Friday, May 31, 2013
masyado kang mabait para masaktan
Ayan, dito mo naman makikita yung mga taong na friendzoned. Sa sobrang bait mo sa kanila, ayaw ka nila i take as risk para sa relasyon. Minsan kaya naman talaga nila makipag relasyon sayo eh. Kaso nga ayaw nila mawalan ng isang mabuting tao sa kanila if ever hindi naging maganda ang takbo ng relasyon. Minsan kasi akala natin kaya natin eh. Pero sa huli maglalabasan ang mga ugali na hindi naipakita dahil nga magkaibigan lang naman kayo. Napaka ironic na ganun minsan ang nangyayari no? Tipong all you want is the best for them still sa huli hindi mo nakukuha yung bagay na gusto mo if ever na ma fall ka dun sa tao na yun.
Minsan naiisip ko, kaya siguro madalas nasasaktan yung mga tao kasi patuloy silang nag tatake risk sa taong hindi naman ganung ka OK. Kasi dun sila nag sesettle sa taong hindi naman masama pero medyo bad boy. Yun bang mga taong worth the risk. Tipong mawala man, edi ok lang. Pero kung mapatino nila edi mas ok.
At yung mga mababait, ayun. Patuloy na nagbibigay lang ng payo. Patuloy na nasa likod lang at naka masid sa taong mahal niya at pinapangarap niya na nasasaktan lang kasama yung taong “Worth the risk”.
Dahil nga ba “We accept the love we think we deserve?” o gusto mo lang i explore ang iba’t-ibang tao kung ano mai ooffer nila sayo? Sino nga rin naman tayo para husgahan yung mga medyo bad boy diba? Basta ang alam natin masama sila kasi sinasaktan nila at hindi binibigyan ng importansya ang taong pinapahalagahan mo.
hays!
I hate the idea na kahit hindi na kayo eh parang may koneksyon pa rin kayo sa isa’t-isa kahit wala na kayo. Tipong hindi ka makapagsimula ng bago kasi inaalala mo pa rin ang mararamdaman niya. Alam mo yung mag aassume ka na kapag ba may bago na kong mahal eh masasaktan ko siya? Yung kapag nagmahal ba ko ng bagong tao eh maapektuhan siya?
Alam mo yun.. Yung wala ng label pero still na nag ke care ka sa taong yun? Tapos hindi mo magawang magmahal ng ibang tao kasi umaasa ka na
“Baka bumalik yung taong yun?”
“Paano kung mahal niya pa ko? “
“Paano kung hinihintay niya lang ako umaksyon?”
“Paano kung naghihintayan lang pala kaming dalawa?”
“Paano kung ilusyon ko lang pala ang lahat ng ito?”
Kaya ang daming naapektuhan at nalulungkot. Tatlo ang apektado eh. Ayun ang hirap kapag hindi ikaw ang first love ng tao. Napakaraming past. Tipong pati yung taong gusto mo eh nalilito kung ano ang gusto niya. Lalo na kapag sobrang mahal niya yung past niya at natutunan na lang tanggapin na wala na lang yung past niya. Pero paano kung sarili lang pala niya ang niloloko niya at akala niyang masaya na siya at tanggap na niya? Paano kung ikaw yung malas na taong napagbalingan niya ng atensyon? Paano kung bumalik yung nakaraan niya? Ano ang gagawin mo? Ang sakit diba?
Kaya ang hirap ng ganun eh. Yung kahit sobrang panahon na silang wala. Once na bumalik yung nakaraan eh napakalaki ng edge kahit na sinaktan siya nito ng maraming beses. Wala ka namang magagawa. Mahal mo siya. Mahal niya siya.
Tuesday, February 26, 2013
Handa ka bang mag take ng risk?
Ganito lagi ang katanungan ng isang lalake sa sarili niya kapag aamin siya sa isang babae. Kung handa niya bang isugal ang pagkakaibigan na meron sila ng taong mahal niya. Ganun kasi yun eh, talagang kailangan niyong isakripisyo ang pagkakaibigan niyong dalawa para pumasok sa isang relasyon.
Ganun yun eh, automatic yun. Kumbaga, kasunduan yun. Madalas kasi kapag nag-away or hindi kinaya yung pagsubok sa relasyon, ang isa ay sumusuko. Lalo na kung napilitan lang, o kaya naman eh natukso sa ibang tao. Masyado maraming kuro kuro ang iikot sa isip mo. Kung mahal ng lalake ng husto ang isang babae, hindi mag aatubiling sumagot ng “OO, KAYA KONG ISUGAL” kasi may tiwala siya sa sarili niyang makakaya niya at ipaglalaban niya ang nararamdaman niya.
Yun ang maganda, yung lalakeng may isang salita at paninindigan. Yun lang din naman ang hinahanap ng kababaihan eh, yung consistent after manligaw ng mga lalake. May mga tao kasing after manligaw eh nawawala na yung sweetness niya dati nung nagpaparamdam palang siya, kaya minsan nanlalamig sa isat-isa. Kaya ayun, kapag nag break, minsan nawawala yung relasyon bilang kayo, bilang magkaibigan, hanggang dumating sa puntong strangers na lang kayo.. Dadating sa punto na parang wala na lang, daig pa ang taong nag ka amnesia. Bigla na lang mag kakalimutan.
Hirap umamin sa taong sobrang close mo na no?
