Thursday, December 27, 2012
Bakit nahuhulog tayo sa mga tao na nakilala lang natin sa social networking sites?
Dito kasi lagi tayo nakatutok, dito na umiikot ang mundo natin. Kumbaga dito ka nakafocus eh, so hindi malabong dito mo rin mahanap yung taong mamahalin mo. Araw-araw ka ba naman naka online at araw-araw mong kausap yung mga tao dito dahil tulad mo, ito rin ang hilig nila. Kumbaga nasa iisang mundo kayong ginagalawan.
Syempre, parang kasama mo na rin palagi sa buhay yan eh, nakikita mo litrato niya, siya lagi yung may oras sayong kausapin ka sa oras na tahimik ang buhay mo hindi ba? Kaya sobrang hindi labong mangyari yun. Pero yun nga, mahirap ang internet relationship. Maari kasing bigla na lang itong mawala, kasi minsan hindi mo alam masaya ka lang sa atensyon na binibigay niya. Pero sa huli baka magkasawaan rin kayo lalo na kung malayo kayo sa isat-isa.
Kaya iba pa rin yung power ng nakilala mo siya sa internet pero nagkikita kayo physically. Mahirap pumasok sa Long Distance Relationship na hindi pa kayo nagkikita, kahit sabihin mong LDR ka ngayon at hindi pa kayo nagkikita eh sasabihin mo sakin na kaya mo dahil tiwala lang ang kailangan at komunikasyon. Nagkakamali ka.. Alam mo yung pakiramdam na gusto mo rin siyang protektahan kapag aalis siya, gusto mo siyang samahan pero wala kang magawa, lalo na sa parte ng lalake. Kapag binabastos na yung babae wala kang magawa kundi mag text lang. Ito naranasan ko sa past relationship kong Long Distance Relationship din.
I feel so helpless, kapag binabastos siya ng mga kalalakihan kahit wala naman siyang ginagawang masama, ako tong parang tanga na nagagalit na lang at walang magawa. Alam mo yun? Yung gusto mong magkaroon ng security yung taong mahal mo pero hindi mo magawa kasi nga ” Malayo nga kayo” at “Never pa kayo nagkita” kasi malayo kayong dalawa sa isat-isa.
So ayun, meet before you commit talaga ang masasabi ko sa mga taong susugal sa relasyon na inilakad ng Internet.
Ang hirap kapag nasanay na maging Single yung isang taong papasok sa relasyon.
Alam mo yung pakiramdam na dati sobrang hawak mo ang oras mo, yung pakiramdam na baka manibago ka kasi may tao ng maghahanap or magdedeman ng oras sayo. Ito ang ayaw maramdaman ng mga taong single eh, yung na enjoy nila ng husto yung single life nila kaya yung pumasok na sila sa relasyon eh ramdam nila nasasakal sila kahit hindi naman.
Eh masisisi mo ba yung mga single? eh syempre gagawa at gagawa ng paraan yan para sumaya, tipong stay put lang sila sa buhay habang nag-aabang ng taong magmamahal sa kanila.
Dati nakakapagpuyat ka, ngayong papasok ka sa relasyon asahan mong may susuyuin ka na kapag nagpuyat ka pa. Kasi magagalit yan at mahuhuli na hindi ka pa pala natutulog. Mapwepwersa kang sumunod dahil takot kang mawala siya sayo.
Basta, sobrang life changing ang magkaroon ng relasyon, lalo na kung sa sarili mo eh gusto mo na talagang i commit na “siya na talaga”. So magpapakaloyal ka, maraming mababago sa daily routines mo. Hahawakan mo na ulit cellphone mo, magpapaload ka na ulet, may kausap ka na lagi sa telepono. Hindi na uubra yung aalis ka na hindi magpapaalam. Kailangan muna lagi sasabihin mo sa karelasyon mo mga lakad mo.
Basta, kaya dapat nag-iisip isip ka. Once na pumasok ka sa relasyon, ilan yan sa mga dapat tatandaan mo.
Pag hindi pa kayo, hindi pa kayo!
