayaan pa sa pagtagay? Minsan eto pa ang simula ng pagtatalo at pag-aaway kesyo dinadaya sila ng tagero. Mas marami yung tagay sa kanila kesa dun sa nagtatagay. Takot malasing? E kaya ka nga umiinom para maglasing tapos gusto mo pa walang dayaan kasi baka mauna kang lumagpak sa kalasingan at matuloy sa pagtawag ng uwak. Kapag susuka ka na, tatawagin mo yun U-WAAAA-KKK! eew! May sabit pang pulutan sa ilong.
"Penge pang pulutan!" Pampaalis daw ng lasa nung serbesa. Amp! Wag ka na lang uminom, kumain ka na lang. Minsan mas marami pa yung nakaing pulutan kesa sa nainom na beer o alak. Mapa-mani, cornbits, kropek, sisig, tokwa't baboy at iba pang pwedeng pulutang hindi nawawala sa hapag kapag may inuman.
"I did it my......weeee" Sikat na kanta ni Frank Sinatra, kadalasang maririnig sa mga beerhouses, KTV bars, at mga lugar na may videoke at alak. Eto rin ang kantang nakapagtala ng maraming casualties dahil sa marami ng noypi ang namatay dahil sa pagkanta nito sa mga lugar na maraming lasheeng, kapag nasa tono at magandang pakinggan ang pagkanta mo nito tiyak buhay ka at kapag minalas-malas ka naman at sobrang lasheeng ka na rin habang kinakanta mo to...tiyak, you're end is near and you will face the final curtain. Bang!
Kakatawa talaga yung mga gantong ugali natin kapag nagiinuman. Naalala ko yung isang beses na nag-inuman kami nung barkada ko. Pumunta kami sa isang lugar na medyo okay naman para maginom. Tahimik at marami ring lalaking nag-iinuman. Tapos narinig namin yung isang lalaki sa kabilang mesa na, "ang ga-gwapo nung nasa kabilang table" Punyemas! puro bakla pala ang nasa loob nung bar. Kaya dali-dali naming inubos yung mga inorder namin at umalis agad habang natatawa at natatakot. Tinawag naming Sodoma at Gomora yung lugar na yon.
inuman pics with my dabarkads^^ |
Sunday, May 6, 2012
kapit-kamay
Ang hinahanap lang rin naman ng isang tao eh yung taong hahawak sa kanya at ipagmamalaki siya sa harap ng maraming tao, yung hindi lang kamay mo ang hinahawakan niya kundi puso mo na rin. Sa oras kasi na hawak mo ang kamay ng taong mahal mo, ayaw mo na itong pakawalan. Gusto mo laging hawak mo lang ito, dahil sa oras na hawak mo ang kamay niya, parang hawak mo na rin ang buong mundong nagpapasaya sayo.
Iba ang nagagawa ng paghawak ng kamay ng isang tao, kahit na pasmado pa ang kamay mo, o kaya naman magaspang ito, hindi na ito papansinin ng taong importante sayo, ang mahalaga hawak niyo ang isat-isa at magmamahalan kayo ng walang humpay na ligaya.
Sarap ng ganung pakiramdam diba? Kaya patuloy tayong naghahanap ng taong hahawak sa kamay natin ng walang alinlangan.
bitter ka?
Seriously, hindi mo ikamamatay kung wala kang lovelife sa ngayon. Hindi requirement yan. Pero kung eiffel tower ang level ng landi mo, syotain mo na lahat ng kakilala mo. Idamay mo na pati kapitbahay mo. Gusto mo ng kalandian? Madaming pakalat-kalat na aso dyan.
Bitter. Mapait. Hindi kaaya-ayang lasa. Dati ang bitter para lang sa ampalaya. Yung iba nga dati hindi pa alam anong english ng mapait eh. Pero ngayon bitter, bitter, bitter. Bitter sila, bitter ako, bitter tayo.
Hindi ko alam kung saan nang galing ang tuluyang paggamit ng salitang bitter para iassociate ang nararamdaman ng tao sa salitang ito. Sabagay, kung may salitang sweet para sa mga malalambing, siguro dapat may bitter para sa may pait ang buhay.