Hirap umamin sa taong sobrang close mo na no? Tipong ayaw mo ng mawala yung mga pinagsamahan niyo. Tipong takot ka ng ma mis interpret yung gusto mong iparating sa kanya. Ang sarap kasi nung way paano ka maiinlove sa close friend mo eh. Alam mo yun? Yung hindi mo pinlano, Yun bang hindi mo siya nakita at sinabi sa sarili mong “Gusto kong ma inlove sa taong to. Tipong nag iis-slow motion ang kapaligiran at onti onti mo itong nararamdaman, Sarap ng ganun eh. Legit eh. Kaso yun nga, kailangan mo ng matinding bwelo at lakas ng loob. Natatakot ka kasi na baka mawala yung closeness niyo eh. Baka tumabang yung matamis niyong pagsasama. Baka pati Hello na lang niya na nagpapasaya sayo eh mawala pa.
Kaya madalas, stayput ka na lang eh. Yun bang stayput na tanggap mo ang kahit anong mangyari. Yung stayput na takot kang malaman yung katotohanan. Kaya pinapatagal mo na lang at chinicherish yung mga araw na magkasama kayong hindi pa niya alam na gusto mo siya. Malay mo? Sa mga pinapakita at kinikilos mo. Makahalata siya diba? At tulungan ka niya para gumawa ka ng paraan para umamin ka sa kanya.
Saya pag ganun ang nangyari diba? Parang pam pelikula na papatok sa takilya :)
Sunday, February 3, 2013
paano kaya?
Paano ba sabihin yung nararamdaman na to.
Yung kapag sobrang selos na selos ka. Alam mo yung pakiramdam na parang may daga na umiikot at tumatakbo sa dibdib mo. Tapos nanghihina ka na ewan at kasama na rin ang pagtamlay ng buong katawan mo. Yung bumibilis ang tibok ng puso mo dahil sa takot na isang araw makuha siya ng taong gusto niya. Yung bilis ng tibok ng puso na hindi mo mapakalma dahil sobrang takot talaga ang nararamdaman mo. Yung hindi ka mapakali. Yung kapag nasa eskwelahan ka kapag naramdaman mo yung pakiramdam na yan eh gusto mo na lang agad umuwi dahil wala ng pumapasok sa isip mo dahil pakitid ng pakitid ang isip mo. Nagiging clingy ka pero pinipigilan mo tanungin yung mga bagay na yun dahil alam mong ikakagalit niya. Yung nawawalan ka ng gana sa lahat ng nakikita mo. Sa ginagawa mo, yung kahit gutom ka wala kang ganang kumain dahil sa puking inang selos na yan na hindi mo masabi dahil wala kang karapatan.
“May sasabihin ako sayo”
Nasindak ka na ba ng salitang yan? Ramdam mo biglang heart attack no? Bigla kang mangingilabot at sobrang kakabahan kapag nakita mo yang salitang yan sa text o sa chat o kaya naman maaring sa Personal o kaya sa Telepono. Pero ang dyahe ng pakiramdam kapag sa text tapos mahina ang signal tapos atat na atat kang malaman kung ano yun at the same time sobrang kinakabahan. Natatakot ka na sobrang napaparanoid dahil parang alam mong may mali o kaya naman eh nagdududa ka sa itatagal ng relasyon niyo.
Tipong kapag hindi pa siya nagrereply ang daming papasok sa isip mo. Malas mo pa kapag delay ang message niya sayo. Syempre napadali nga naman iwan ng isang tao eh. Pwede nilang sabihin na ayaw na nila sayo. Pwede rin namang sorpresa pala nila yun sayo. Sinong makakaalam? Wala. Kundi sila lang. Kaya nakakayamot kapag may mga ganyan. Madalas din kasi sa break up ang hantong kapag mag on kayo. Minsan naman may aaminin na sobra kang masasaktan.
Kanya kanyang kwento yan eh. Pakshet lang talaga yung pakiramdam na yan. Parang ilang taon kang naghihintay sa loob ng isang minuto. Tapos laking ginhawa mo lang kapag sinabi niya na “Mahal kita” o kaya naman malas mo naman kapag lalake ka. Ang sasabihin sayo ng babae eh “Buntis ako, hindi ikaw ang ama.” Shet na malagkit. Daig pa ang nabanlian ng mainit na kape sa Tarvax!! Buhay nga naman! Bakit pa kasi nabuo yang pangungusap na yan e no? Pwede namang mag straight to the point na lang. Bakit kailangan pang sabihin na may sasabihin siya sayo. Nakakapanghina kaya.
Mahirap ang silent war.
Kung may metro ang PRIDE. Baka lumagpas na ito. Kung baga sa cellphone yung signal lagpas na sa cellphone. Matindi ang pride. Napakamakapangyarihan. Marami ang hindi nag kakabati sa pride na yan. Syempre mataas nga eh. Hindi bat mahirap abutin ang mataas? Pero anu nga ba dapat ang gawin? Pag nag aaway kayo MAG SIGAWAN Kayo! Oo. Mag sigawan. Bakit? At least when there’s screaming and yelling you know what the other person is feeling. oha. Eninglish ko pa ha :) Sosyal. Di ko lang alam kung tama ung grammar. Sabi nga nang Barok english e . ” Dont english me. Im not graduation >:)” Haha. Ayun. Dapat hanggat maari eh kung feel mo ikaw mas matured eh ikaw na ang magparaya. Kasi pag pride ang pinairal ng mag partner o kung sino man tao. Hindi bat pag nag gegera ang dalawang tao eh pareho lang naman silang natatalo?