Tandaan mo na pwede kang magselos, kahit na wala kang karapatan basta may nararamdaman right? Pero hindi mo siya pwedeng kontrolin sa mga taong kinakausap niya, kasi unang una yun ang hindi mo karapatan; ang kontrolin yung mga taong kinakausap niya, normal na may kaibigan yan. Wala ka pa, andyan na mga kaibigan nyan.
Huwag mo siyang bigyan ng idea gaano mo siya sasakalin kapag naging kayo na, pero sure nga bang magiging kayo? Bago mo siya bigyan ng oras eh bigyan mo muna ng oras sa sarili mo. Kasi nga if ever “magiging kayo” kakainin ng relasyon niyo kahit papano yung oras niyo. Hindi na uubra yung pa petiks petiks na ginagawa mo kasi wala ka pang commitment. So kapag meron ka na, umpisa na yan ng araw na may mag dedemand ng oras mo, may magagalit na kapag hindi ka nagtext at kung ano pa mang lack of communication magkakaroon kayong dalawa. So stayput lang, pag hindi pa kayo. Patunayan mo na andyan ka lang palagi kapag kailangan niya ng kausap.
Kaya ayun, easy lang muna sa buhay. Enjoyin mo ang buhay mag-isa habang wala pa. Malay mo, magsisi ka sa huli. Sa padalos dalos mong ginawa eh maisip mo sa sarili mong mas masaya pa pala maging single kesa ngayon na nasa relasyon ka nga malungkot ka naman.
Saturday, December 8, 2012
salamat sa'yo!
Salamat sa iyo. Salamat dahil napakarami kong natutunan at narealize ng dahil sa iyo. Nasaktan ako pero dahil sa sakit na ito kaya ko ginustong maging higit sa kung ano ako dati. Nahirapan man ako noong nawala ka pero eto naman ang nagturo sakin ng mahahalagang bagay sa buhay.
Salamat dahil natutunan kong mabuhay nang parang walang bukas. Kung may gusto akong gawin, gagawin ko na. Kung may gusto akong sabihin, sasabihin ko na. Kasi kung hindi, e kelan pa?
Baka maging huli na ang lahat. Walang kasiguraduhan ang buhay. Kung anung meron ngayon, pedeng iba na bukas. Kaya natuto akong wag magtiwala sa bukas. Kung pwedeng ngayon, ngayon na, wag ng patagalin pa.
Salamat din dahil natutunan ko na minsan pala , dahil sa sobrang kumportable o sanay tayo sa isang bagay o tao e nakakalimutan na natin sila na bigyan ng halaga.
Natutunan kong maging mapag pasalamat sa anumang meron ako at sinisigurado kong na aalagaan at napapakita ko na mahalaga sila sa akin. Dahil kung mahal talaga natin ang isang tao, dapat iparamdam natin ito. Mayroon kasing mga pagkakataong porket alam nating mahal nila tayo e akala natin, hindi na iyon magbabago. Akala natin e patuloy nila tayong mamahalin kahit madami tayong pagkukulang . Pagkukulang dahil masyado na tayong palagay na andiyan lang sila palagi para sa atin. Nakakalimutan nating ibalik yung pagmamahal na ibinibigay nila.
Salamat dahil mula ngayon hindi ko na uulitin ang pagkakamaling ito. Ayoko na kasing maramdaman ulit ung kahit gusto mong bumawi sa lahat ng pagkukulang mo, e wala ng pagkakataon. Wala ng magawa ung pagmamahal mo,kahit ano pang gawin mo hindi na maibalik ung pagmamahal niya.
Maraming bagay akong gustong baguhin sa nakaraan ko, pero wala naman na akong magagawa dito. Sa dami ng pagkakamali ko, wala na akong magagawa kundi matuto at magbago.
Salamat sa iyo. Alam kong hindi mo alam na ganito katindi ung nagawa mo sa buhay ko. Salamat. Salamat.
tanggapin mo,sana!