Uso ngayon sa mga networking sites, sa mga barkadahan or kahit saan ang mga ganyang comment, “bittterrr?!” at kailangan, kapag sinabi mo yan eh sobrang pait ng bawat letra sa dila mo. Ulitin, “bitttterrrr?!?!”
Kelan nga ba nagiging bitter ang isang tao?.Bitter ka kapag nag eemote ka sa facebook status mo; mabuti sana kung “emo” lang ang itatawag sa iyo. Bitter ka kapag di ka maka move on sa past heartbreaks mo, at masama loob mo kasi nakamove on na ang ex mo. Bitter ka kapag kumokontra ka sa kaligayahan ng iba, kapag nagiinit ang ulo mo at todo comment ka ng mga negative thoughts sa mga happy posts ng friends mo sa facebook. Bitter ka kapag kahit ang sarili mong kaligayahan ay di mo mapagbigyan. Bitter ka. At hindi yan gusto ng mga kaibigan mong bitter din, pero di matanggap sa sarili nilang parehas kayo.
At ano naman ngayon ang drama ko, at sinasabi ko ito?
Masama ang loob ko at gusto kong maging bitter. Kanina lang sinabihan ako ng kaibigan ko na “galit ka sa mundo.” at sinabi pang “bitter” ako. Minsan aminado ako, nagiging bitter ako, pero para sabihing galit ako sa mundo, yun ata ang hindi ko matatanggap. At seryoso, nasaktan ako. Iniyakan ko ang simpleng sinabi na iyon, na nanggaling pa sa facebook.
Aminado akong emo ako, hari ako pagdating dyan. Pero bitter? Parang kailangan kong kontrahin yan. At kung lahat ng kaibigan ko magsasabi na bitter ako, puwes, siguro nabibilang ako sa bagong species ng mga bitter.
Siguro bitter ang tawag kapag handa mong tanggapin sa sarili mo na malungkot ka, at hindi ka takot na ipakita ang nararamdaman mo. Bitter ako kasi ipinapakita ko sa mga tao na malungkot ako at hindi ako nagpapanggap na masaya para ipakita sa iba na okay ako. Bitter nga siguro ako dahil handa kong hindi sumabay sa nakararami dahil alam ko kung ano ang gusto ko at handa akong ipaglaban ito, kahit kontrahin ko pa ang iba. Bitter ako kasi kaya kong makita kung ano ang realidad sa mga ilusyon lang, kaya kong ipaliwanag ang totoo kahit bulag ako sa mga pantasya ko. Bitter nga siguro ako kasi kaya kong isigaw sa lahat ang alam kong mali, kahit para sa lahat iyon ang tama. At syempre ako ang mali, kasi bitter ako.
Minsan ayos lang tawaging bitter, lalo na kung talagang bitter-bitteran mode ka, pero kung ang mga tumatawag eh mga kapwa mo din bitter at ipinapasa lang nila sa iyo ang pagkutya dahil hindi nila matanggap sa sarili nila na bitter din sila..aba, ibang usapan na yun.
minsan din akong nging bata
minsan pauwi dala slr ni insan ng madaanan ku tong mga batang to... |
Sa araw ng mga bata pa tayo, ang problema ay wala sa ating mga ulo. Dumating ang panahon na sadyang napapaisip ka talaga sa mga gawain niyo ng kabarkada mo. Ang mga away na ngayoy nagging corny na sa atin ngaun at ang mga nakakatawang eksina na ating iniiyakan kung minsan namn. Ang malakas na iyak at tawa, lalo na ang malakas na sigaw pag naipit ang kamay man o paa lagi itong nangyayari nong tayo ay bata pa. Nung ikaw ay bata pa ang isang piso ay malaking pera na at ngayon isang piso ay may comentong “ano pa ang mabibili ko ditto kendi?” sapagkat noong ika’y bata pa “yes may pambili na ako”.
Mga larong napag-aawayan, mga tuksohang iniiyakan at pagseselos ng walang malinaw na dahilan ay parating andyan, malaki man o maliit, mabait man o masungit, walang tayong pinagkakaiba kasi pareho tayong makukulit.