Best example eh Gera ng mga bansa.
Hindi bat bago nila makuha ang kinukuhang Freedom eh parehas sila nawalan ng tao? Namatayan. May mga taong nag buwis ng buhay para sa kanila. Para sa bansa.
Kung sa pag ibig naman. Pag nag umpisa ng gera yung isa. Syempre hindi naman papayag na gerahin ung pagkatao nung isa. Kaya ayan na. Manlalamig na si isa. Manunumbat na si isa.
Ewan ko kung tama ako sa lahat ng tao.
Ayos lang magkamali.
Ito eh base on experience lang naman :)
Salamat sa pagbasa.
Thursday, December 27, 2012
Bakit nahuhulog tayo sa mga tao na nakilala lang natin sa social networking sites?
Dito kasi lagi tayo nakatutok, dito na umiikot ang mundo natin. Kumbaga dito ka nakafocus eh, so hindi malabong dito mo rin mahanap yung taong mamahalin mo. Araw-araw ka ba naman naka online at araw-araw mong kausap yung mga tao dito dahil tulad mo, ito rin ang hilig nila. Kumbaga nasa iisang mundo kayong ginagalawan.
Syempre, parang kasama mo na rin palagi sa buhay yan eh, nakikita mo litrato niya, siya lagi yung may oras sayong kausapin ka sa oras na tahimik ang buhay mo hindi ba? Kaya sobrang hindi labong mangyari yun. Pero yun nga, mahirap ang internet relationship. Maari kasing bigla na lang itong mawala, kasi minsan hindi mo alam masaya ka lang sa atensyon na binibigay niya. Pero sa huli baka magkasawaan rin kayo lalo na kung malayo kayo sa isat-isa.
Kaya iba pa rin yung power ng nakilala mo siya sa internet pero nagkikita kayo physically. Mahirap pumasok sa Long Distance Relationship na hindi pa kayo nagkikita, kahit sabihin mong LDR ka ngayon at hindi pa kayo nagkikita eh sasabihin mo sakin na kaya mo dahil tiwala lang ang kailangan at komunikasyon. Nagkakamali ka.. Alam mo yung pakiramdam na gusto mo rin siyang protektahan kapag aalis siya, gusto mo siyang samahan pero wala kang magawa, lalo na sa parte ng lalake. Kapag binabastos na yung babae wala kang magawa kundi mag text lang. Ito naranasan ko sa past relationship kong Long Distance Relationship din.
I feel so helpless, kapag binabastos siya ng mga kalalakihan kahit wala naman siyang ginagawang masama, ako tong parang tanga na nagagalit na lang at walang magawa. Alam mo yun? Yung gusto mong magkaroon ng security yung taong mahal mo pero hindi mo magawa kasi nga ” Malayo nga kayo” at “Never pa kayo nagkita” kasi malayo kayong dalawa sa isat-isa.
So ayun, meet before you commit talaga ang masasabi ko sa mga taong susugal sa relasyon na inilakad ng Internet.
Ang hirap kapag nasanay na maging Single yung isang taong papasok sa relasyon.
Alam mo yung pakiramdam na dati sobrang hawak mo ang oras mo, yung pakiramdam na baka manibago ka kasi may tao ng maghahanap or magdedeman ng oras sayo. Ito ang ayaw maramdaman ng mga taong single eh, yung na enjoy nila ng husto yung single life nila kaya yung pumasok na sila sa relasyon eh ramdam nila nasasakal sila kahit hindi naman.
Eh masisisi mo ba yung mga single? eh syempre gagawa at gagawa ng paraan yan para sumaya, tipong stay put lang sila sa buhay habang nag-aabang ng taong magmamahal sa kanila.
Dati nakakapagpuyat ka, ngayong papasok ka sa relasyon asahan mong may susuyuin ka na kapag nagpuyat ka pa. Kasi magagalit yan at mahuhuli na hindi ka pa pala natutulog. Mapwepwersa kang sumunod dahil takot kang mawala siya sayo.
Basta, sobrang life changing ang magkaroon ng relasyon, lalo na kung sa sarili mo eh gusto mo na talagang i commit na “siya na talaga”. So magpapakaloyal ka, maraming mababago sa daily routines mo. Hahawakan mo na ulit cellphone mo, magpapaload ka na ulet, may kausap ka na lagi sa telepono. Hindi na uubra yung aalis ka na hindi magpapaalam. Kailangan muna lagi sasabihin mo sa karelasyon mo mga lakad mo.
Basta, kaya dapat nag-iisip isip ka. Once na pumasok ka sa relasyon, ilan yan sa mga dapat tatandaan mo.
Pag hindi pa kayo, hindi pa kayo!
Tandaan mo na pwede kang magselos, kahit na wala kang karapatan basta may nararamdaman right? Pero hindi mo siya pwedeng kontrolin sa mga taong kinakausap niya, kasi unang una yun ang hindi mo karapatan; ang kontrolin yung mga taong kinakausap niya, normal na may kaibigan yan. Wala ka pa, andyan na mga kaibigan nyan.
Huwag mo siyang bigyan ng idea gaano mo siya sasakalin kapag naging kayo na, pero sure nga bang magiging kayo? Bago mo siya bigyan ng oras eh bigyan mo muna ng oras sa sarili mo. Kasi nga if ever “magiging kayo” kakainin ng relasyon niyo kahit papano yung oras niyo. Hindi na uubra yung pa petiks petiks na ginagawa mo kasi wala ka pang commitment. So kapag meron ka na, umpisa na yan ng araw na may mag dedemand ng oras mo, may magagalit na kapag hindi ka nagtext at kung ano pa mang lack of communication magkakaroon kayong dalawa. So stayput lang, pag hindi pa kayo. Patunayan mo na andyan ka lang palagi kapag kailangan niya ng kausap.