Ang bawat tao ay may kanya kanyang katangian,ugali at paniniwala sa buhay. Maraming bagay ang nakaka apekto sa ugali ng isang tao. Maaaring kinalakihan na niya, nakita sa bahay o sa paligid niya o di kaya naman ay dahil sa mga sakit na pinag daanan niya sa buhay.
Bata palang ako,natuto nakong hindi umasa sa iba. Ayaw ko ng pinag sasabihan o kaya ay pina ngungunahan. Pakiramdam ko kasi alam ko naman at kaya kong gawin yun mag-isa kaya hindi ako nanghihingi ng tulong. Kaya kong dumiskarte at gawin ang mga bagay bagay sa sarili kong paraan. Malaki tiwala ko sa sarili ko. Naniniwala kasi akong walang imposible pag ginusto pero hindi ibig sabihin ay madali ko lang yun magagawa, syempre mahirap pero kakayanin ko kasi may tiwala ako sa sarili ko.
Hindi ako nagpapanggap na maging iba para magustuhan ng ibang tao. Pinapakita ko kung ano ako. Pinapakita ko kung paano ako magisip. Maraming hindi nakakaintindi , pero marami ding humahanga sa katangian kong eto.
Hindi ko tinatago ang mga di magagandang bagay sa akin kasi kung kilala mo ako,,maiintindihan mo.
Malalaman mo ang mga dahilan sa bawat kilos at salita na binibitiwan ko.
MAYABANG – Sabi , mayabang daw ako pero mas gusto ko itong tawaging CONFIDENCE. Sigurado kasi ako sa sarili ko, sa mga sinasabi ,ginagawa, paniniwala at mga opinyon. Malakas ang loob. Karaniwan kasi mahilig akong mag bigay ng opinyon sa lahat ng bagay. May mga sinasabi ako na alam ko namang maaaring maging mali para sa iba pero opinyon ko iyon, hindi ko naman ipinipilit yun, dahil lahat naman tayo may kanya kanyang paniniwala. Sinusubukan ko lang ibahagi ung iniisip ko. Hindi ako palaging tama dahil marami akong bagay na hindi alam. Hindi ako nagmamarunong. Pag hindi ko alam, sinasabi ko na hindi ko alam. Nagkakamali ako at tinatanggap ko ang mga pag kakamali ko. Marunong akong makinig basta sabihin lang ng maayos at deretso sakin. Hindi kasi ako manghuhula at hindi rin naman ako magagalit kung itatama ang mga pagkakamali ko dahil para sakin rin naman un. Handa akong matuto pag nagkamali, para hindi na ito maulit. Minsan kasi may mga bagay tayo na nagagawa ng hindi na natin namamalayan kasi natural na ito sa atin pero may mga taong hindi maiintindihan un o kaya iba ang magiging dating sa kanila depende sa pagkatao nila.
Sabi nga, pag ang isang tao na mababa ang tingin sa sarili ay nakakita o nakasalamuha ng taong malaki ang tiwala sa sarili, mayabang at arogante ang tingin nila dito kasi hindi nila naiintindihan kung paano mag-isip ang mga taong may kumpiyansa sa sarili. Lumiliit lalo ang tingin nila sa sarili nila dahil mas nararamdaman nila ung pagiging dominante ng mga taong sigurado sa sarili.
Kaya pag may nagsasabing mayabang ako, masakit sakin un, dahil alam ko na hinuhusgahan na nila ako ng hindi naman nila alam ang dahilan kung bakit ako ganun. Maangas ako magsalita, parang laging tama pero hindi. Nasa ibang tao na talaga kung paano nila ako titignan,nasa personal na opinyon na nila kung… ako nga ba ay may kumpyansa lang o arogante talaga.
DOMINANTE – Hindi ko alam kung nakaka apekto dito ung pagiging mabilis tumaas ng boses ko. Pero ganun kasi ako lumaki. Ung mga taong nakapaligid sakin palaging nag sisigawan. Dun ko ata nakuha ung ugali ko na mabilis mairita. Pero mabilis lang din naman mawala ung inis dahil hindi naman talaga ako inis nun e, un lang talaga ung unang reaksyon ko pag hindi na kumportable ang nararamdaman ko.