Habang naglalaro ka ang reklamo’y laging umaalingasa pag kalaban mo’y nandadaya, lalo na kung Patentero at Bartola na ang larong pinag-uusapan. Mahirap man tanggapin na tayo ay tumatanda at ang pagiging bata an gating mga simula,napapalingon ka parin kung gaano ka pa rin nila lalaitin. Noong Bata kapa lagi kang nasa tabi ng iyong Ina at Ama, walang mananakit kahit lamok man sa bangketa dahil sa mga proteksyon mong siga. Lagi ka nagsasabi na “Mama” hangang ika’y lumaki at nagkatrabaho na.
Sa mga larong “Balay-Balay”, “Dakpanay”, “Langit-Lupa”, at iba pa.. dyan ko nakita ang samahang walang katumbas at ang pagtutulongan ng isa’t-isa. Kung ang buhay mo’y urban man o rural basta may kaibigan kang mapaglaro ito’y iyong matitikman.
Saturday, May 5, 2012
mga uri ng kopyahan sa eskwelahan
Fast Break - nagsisihaba ang leeg ng mga katabi, maaring ikaw sa iyong katabi kapag hindi mo alam ang sagot. Hanggat kaya mong ihaba ang iyong leeg eh gagawin mo ito. Kulang nalang ikaw si lastikman para todo todong itutok mo na ang mukha mo sa papel ng katabi mo. Fast break! Mabilisan, paspasan, baka ipasa na ang papel. Wala ng tanong ng tanong. Basta kopya lang ng kopya.
Lay Up - ito naman ang iaabot sayo mismo ng katabi mo ang sagot, kumbaga ka vibes mo yung katabi mo, maaring tropa o kaibigan. Ito ang masarap na experience lalo na kapag hindi nakita ng teacher.
Rebound - ito yung sasalo ng mga sagot na nakuha mo sa kabila. Kunwari tatlo kayo sa upuan. Yung pinakamatalino yung nasa pinaka gilid, tapos ikaw yung nasa gitna. Tapos may isa pang nag aabang ng sagot sa dulo. Rebound niya ang Lay up ng katabi mo.
Alley Oop - kung katabi mo ang pinakamatalino sa loob ng klase, ikaw ang kokopya at isusulat mo ang mga sagot sa isang malinis na papel. Kapag wala ang teacher o kaya naman hindi nakita ito. Ibabato mo itong papel sa likod para sa mga kaibigan mong umaasa din sa sagot ng katabi mo. Kailangan malakas ang pakiramdam mo at tama ang bigat ng papel para diretso sa likuran ito. Kung hindi, baka hanginin ng electric fan at makita ng iyong guro. Patay kayo diyan.
Substitution - ito yung limitado lang yung alam nung taong nakaka alam, so maghahanap at bubulong ito sa taong nasa harapan niya kung may sagot na ba ito at kokopyahin na lang niya ito at i share niya rin ang iba niyang sagot para magkatulungan na talaga. Tapos ikaw naman ang rerebound ng sagot nung nasa kabila at i alley oop mo ulit ito sa likod.
Time Out - tamang nakikiramdam ang lahat sa guro na nasa harapan, akala mo may coach at may mga kanya kanyang plano. May isang kakausap na estudyante sa guro para mawala ang atensyon niya sa klase at mag uumpisa na magtanungan at magbatuhan ng sagot. Hindi ganun kadali ang kopyahan na ito.
Isolation Play - ito yung pa isa isa ka magtanong, lalo na kapag hindi mo naman ka close ang katabi mo. Tamang nakiki feeling close ka, kunwari may sagot ka sa number 8 at itatanong mo yung number 7. Pero ang totoo naman talaga eh wala ka pang sagot sa lahat. Masabing may sagot ka lang at may maitanong ka lang. At kapag ipinakita niya ang papel niya. Kakabisaduhin mo lahat ng posible mong makita. Sa mga ganitong pagkakataon halos tatlo lang ang maalala mo sa tinignan mo. Dahil hindi naman astig ang utak mo para makabisa lahat ng sagot sa papel ng katabi mo.