Kaya ayun, easy lang muna sa buhay. Enjoyin mo ang buhay mag-isa habang wala pa. Malay mo, magsisi ka sa huli. Sa padalos dalos mong ginawa eh maisip mo sa sarili mong mas masaya pa pala maging single kesa ngayon na nasa relasyon ka nga malungkot ka naman.
Saturday, December 8, 2012
salamat sa'yo!
Salamat sa iyo. Salamat dahil napakarami kong natutunan at narealize ng dahil sa iyo. Nasaktan ako pero dahil sa sakit na ito kaya ko ginustong maging higit sa kung ano ako dati. Nahirapan man ako noong nawala ka pero eto naman ang nagturo sakin ng mahahalagang bagay sa buhay.
Salamat dahil natutunan kong mabuhay nang parang walang bukas. Kung may gusto akong gawin, gagawin ko na. Kung may gusto akong sabihin, sasabihin ko na. Kasi kung hindi, e kelan pa?
Baka maging huli na ang lahat. Walang kasiguraduhan ang buhay. Kung anung meron ngayon, pedeng iba na bukas. Kaya natuto akong wag magtiwala sa bukas. Kung pwedeng ngayon, ngayon na, wag ng patagalin pa.
Salamat din dahil natutunan ko na minsan pala , dahil sa sobrang kumportable o sanay tayo sa isang bagay o tao e nakakalimutan na natin sila na bigyan ng halaga.
Natutunan kong maging mapag pasalamat sa anumang meron ako at sinisigurado kong na aalagaan at napapakita ko na mahalaga sila sa akin. Dahil kung mahal talaga natin ang isang tao, dapat iparamdam natin ito. Mayroon kasing mga pagkakataong porket alam nating mahal nila tayo e akala natin, hindi na iyon magbabago. Akala natin e patuloy nila tayong mamahalin kahit madami tayong pagkukulang . Pagkukulang dahil masyado na tayong palagay na andiyan lang sila palagi para sa atin. Nakakalimutan nating ibalik yung pagmamahal na ibinibigay nila.
Salamat dahil mula ngayon hindi ko na uulitin ang pagkakamaling ito. Ayoko na kasing maramdaman ulit ung kahit gusto mong bumawi sa lahat ng pagkukulang mo, e wala ng pagkakataon. Wala ng magawa ung pagmamahal mo,kahit ano pang gawin mo hindi na maibalik ung pagmamahal niya.
Maraming bagay akong gustong baguhin sa nakaraan ko, pero wala naman na akong magagawa dito. Sa dami ng pagkakamali ko, wala na akong magagawa kundi matuto at magbago.
Salamat sa iyo. Alam kong hindi mo alam na ganito katindi ung nagawa mo sa buhay ko. Salamat. Salamat.
tanggapin mo,sana!
Ang bawat tao ay may kanya kanyang katangian,ugali at paniniwala sa buhay. Maraming bagay ang nakaka apekto sa ugali ng isang tao. Maaaring kinalakihan na niya, nakita sa bahay o sa paligid niya o di kaya naman ay dahil sa mga sakit na pinag daanan niya sa buhay.
Bata palang ako,natuto nakong hindi umasa sa iba. Ayaw ko ng pinag sasabihan o kaya ay pina ngungunahan. Pakiramdam ko kasi alam ko naman at kaya kong gawin yun mag-isa kaya hindi ako nanghihingi ng tulong. Kaya kong dumiskarte at gawin ang mga bagay bagay sa sarili kong paraan. Malaki tiwala ko sa sarili ko. Naniniwala kasi akong walang imposible pag ginusto pero hindi ibig sabihin ay madali ko lang yun magagawa, syempre mahirap pero kakayanin ko kasi may tiwala ako sa sarili ko.
Hindi ako nagpapanggap na maging iba para magustuhan ng ibang tao. Pinapakita ko kung ano ako. Pinapakita ko kung paano ako magisip. Maraming hindi nakakaintindi , pero marami ding humahanga sa katangian kong eto.
Hindi ko tinatago ang mga di magagandang bagay sa akin kasi kung kilala mo ako,,maiintindihan mo.
Malalaman mo ang mga dahilan sa bawat kilos at salita na binibitiwan ko.
MAYABANG – Sabi , mayabang daw ako pero mas gusto ko itong tawaging CONFIDENCE. Sigurado kasi ako sa sarili ko, sa mga sinasabi ,ginagawa, paniniwala at mga opinyon. Malakas ang loob. Karaniwan kasi mahilig akong mag bigay ng opinyon sa lahat ng bagay. May mga sinasabi ako na alam ko namang maaaring maging mali para sa iba pero opinyon ko iyon, hindi ko naman ipinipilit yun, dahil lahat naman tayo may kanya kanyang paniniwala. Sinusubukan ko lang ibahagi ung iniisip ko. Hindi ako palaging tama dahil marami akong bagay na hindi alam. Hindi ako nagmamarunong. Pag hindi ko alam, sinasabi ko na hindi ko alam. Nagkakamali ako at tinatanggap ko ang mga pag kakamali ko. Marunong akong makinig basta sabihin lang ng maayos at deretso sakin. Hindi kasi ako manghuhula at hindi rin naman ako magagalit kung itatama ang mga pagkakamali ko dahil para sakin rin naman un. Handa akong matuto pag nagkamali, para hindi na ito maulit. Minsan kasi may mga bagay tayo na nagagawa ng hindi na natin namamalayan kasi natural na ito sa atin pero may mga taong hindi maiintindihan un o kaya iba ang magiging dating sa kanila depende sa pagkatao nila.