Kapag may ginagawa ako tapos biglang may magtatanong.. karaniwan unang reaksyon ko,, “ANO!?!?!” , “TEKA LANG NAMAN!!!” at “ANO BA YON?!?!?!” Hindi ko sadyang tumaas ang boses ko, natural na itong lumalabas. Pero sinusubukan ko talagang baguhin kasi hindi maganda at hindi lahat ng tao maiintindihan ito. Lalo na kapag ung kausap mo ay hindi sanay na pinag tataasan ng boses. Minsan naman, pag nagsalita ako, may tono na parang nag uutos, maraming nag aakala na inuutusan ko sila, pero pag sinabi na nila na, bakit ko sila inuutusan, nagugulat ako kasi hindi naman at nagsosorry na din dahil kasalanan ko yun.
Sa ngayon, sinusubukan ko talagang baguhin ito. Mas napapansin ko na din pag napapataas na agad boses ko tapos mag sosorry ako dun sa kausap ko baka kasi sumama loob nila ng hindi ko alam e.
DIRETSO MAGSALITA – Alam kong diretso ako magsalita. Hindi ko alam kung saan ko ba natutunan yun. Prangka ako. Sinasabi ko ang nararamdaman ko pag naiinis ako. Hindi ko plina plastic ung tao. Kung ano talaga ung nakikita ko,sinasabi ko. Masakit na kung masakit. E masakit naman talaga ang katotohanan. Kung ikukumpara ako sa iba, mabait pa nga ako, hindi sobrang brutal ung mga salita na ginagamit ko. Marami lang talagang tao na pag sinabi mo sa kanila ung totoo, nasasaktan sila. Hindi nila matanggap ung katotohanan at palalabasin nilang ako ung mali dahil parang nakaramdam sila ng pagkapahiya sa sinabi ko.
PALABAN – Hindi ako nag papaapi. Hindi sa walang respeto pero hindi ako papalamang. Lalo na pag alam kong tama ako at tama ung sinasabi ko. Minsan nga pati jeepney driver na mali mag sukli pinapatulan ko kasi gusto ko lang maging patas. Nagbabayad ako ng tama kaya maningil siya ng tama. Hindi din dahil mas matanda sakin ay dapat ng galangin at palagi na silang tama. Pinipili ko ang mga dapat respetuhin sa hindi. Hindi ko din basta basta binibigay ang respeto. Tinitignan ko muna at pinakikisamahan bago nila makuha ung respeto na para sa kanila. Para sa akin, pag katapos ng tiwala, respeto ang sunod na mahirap ibigay sa tao. Kaya madalas, matapang ako sa harap ng ibang tao,laging palaban at mataas ang depensa, lalo na pag hindi ko pa kilala. Susubukan kong kontrahin sila at titignan ko kung paano sila mag rereact, pag nakita kong maganda talaga ang pagkatao nila, dun ko sila rerespetuhin. Dun ko na sila pakikisamahan ng maganda. Palaban ako sa mga taong hindi ko gusto o kaya hindi maganda ung ginawa/ginagawa sa akin.
MAARTE – Marami akong ayaw. Ayoko ng mga taong palagi na lang late. Pag sinabing 8am ang oras na magkikita kita, dapat 8am andun na, hindi 8am e nasa byahe pa o kaya paalis palang. Wala kasing pagpapahalaga ang mga taong late sa oras ng ibang tao. Bawat oras mahalaga, hindi dapat sinasayang sa paghihintay lang sa mga taong paimportante.
Ayoko din sa mga tao na ang daming reklamo sa buhay nila. Lahat na lang may sinasabing hindi maganda. Inuubos nila ung lakas nila sa pag rereklamo. Maingay sila sa pandinig ko.
Ayoko din sa mga taong nanlalamang. Ung mga taong nang gagamit ng kahinaan ng ibang tao para sa sarili nila. Madaling mag manipula ng tao pero dapat gamitin sa tama.