Ito ang maihahanay ko sa number 1 Spot ng Pinoy Streetfoods na hindi naman madumi, pero madumi. ANG GULO NO?
Kung pamilyar ka dito, ang tawag dito ay BOPIS. Sa halagang dos at tatlong piso makakatikim ka ng usok ng sasakyan, mantika na hindi mo alam kung ilan nang gamitan. Niluluto ito at binababad sa kumukulong mantika kasama ang stick, nakakaadik ang lasa nito, kaya kung handa ka sa mga medyo
HEPATITIS A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z
Eh ito ang masasabi kong masarap pero medyo delikado at hindi siguradong pagkain. Ito ang masasabi kong PAGKAIN NG TUNAY NA LALAKE. ROCK ON!
ikaw lang sapat na!
Mahilig ako sa quotes lalo na kapag tungkol sa love. Noong hindi pa ako nagkaka girlfriend ang naka save sa inbox ko ay puro quotes. Pero nung magka girlfriend na ako ang naging laman ng inbox ko ay puro text nya. Ganon pala yun, mahahalata mo kung single ang isang tao o taken na.hahaha.
At nung isang araw pinasahan ako ng quotes ng friend ko. Nagandahan ako sa quotes na yun. Heto yun....
" We don't need to explain how much we love a person. It depends on them how they appreciate the efforts that you did for them to be contented."
Napa agree talaga ako ng matindi.
Natanong nyo na ba minsan sa sarili nyo kung bakit hindi maging masaya sayo yung taong mahal mo. Ibinigay mo naman ang lahat pero wala pa rin e. Halos makalimutan mo na nga ang sarili mo para lang maibigay yung inaakala mong makakapagpasaya sa kanya. Imbes na ibigay mo ng ibigay ang lahat tanungin mo sya kung ano ang gusto nya. At tanungin mo rin sa sarili mo kung may kakayahan bang makuntento yung taong yun.
Dahil kung hindi talaga tanggap ng isang tao kung ano lang yung maibibigay mo hindi talaga sya magiging masaya sa binibigay mo. Kahit mag todo effort ka pero iba pala yung hinahanap nya balewala din.
Ang kasagutan lang sa pagiging masaya ang ang pagiging kuntento. Kung makukuntento tayo sa binibigay ng isang tao mararamdaman mo ang kaligayahan. Huwag ka maghangad ng sobrang taas dahil minsan dahil sa sobrang taas hindi mo makuha kaya hindi ka tuloy maging masaya.
Tanggapin natin kung ano lang yung kayang nyang ibigay lalo na kung binigay na nya ang best nya. Tulad ng palagi ko sinasabi hindi tayo perpekto at hindi lahat ng gusto natin ay nasa isang tao lang. Maaaring yung isang katangian ay nasa isa at yung isa naman ay nandun sa isa pang tao. Hindi mo yun mapagsasama sama. Kaya nga diba kapag nagmahal ka hindi mo kailangan mahalin yung gusto mo lang mahalin na katangian nya dahil buo syang tao kaya dapat mahalin mo kung ano ang kapurihan at kapintasan nya.
"Mas masaya kung pareho nyong mahal at tanggap ang naibibigay ng bawat isa."
Friday, May 4, 2012
Tips para makasama sa lakad ng barkada
* Maghugas ng pinggan.
* Ipasok ang tuyong sinampay.
* Mag Mop ng sahig.
* Pakainin ang aso
* Linisin ang kwarto.
* Maligo, magbihis at sabihing MA/PA alis muna ako sasama ako sa kaibigan ko manlilibre daw paalis na kasi ng ibang bansa kaya magpapadespedida.
* Siguraduhin bago sabihin ang nasa itaas na tips, meron kang pera. Dahil wala naman manlilibre sayo at nagpapaalam ka lang.
* At kapag hindi ka pa rin pinayagan pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa gawaing bahay.
* Sabihin mo sa kanila na
How I Handle Loneliness?