Sabi nga, pag ang isang tao na mababa ang tingin sa sarili ay nakakita o nakasalamuha ng taong malaki ang tiwala sa sarili, mayabang at arogante ang tingin nila dito kasi hindi nila naiintindihan kung paano mag-isip ang mga taong may kumpiyansa sa sarili. Lumiliit lalo ang tingin nila sa sarili nila dahil mas nararamdaman nila ung pagiging dominante ng mga taong sigurado sa sarili.
Kaya pag may nagsasabing mayabang ako, masakit sakin un, dahil alam ko na hinuhusgahan na nila ako ng hindi naman nila alam ang dahilan kung bakit ako ganun. Maangas ako magsalita, parang laging tama pero hindi. Nasa ibang tao na talaga kung paano nila ako titignan,nasa personal na opinyon na nila kung… ako nga ba ay may kumpyansa lang o arogante talaga.
DOMINANTE – Hindi ko alam kung nakaka apekto dito ung pagiging mabilis tumaas ng boses ko. Pero ganun kasi ako lumaki. Ung mga taong nakapaligid sakin palaging nag sisigawan. Dun ko ata nakuha ung ugali ko na mabilis mairita. Pero mabilis lang din naman mawala ung inis dahil hindi naman talaga ako inis nun e, un lang talaga ung unang reaksyon ko pag hindi na kumportable ang nararamdaman ko.
Kapag may ginagawa ako tapos biglang may magtatanong.. karaniwan unang reaksyon ko,, “ANO!?!?!” , “TEKA LANG NAMAN!!!” at “ANO BA YON?!?!?!” Hindi ko sadyang tumaas ang boses ko, natural na itong lumalabas. Pero sinusubukan ko talagang baguhin kasi hindi maganda at hindi lahat ng tao maiintindihan ito. Lalo na kapag ung kausap mo ay hindi sanay na pinag tataasan ng boses. Minsan naman, pag nagsalita ako, may tono na parang nag uutos, maraming nag aakala na inuutusan ko sila, pero pag sinabi na nila na, bakit ko sila inuutusan, nagugulat ako kasi hindi naman at nagsosorry na din dahil kasalanan ko yun.
Sa ngayon, sinusubukan ko talagang baguhin ito. Mas napapansin ko na din pag napapataas na agad boses ko tapos mag sosorry ako dun sa kausap ko baka kasi sumama loob nila ng hindi ko alam e.
DIRETSO MAGSALITA – Alam kong diretso ako magsalita. Hindi ko alam kung saan ko ba natutunan yun. Prangka ako. Sinasabi ko ang nararamdaman ko pag naiinis ako. Hindi ko plina plastic ung tao. Kung ano talaga ung nakikita ko,sinasabi ko. Masakit na kung masakit. E masakit naman talaga ang katotohanan. Kung ikukumpara ako sa iba, mabait pa nga ako, hindi sobrang brutal ung mga salita na ginagamit ko. Marami lang talagang tao na pag sinabi mo sa kanila ung totoo, nasasaktan sila. Hindi nila matanggap ung katotohanan at palalabasin nilang ako ung mali dahil parang nakaramdam sila ng pagkapahiya sa sinabi ko.
PALABAN – Hindi ako nag papaapi. Hindi sa walang respeto pero hindi ako papalamang. Lalo na pag alam kong tama ako at tama ung sinasabi ko. Minsan nga pati jeepney driver na mali mag sukli pinapatulan ko kasi gusto ko lang maging patas. Nagbabayad ako ng tama kaya maningil siya ng tama. Hindi din dahil mas matanda sakin ay dapat ng galangin at palagi na silang tama. Pinipili ko ang mga dapat respetuhin sa hindi. Hindi ko din basta basta binibigay ang respeto. Tinitignan ko muna at pinakikisamahan bago nila makuha ung respeto na para sa kanila. Para sa akin, pag katapos ng tiwala, respeto ang sunod na mahirap ibigay sa tao. Kaya madalas, matapang ako sa harap ng ibang tao,laging palaban at mataas ang depensa, lalo na pag hindi ko pa kilala. Susubukan kong kontrahin sila at titignan ko kung paano sila mag rereact, pag nakita kong maganda talaga ang pagkatao nila, dun ko sila rerespetuhin. Dun ko na sila pakikisamahan ng maganda. Palaban ako sa mga taong hindi ko gusto o kaya hindi maganda ung ginawa/ginagawa sa akin.
MAARTE – Marami akong ayaw. Ayoko ng mga taong palagi na lang late. Pag sinabing 8am ang oras na magkikita kita, dapat 8am andun na, hindi 8am e nasa byahe pa o kaya paalis palang. Wala kasing pagpapahalaga ang mga taong late sa oras ng ibang tao. Bawat oras mahalaga, hindi dapat sinasayang sa paghihintay lang sa mga taong paimportante.
Ayoko din sa mga tao na ang daming reklamo sa buhay nila. Lahat na lang may sinasabing hindi maganda. Inuubos nila ung lakas nila sa pag rereklamo. Maingay sila sa pandinig ko.