Ayoko din sa mga nagmamarunong. Pag hindi ko tinatanong ang opinyon o kaya hindi ako nang hihingi ng tulong, ibig sabihin nun hindi ko kailangan. Lalapit naman ako at magtatanong pag hindi ko alam. WAG na WAG mo lang akong pangungunahan at itatrato mo ako na parang walang alam.
DEMANDING – Hindi kasi ako ung klase ng tao na OO lang ng OO sa lahat. Kinukuha ko ang para sa akin. Gusto kong binibigyan ako ng atensyon na sa tingin kong dapat meron ako. Gusto ko kasi ng buong atensyon ng mga taong mahalaga sakin kaya nag papapansin ako. Ayoko ng hindi ako pinapansin lalo na ng taong mahal ko. Ok lang kung may ginagawa basta sabihin lang. Pero pag hindi nag paalam , naku tiyak mangungulit nako niyan. Hahanapin ko na yan. Magpapalambing tapos pag hindi nilambing magagalit kasi parang wala naman siyang pakialam sakin. Tamang usap lang naman ang kailangan ko. Sabihin mo sakin ng diretso para maintindihan ko.
Bakit ko ginawa itong post na ito? Simple lang, para mas makita ng iba kung paano ako magisip at kung anu ang mga dahilan ko.
Marami pang bagay tungkol sakin ang hindi nakikita ng iba. Kailangan ng maraming buwan o taon para makilala ako ng lubusan. Marami akong magagandang katangian pero meron ding hindi maganda. May ilan dun ,hindi ko kayang baguhin kasi ako na yun eh. Kailangang maintindihan at matanggap ng ibang tao yun kung gusto nila akong makasama. Kasabay nun ung pag intindi ko din sa mga di magandang ugali din nila. Wala naman kasing perpekto. Nasa pagtanggap yan at pag intindi. Kaya mahalagang pinag uusapan ang pag kakaiba para hindi pinag sisimulan ng hindi pagkakaintindihan. Maswerte ako kasi merong mga tao na nagsasabi ng mali ko. Natutulungan nila akong maging mas mabuting tao. Hindi ko kasi kailangan ng taong ayaw akong saktan kaya sasabihin nalang niya ung gusto kong marinig. Kailangan ko ung magsasabi ng totoo na kahit masaktan ako e sasabihin pa rin niya dahil ang totoong tao na nag nag bibigay halaga sakin ay ung taong hindi ako kukunsintihin sa mga ginagawa kong mali. Ung kahit masaktan ako e alam ko naman na ang intesyon nila ay para mapabuti ako at maitama ang mga mali.
Kagabi, nakipag one on one ako sa mom ng friend ko. Marami akong natutunan. Marami akong naisip at napag tanto na pagkukulang ko. Mga ugali ko na dapat kontrolin at bawasan dahil hindi maganda ang nagiging resulta nito. Mayroon siyang sinabi sakin na hindi ko malilimutan, sabi nya,
“nak,hindi mo mababago kung sino ka, makakapag adjust ka pero hindi sa lahat. At wag kang mag alala, dahil may taong kayang intindihin ang mga bagay na hindi maganda sayo pareho ng pagintindi mo naman sa kanya.At wag mong kakalimutang ipaliwanag ng maayos kung sino ka, para matanggap ka din niya ng maayos. Mag usap kayo. Mahalaga ang paguusap pero siguraduhin mong mahinahon kayo pareho at hindi nag aaway habang nag uusap.”
Marami tayong mga nagagawa na hindi tayo aware. Nakakasakit na pala tayo samantalang para satin normal lang yun. Maging mas sensitive tayo. Alamin natin ang mga dapat nating baguhin sa sarili natin.
Kayo ba, naisip nyo nabang alamin kung anu ang tingin sa inyo ng ibang tao ? Anu nga kaya???
Wednesday, October 31, 2012
people are lot like pokemons
There’s a lot of different types out there
Some are easy to catch, but you’ll end up regretting it.
Some are hard to catch, but worth it.
Some look good, but are worthless.
Some may not seem right from the start, but if you love them, they will eventually turn into something beautiful.