Naks! English yung title! Ako yung taong kapag nalungkot dahil may problema eh iniisip kong malalagpasan ko agad ito. Tipong yung kalungkutan eh iniisip kong pangsamantala, kaya yung kalungkutan na nararamdaman ko everytime na nalulungkot ako eh hindi ganung kabigat sa isip at damdamin ko.
Kumbaga, alam ko na gagawin ko sa tuwing nalulungkot ako, minsan iniidlip ko, pag gising ko wala na, iba na ulit mood ko. Minsan nanunuod ako ng pelikulang masasaya, iniiwasan ko yung mga bagay na pwedeng mag palungkot sakin. Mga love stories, lalo lang ako maiingit dun eh, tska yung mga istoryang may malulungkot na kwento ex. Cast Away, Hachiko, etc.
Iniiwasan ko din ang malulungkot na kanta, kapag kasi malungkot ang kanta eh nag titrigger lalo ito ng ka emohan sa buhay, lalo na yung mga Yiruma na yan? Hutaena, sobrang lakas makadala ng feelings niyan.
Kapag mag-isa sa bahay, madalas online lang. Makipag usap ka sa mga kaibigan mo, kausapin mo yung mga taong masasayahin, maki biro ka, maki trending at ilabas mo ang nararamdaman mo kung isa ka namang blogger. Malay mo may makarelate sayo, magkaroon ka pa ng bagong kaibigan.
Hindi naman tayo bibigyan ng problema na hindi natin kayang resolbahin eh. Lahat yan may solusyon. Kung may problema ka ngayon, isipin mo lang lagi yung mga bagay na ginagawa ko. Isipin mo na ” Ilang oras lang naman ako magiging malungkot eh, mamaya siguradong wala na ito”. Pwede mo naman kasing alagaan talaga ang sarili mo eh, inaasa kasi natin ito sa ibang tao kaya nasasabi natin na hindi natin kaya. Pero yun nga ang isang dahilan ng kalungkutan eh, naghahanap ka ng taong magmamahal sayo, dahil napapansin mo sa sarili mo na wala na nagbibigay sayo ng atensyon, walang taong handang magtanong sayo kung ano na ba ang nangyari sa maghapon mo.
Kaya yan, dapat maging masaya ka kung ano ang estado meron ka ngayon. Lahat naman ng tao naghihintay eh, yung mga taong meron ngayon? Naghintay din yun tulad mo. Intay lang, hinay hinay lang. Wag maging atat. Kumbaga mas magandang model ang mapupunta sayo kumbaga sa pagpili ng cellphone.
Ngiti ka lang kaibigan :)
Tapos kapag nag break, maalala niyo lang na nagkagatan kayo ng labing dalawa. Naku naku naku! Nakakainggit potek na yan!
Wednesday, May 2, 2012
Mga letrang pumuputol ng pag-uusap sa text/chat.
Haha/Hehe ( 4 na letra)- eto ang matindi, after mo magjoke o kaya magpatawa sa isang reply, kapag ang nireply lang sayo ng katext mo ay HAHA, punyeta, anung masarap i reply dun? Wala diba? Hindi mo na rin siya itetext, isang salita rin na mahirap replyan, mga panapos ng conversation yung mga ganito eh, kapag nakatanggap ka ng ganito, gantihan mo ng blank message. o kaya ng ..!.. message.
WEH ( 3 letra ) - Magtatanong kung anong nangyari sa araw mo, tapos kapag sinabi mo na pagod na pagod ka, rereplyan ka ng weh, punyemas ang sarap lang kotongan ng mga nagrereply sayo ng ganito, para bang simpleng pambabasag na pagdududahan ka pa kung barbero ka. Mabuti pang wag na lang ulit replyan.
GE (2 letra)- Paano mo rereplyan to? Diba kapag sinabi mong GE ang pahiwatig nito ay pagpapaalam. Diba ang badtrip kapag sinabi mong TEXT TAYO? Tapos ang reply sayo GE. Sa tingin mo ba gaganahan ka pang i text siya? Itulog mo na lang siguro?