Ayoko din sa mga taong nanlalamang. Ung mga taong nang gagamit ng kahinaan ng ibang tao para sa sarili nila. Madaling mag manipula ng tao pero dapat gamitin sa tama.
Ayoko din sa mga nagmamarunong. Pag hindi ko tinatanong ang opinyon o kaya hindi ako nang hihingi ng tulong, ibig sabihin nun hindi ko kailangan. Lalapit naman ako at magtatanong pag hindi ko alam. WAG na WAG mo lang akong pangungunahan at itatrato mo ako na parang walang alam.
DEMANDING – Hindi kasi ako ung klase ng tao na OO lang ng OO sa lahat. Kinukuha ko ang para sa akin. Gusto kong binibigyan ako ng atensyon na sa tingin kong dapat meron ako. Gusto ko kasi ng buong atensyon ng mga taong mahalaga sakin kaya nag papapansin ako. Ayoko ng hindi ako pinapansin lalo na ng taong mahal ko. Ok lang kung may ginagawa basta sabihin lang. Pero pag hindi nag paalam , naku tiyak mangungulit nako niyan. Hahanapin ko na yan. Magpapalambing tapos pag hindi nilambing magagalit kasi parang wala naman siyang pakialam sakin. Tamang usap lang naman ang kailangan ko. Sabihin mo sakin ng diretso para maintindihan ko.
Bakit ko ginawa itong post na ito? Simple lang, para mas makita ng iba kung paano ako magisip at kung anu ang mga dahilan ko.
Marami pang bagay tungkol sakin ang hindi nakikita ng iba. Kailangan ng maraming buwan o taon para makilala ako ng lubusan. Marami akong magagandang katangian pero meron ding hindi maganda. May ilan dun ,hindi ko kayang baguhin kasi ako na yun eh. Kailangang maintindihan at matanggap ng ibang tao yun kung gusto nila akong makasama. Kasabay nun ung pag intindi ko din sa mga di magandang ugali din nila. Wala naman kasing perpekto. Nasa pagtanggap yan at pag intindi. Kaya mahalagang pinag uusapan ang pag kakaiba para hindi pinag sisimulan ng hindi pagkakaintindihan. Maswerte ako kasi merong mga tao na nagsasabi ng mali ko. Natutulungan nila akong maging mas mabuting tao. Hindi ko kasi kailangan ng taong ayaw akong saktan kaya sasabihin nalang niya ung gusto kong marinig. Kailangan ko ung magsasabi ng totoo na kahit masaktan ako e sasabihin pa rin niya dahil ang totoong tao na nag nag bibigay halaga sakin ay ung taong hindi ako kukunsintihin sa mga ginagawa kong mali. Ung kahit masaktan ako e alam ko naman na ang intesyon nila ay para mapabuti ako at maitama ang mga mali.
Kagabi, nakipag one on one ako sa mom ng friend ko. Marami akong natutunan. Marami akong naisip at napag tanto na pagkukulang ko. Mga ugali ko na dapat kontrolin at bawasan dahil hindi maganda ang nagiging resulta nito. Mayroon siyang sinabi sakin na hindi ko malilimutan, sabi nya,
“nak,hindi mo mababago kung sino ka, makakapag adjust ka pero hindi sa lahat. At wag kang mag alala, dahil may taong kayang intindihin ang mga bagay na hindi maganda sayo pareho ng pagintindi mo naman sa kanya.At wag mong kakalimutang ipaliwanag ng maayos kung sino ka, para matanggap ka din niya ng maayos. Mag usap kayo. Mahalaga ang paguusap pero siguraduhin mong mahinahon kayo pareho at hindi nag aaway habang nag uusap.”
Marami tayong mga nagagawa na hindi tayo aware. Nakakasakit na pala tayo samantalang para satin normal lang yun. Maging mas sensitive tayo. Alamin natin ang mga dapat nating baguhin sa sarili natin.
Kayo ba, naisip nyo nabang alamin kung anu ang tingin sa inyo ng ibang tao ? Anu nga kaya???
Wednesday, October 31, 2012
people are lot like pokemons
There’s a lot of different types out there
Some are easy to catch, but you’ll end up regretting it.
Some are hard to catch, but worth it.
Some look good, but are worthless.
Some may not seem right from the start, but if you love them, they will eventually turn into something beautiful.
And it may take some time, but when you find the right one for you, it’s the most amazing thing in the world.
Wednesday, October 17, 2012
Tuesday, October 16, 2012
bakit may mga taong nang-iiwan?
Hindi naman lahat ng taong nang-iiwan ay manloloko, may ilan pa din namang totoo kapag nagmahal. Lalo na yung mga tinamaan talaga ni kupido, walang dudang inlove na inlove talaga. Minsan swertihan lang talaga siguro na makatagpo ka nung taong maiinlove talaga sayo ng sobra-sobra. Yun bang hindi ka mangangamba na maghanap siya ng iba kasi sa mga mata niya ikaw lang yung tanging nakikita niya at alam mo ding ikaw lang yung laman ng puso niya. Eto din yung dahilan na nagiging kampante tayo masyado sa mga taong akala natin forever na tayong mamahalin. Pero tulad nga ng lahat ng bagay, may expiration din. Masasabi mo lang naman na niloko ka ng isang tao kung ipinagpalit ka niya sa iba o di kaya'y pinaniwala ka sa mga kasinungalingan. Ayun niloko ka lang talaga.