And it may take some time, but when you find the right one for you, it’s the most amazing thing in the world.
Wednesday, October 17, 2012
Tuesday, October 16, 2012
bakit may mga taong nang-iiwan?
Hindi naman lahat ng taong nang-iiwan ay manloloko, may ilan pa din namang totoo kapag nagmahal. Lalo na yung mga tinamaan talaga ni kupido, walang dudang inlove na inlove talaga. Minsan swertihan lang talaga siguro na makatagpo ka nung taong maiinlove talaga sayo ng sobra-sobra. Yun bang hindi ka mangangamba na maghanap siya ng iba kasi sa mga mata niya ikaw lang yung tanging nakikita niya at alam mo ding ikaw lang yung laman ng puso niya. Eto din yung dahilan na nagiging kampante tayo masyado sa mga taong akala natin forever na tayong mamahalin. Pero tulad nga ng lahat ng bagay, may expiration din. Masasabi mo lang naman na niloko ka ng isang tao kung ipinagpalit ka niya sa iba o di kaya'y pinaniwala ka sa mga kasinungalingan. Ayun niloko ka lang talaga.
Pero bakit nga ba may mga taong nang-iiwan? Eto yung mga naiisip kong dahilan:
May 3RD PARTY - eto yung pinakauso sa lahat ng break-ups. May mahal na siyang iba.
Biglang naturn-off sa partner - eto yung sa una bait-baitan effect pero nung naging sila na nagkalabasan ng ugali, xempre turn off nga naman.
Nagger gf/bf - xempre sino bang may gusto na nina-nag ka palagi, nakakarindi diba?
Super selosa/seloso - nakakairita naman yung parang wala ka ng ibang pwedeng kausapin kasi lahat na lang pagseselosan, para ka ng ibon na nakakulong sa hawla.
Tamang Hinala (T.H) - eto yung masyadong mapagduda parang pagseselos din pero much more sa pagdududa na xempre away ang kasunod lagi.
Masyadong BUSY - walang time makipag-usap o magtext man lang, Masyado nga kasing busy.
Always LATE - once, twice, thrice na pagiging late, ok lang pero kung madalas na diba parang nakakainis na? parang hindi na siya excited makasama at makita ka. Pero depende din sa reason.
DISHONESTY - eto yung masyadong nagdadahilan ng mga bagay na hindi naman totoo para pgtakpan yung mga bagay na ayaw mong ipaalam sa partner mo.
Nagsawa na - usually eto yung short term love lang. HIndi pangmatagalan, hidni true love kaya nawwala din,
Family Problem - kadalasan pag may problema yun isang tao naiiba yung ugali or mas gusto nilang mapag-isa.
Health Problem - pag may malala kang sakit na pwede mong ikamatay mas gusto mo na i-isolate na lang yung sarili mo at ayaw mo rin malaman ng partner mo.
Forced breakup - Eto yung mahal na mahal niyo yung isat isa pero kailangan niyong maghiwalay dahil may tumututol or anumang mabigat na dahilan.
Lahat ng taong nang-iiwan, may dahilan hindi pwedeng wala.
So sa tingin mo, anong dahilan mo?
confession of a broken heart
Kapag pakiramdam mo masyado ka ng nagmamahal at tingin mo parang may mali, marapat lang na tumigil ka sandali at bigyan ang puso mo nagpagkakataong makapagpahinga. Panahon para gamitin mo ang utak mo para timbangin ang sitwasyon batay sa dahilan at hindi sa emosyon. Dahil ang pinakamalungkot na pagmamahal ay nangyayari pag nainlove ka sa taong wala namang gusto sayo o di kaya kaibigan lang o nakababatang kapatid ang tingin sayo.
"Love can sometimes be magic.. but magic can sometimes be an illusion..."
May mga pagkakataong iniisip mo na sana manhid ka na lang para wala ka ng maramdamang sakit. Hindi ka mapagtataksilan, mabibigo at luluha na para bang wala ng katapusan. Pero kung hindi mo naman bubuksan ang puso mo, hindi mo mararamdaman kung pano magmahal at mahalin.