K (Isang Letra)- sino pa ba ang hindi nakakatanggap ng letrang ito? Talaga nga naman napakalupit ng tadhana kapag nareplyan ka ng ganito, parang pinabuhat sayo ang langit at lupa, parang lahat na ng panlalait ginawa sayo. Yung napakarami mong sinabi, yung napakarami mong binaggit, tapos ang isasagot sayo K. Madalas mo matanggap to sa mga magulang mo, kapag nag paalam ka, o kaya may nakatampuhan na minamahal. Ang lupit, dati naman hindi uso to eh, ewan biglang naging isang letra nalang. Dati paartehan pa ng K. Minsan okay, okei, okei,khay, okh3i.
Kaya minsan masarap ka text ang mga jejemon, dahil ganado mag text, ang mga simpleng OPO eh nagiging Ofu3sZ. Ang mga simpleng Kamusta eh nagiging k@muZtaH?!
Wag basahin, nakakadiring wetpaks!
It’s already late in the evening once again. I couldn’t sleep. My tummy is aching; I have a headache, mixed physical emotions. May ganon bang term? Di ko rin alam, sinabi ko lang ano ang nararamdaman ko ngayon.
I don’t know what really bothers my tummy, napopoo ako na ewan. Urong sulong yong wetpaks ko, kumulo yong tyan ko, na-uutot ako na ewan ren. I tried going to the comfort room, pag-uupo ako ayon didiretso akong natatae pero hindi buo yong tae ko, hayup! Tubig na tubig lang yong lumalabas, natatakot na akong magpacheck up kasi baka kung ano na naman ‘to hindi ko na ata talaga kinakaya ang mga sinasabi ng doctor akala ng iba na madali lang pero pag kayo na ang kausapin ng doctor about sa nararamdaman mo, nakuh ewan ko nalang mas nakakatakot pang pakitaan ka pa ng mga results ng laboratory test mo. Hays nahimatay nako nyan minsan kaya ayoko na!
Hindi ren ako pwedeng uminom ng madaming tubig dahil ang ending edema. Putah, wala akong patutunguhan talaga. kakain ako ng banana abah titigas yong eta ko na naman. Ba yan! Naapektohan na ng climate change yong katawan ko lol!
P.S - hindi ko term ang wetpaks na yan, i just got it from khekz.
in love ka diba?
Ngayong bakasyon nag iisip tayo ng mapag kaka abalahan, pero minsan nakakalimutan natin yun kapag kausap natin yung taong gustong gusto natin. Para bang nag iislow motion dahil sa sobrang na appreciate mo yung bawat segundo na kausap mo siya, nakakatuwa dahil sa simpleng bagay tulad ng pagkausap sa taong mahal mo eh nabubuo na ang araw mo.
Kapag nagmamahal tayo lumiliit yung hilig natin, kasi siya na lang nagugustuhan natin, being a metaphor lover eh hindi naman masama. Sa inlove ka eh diba? Kung sa simpleng boses lang ng mahal mo eh masaya ka na.
I hate you when i am missing you
How I have missed you so much. I miss your smiles; I miss your love, care and comfort. It’s always been you whom I always want to be with. I know there are circumstances in our life now that we are still going through, i don’t know how long this will be again, how far it will go. I know there are times we both want to give up for each other sakes but who am I then when you will leave me, what I will be after?
I missed waking up each morning na handa na ang isusuot kong damit na hindi ko na kailangang mag-isip pa anong kulay ang gagamitin ko. I missed when you’re asking me ano ang kinain ko, pinaluto ko ba ang binigay mong recipe. I missed when you are busy searching for a recipe for me at para secured kang mabubusog ako. I missed when you will text me and you never failed to say I love you and I miss you dad. I simply miss you and miss us.
I hate when I am missing you so much because that’s where I know how much I love you. In 24 hours we will be as how we have been and what we were. I miss those smiles you have, those jokes and love you always show. And pinakamiss ko is waking up each morning knowing that you will always be there for me, ready to hug me, and kiss me. At ang pinaka at pinaka miss ko sa lahat is each morning as we open our eyes from sleep is pag sinabi mong “morning dad, I love you, sleep ulet tayo!” and I tell you the same thing.
I missed you.
Subscribe to:
Posts (Atom)