Pero bakit nga ba may mga taong nang-iiwan? Eto yung mga naiisip kong dahilan:
May 3RD PARTY - eto yung pinakauso sa lahat ng break-ups. May mahal na siyang iba.
Biglang naturn-off sa partner - eto yung sa una bait-baitan effect pero nung naging sila na nagkalabasan ng ugali, xempre turn off nga naman.
Nagger gf/bf - xempre sino bang may gusto na nina-nag ka palagi, nakakarindi diba?
Super selosa/seloso - nakakairita naman yung parang wala ka ng ibang pwedeng kausapin kasi lahat na lang pagseselosan, para ka ng ibon na nakakulong sa hawla.
Tamang Hinala (T.H) - eto yung masyadong mapagduda parang pagseselos din pero much more sa pagdududa na xempre away ang kasunod lagi.
Masyadong BUSY - walang time makipag-usap o magtext man lang, Masyado nga kasing busy.
Always LATE - once, twice, thrice na pagiging late, ok lang pero kung madalas na diba parang nakakainis na? parang hindi na siya excited makasama at makita ka. Pero depende din sa reason.
DISHONESTY - eto yung masyadong nagdadahilan ng mga bagay na hindi naman totoo para pgtakpan yung mga bagay na ayaw mong ipaalam sa partner mo.
Nagsawa na - usually eto yung short term love lang. HIndi pangmatagalan, hidni true love kaya nawwala din,
Family Problem - kadalasan pag may problema yun isang tao naiiba yung ugali or mas gusto nilang mapag-isa.
Health Problem - pag may malala kang sakit na pwede mong ikamatay mas gusto mo na i-isolate na lang yung sarili mo at ayaw mo rin malaman ng partner mo.
Forced breakup - Eto yung mahal na mahal niyo yung isat isa pero kailangan niyong maghiwalay dahil may tumututol or anumang mabigat na dahilan.
Lahat ng taong nang-iiwan, may dahilan hindi pwedeng wala.
So sa tingin mo, anong dahilan mo?
confession of a broken heart
Kapag pakiramdam mo masyado ka ng nagmamahal at tingin mo parang may mali, marapat lang na tumigil ka sandali at bigyan ang puso mo nagpagkakataong makapagpahinga. Panahon para gamitin mo ang utak mo para timbangin ang sitwasyon batay sa dahilan at hindi sa emosyon. Dahil ang pinakamalungkot na pagmamahal ay nangyayari pag nainlove ka sa taong wala namang gusto sayo o di kaya kaibigan lang o nakababatang kapatid ang tingin sayo.
"Love can sometimes be magic.. but magic can sometimes be an illusion..."
May mga pagkakataong iniisip mo na sana manhid ka na lang para wala ka ng maramdamang sakit. Hindi ka mapagtataksilan, mabibigo at luluha na para bang wala ng katapusan. Pero kung hindi mo naman bubuksan ang puso mo, hindi mo mararamdaman kung pano magmahal at mahalin.
Pero pano nga ba kung puro sakit na lang..pagod na pagod ka na, anong pipiliin mo?
To have a heart thats whole but numb or a heart that's broken but real?
Sabi nila kung hindi ka masasaktan, hindi mo malalaman na nagmamahal ka. Totoo nga yun. Darating ang panahon maaalala mo yung mga taong minahal mo na iniwan ka lang. Siguro pagtatawanan mo na lang yun sarili mo kung paano at gaano ka nagpakatanga sa kanila kahit na alam mong hindi ka naman nila mahal. HIndi naman masamang magkamali, parte na yan ng buhay natin. Ang minsang mabulag sa pag-ibig. Ang masaktan, ang umiyak magdamag atpiliting ipaglaban ang taong mahal natin.
"Love makes the world go round..."
Tayo ang makakapagdesisyon. Patuloy tayong magmahal at masaktan, kahit mahirap, kahit masakit. Lumaban ka hangga't may dahilan para lumaban. At kung mawala man sayo magpasalamat ka na nakilala mo siya at dahil sa kanya nagmahal ka ng totoo.
bitaw
Loving is not owning we can let it go...
Minsan sa buhay makakakilala ka ng taong magpapabago ng buhay mo at mamahalin mo siya ng sobra-sobra. Ang masakit lang dun hindi mo malalaman kung hanggang kailan siya magtatagal sa buhay mo. Nothing is permanent, kung may permanent man eh yun yung pagbabago. Ang magagawa mo lang ay mahalin siya habang na sayo siya. Angkinin mo hanggang gusto mo pero pag dumating na yung time na binawi na siya sayo, matuto kang bumitaw.
Yun bang kahit gaano mo ipaglaban yun pagmamahalan niyo parang wala pa ding tamang nangyayari. Puro problema na lang at pati kayo nagkakasakitan na. Naisip mo ba? Tadhana man ang naglapit sa inyo, maaaring tadhana din ang makapagtatakda ng paghihiwalay niyo.
Ipaglaban mo man ang taong mahal mo kung ayaw na sayo at kung magiging komplikado lang ang lahat, hindi masamang mag-give up.
OO, mahirap. Wala namang nagsabing madali. Pero diba mas mahirap kung ipagpipilitan mo pa yung hindi na pwede?
Pwede ka pa din naman magmahal.
Yung pagmamahal na kahit hindi na kayo pwede, masaya pa din kayo para sa isa't isa.
Friday, September 28, 2012
Mahirap iwan o kalimutan ang taong pinakilala mo na sa Pamilya mo.
Alam mo yun? Yun kasi yung araw na masaya kayong dalawa at puno ng pangarap. Nangako sa isa’t-isang sa hirap at ginhawa eh ipaglalaban niyo anu man ang mangyari sa inyong dalawa. Kaya naman naisipan niyong ipakilala sa magulang ang isa’t-isa. Minsan nga yung isa lang nagpapakilala eh, yung isa hindi nagawang maipakilala dahil “bawal pa” o kaya naman ” strikto ang magulang niya”.
Kaya minsan kapag nag-away at nagkakahiwalay kayo. Para bang mahihiya ka sa magulang mo at hindi mo masabi minsan dahil yung taong hinarap mo dati at nagsabi ng pangako sa magulang mo eh bigla na lang mawawala. Tipong sobrang legal kayo sa parte ng pamilya niyo tapos bigla na lang mawawala. Parang ang hirap ipaliwanag diba? Lalo na kapag kasama ang Pamilya.
Kaya siguro yung iba, mas pinipili itago. Kasi hindi pa sila ganung ka sigurado. Pero iba kasi kapag kilala ng magulang. Nakakatulong ito magpatibay ng relasyon na kung ano meron kayo ngayon.
dario's bucket list
When we we're born, there's only one thing that is certain to happen and we can't avoid it and that is death. So accepting the fact that sooner or later I will die (But I hope not too soon).
I created this list of things to do before I kick the bucket (Inspired by the Movies : The bucket list and A walk to Remember)
My List of things I want to do before I Die
Quit Smoking
Find my true love and fall in love like crazy (Still searching)
Get Married (As soon as I find my true love).
Have children of my own
Be a billionaire
Fly an airplane
Ride an Airplane
Learn another language
Have a liquor named after me
Travel all around the world (as soon as I get a passport and the money to spend for it )
Have a tattoo
Appear in a film or music video or T.V. show.
Join a Game show
Read all Harry Potter Books. (one book to go).
A date with Sarah Geronimo
Read a full set of Encyclopedia
Write A book
Kiss the most beautiful girl in the world.
Go Scuba diving
Ride a boat
Live long enough to fulfill this list
ikaw, kelan mo gusto mamatay?
Hmmm.. kailan nga ba ang tamang panahon para mamatay? oo sige, ako na ang weird. pero tama naman diba, andaming tao ang takot mamatay, pero dun din naman lahat tayo patungo. madalas na tinatanong sa atin kung paano mo gustong mamatay, at syempre ang madalas na sagot ay yung payapa, yung tipong natutulog ka lang tapos mamamatay ka nalang bigla, tapos anjan na yung mga statements na ayaw mamatay sa sunog o sa car accident sa kadahilanang ayaw nilang malasog; pero masyado ng pangkaraniwan ang ganitong eksena, natanong mo na ba ang sarili mo kung kelan mo gustong mamatay?
Marahil isasagot mong pagka nagkarooon ka na ng sariling pamilya, pero hindi parin iyon sapat dahil sigurado akong gusto mo ring makita ang iyong mga anak na lumaki at ang iyong mga apo na magka-anak; so kelan mo nga ba gusto?
Ako, kahit ngayon okay na, ako na talaga ang weird. hindi naman kase ako talaga natatakot tingin ko naman eh may maganda na akong nagawa habang nabubuhay pa ako; at nabanggit ko na lang din iyon, hindi bat madalas din nilang sabihin na dapat ay may maiwan tayong maganda bago man lang tayo mamaalam, pero pano ba mag iwan ng maganda? at ano ba ang dapat iwan?
dapat ba tayong magpaka martir gaya ng ating mga bayani at mga santo? syempre naman hindi, tingin ko naman ay sapat nang may mapangiti tayong tao sa paglalagi natin dito sa mundo, ano naman ba ang naidulot ng ating mga bayani? hindi ba't ngayon ay hirap na hirap tayong pag-aralan sila? marami nga silang nagawang maganda para sa atin ngunit hindi naman natin sila kayang tularan at kung kaya man ay hindi naman natin ginagawa. oo, isa ngang kahangahangang gawaiin ang mga ginawa nila para sa ating lahat, at sino ba naman ang ayaw magka rebulto o mailagay sa pera hindi ba? pero hindi naman siguro ito ang dapat nating iwan.
isang nakapanlulumong bagay ang mamatayan lalo na kung ang namatay ay ating mga magulang, pero kung dumating nga ang panahon na mangyari iyon pagagawan mo ba sila ng rebulto? nanaisin mo bang maging kagaya sila ng mga bayani't santo na nakatatanggap ng walang hanggang pagtuligsa at na patuloy na inuungkat ang buhay, ako, hindi, dahil bukod sa mahal ang pagpapagawa ng rebulto ay mas gugustuhin ko pang sa puso't isipan ko na lamang sasariwain ang kanilang mga buhay, papayag ka bang lahat ng mga kalokohan nila ay malaman ng iba at ikumpara pa sila sa animo'y perpektong pamantayan ng ating syudad sa kung sino ang karespe-respeto at hindi?
ayan, napaisip ka siguro ngayon, o maaari din namang hindi, pero maganda ding matanggap natin ang katotohanang dun din tayo lahat patungo, at hindi natin makokontrol ang ating kahihinatnan, kung pwede nga lang diba?
Subscribe to:
Posts (Atom)