Pero pano nga ba kung puro sakit na lang..pagod na pagod ka na, anong pipiliin mo?
To have a heart thats whole but numb or a heart that's broken but real?
Sabi nila kung hindi ka masasaktan, hindi mo malalaman na nagmamahal ka. Totoo nga yun. Darating ang panahon maaalala mo yung mga taong minahal mo na iniwan ka lang. Siguro pagtatawanan mo na lang yun sarili mo kung paano at gaano ka nagpakatanga sa kanila kahit na alam mong hindi ka naman nila mahal. HIndi naman masamang magkamali, parte na yan ng buhay natin. Ang minsang mabulag sa pag-ibig. Ang masaktan, ang umiyak magdamag atpiliting ipaglaban ang taong mahal natin.
"Love makes the world go round..."
Tayo ang makakapagdesisyon. Patuloy tayong magmahal at masaktan, kahit mahirap, kahit masakit. Lumaban ka hangga't may dahilan para lumaban. At kung mawala man sayo magpasalamat ka na nakilala mo siya at dahil sa kanya nagmahal ka ng totoo.
bitaw
Loving is not owning we can let it go...
Minsan sa buhay makakakilala ka ng taong magpapabago ng buhay mo at mamahalin mo siya ng sobra-sobra. Ang masakit lang dun hindi mo malalaman kung hanggang kailan siya magtatagal sa buhay mo. Nothing is permanent, kung may permanent man eh yun yung pagbabago. Ang magagawa mo lang ay mahalin siya habang na sayo siya. Angkinin mo hanggang gusto mo pero pag dumating na yung time na binawi na siya sayo, matuto kang bumitaw.
Yun bang kahit gaano mo ipaglaban yun pagmamahalan niyo parang wala pa ding tamang nangyayari. Puro problema na lang at pati kayo nagkakasakitan na. Naisip mo ba? Tadhana man ang naglapit sa inyo, maaaring tadhana din ang makapagtatakda ng paghihiwalay niyo.
Ipaglaban mo man ang taong mahal mo kung ayaw na sayo at kung magiging komplikado lang ang lahat, hindi masamang mag-give up.
OO, mahirap. Wala namang nagsabing madali. Pero diba mas mahirap kung ipagpipilitan mo pa yung hindi na pwede?
Pwede ka pa din naman magmahal.
Yung pagmamahal na kahit hindi na kayo pwede, masaya pa din kayo para sa isa't isa.
Friday, September 28, 2012
Mahirap iwan o kalimutan ang taong pinakilala mo na sa Pamilya mo.
Alam mo yun? Yun kasi yung araw na masaya kayong dalawa at puno ng pangarap. Nangako sa isa’t-isang sa hirap at ginhawa eh ipaglalaban niyo anu man ang mangyari sa inyong dalawa. Kaya naman naisipan niyong ipakilala sa magulang ang isa’t-isa. Minsan nga yung isa lang nagpapakilala eh, yung isa hindi nagawang maipakilala dahil “bawal pa” o kaya naman ” strikto ang magulang niya”.
Kaya minsan kapag nag-away at nagkakahiwalay kayo. Para bang mahihiya ka sa magulang mo at hindi mo masabi minsan dahil yung taong hinarap mo dati at nagsabi ng pangako sa magulang mo eh bigla na lang mawawala. Tipong sobrang legal kayo sa parte ng pamilya niyo tapos bigla na lang mawawala. Parang ang hirap ipaliwanag diba? Lalo na kapag kasama ang Pamilya.
Kaya siguro yung iba, mas pinipili itago. Kasi hindi pa sila ganung ka sigurado. Pero iba kasi kapag kilala ng magulang. Nakakatulong ito magpatibay ng relasyon na kung ano meron kayo ngayon.
dario's bucket list
When we we're born, there's only one thing that is certain to happen and we can't avoid it and that is death. So accepting the fact that sooner or later I will die (But I hope not too soon).
I created this list of things to do before I kick the bucket (Inspired by the Movies : The bucket list and A walk to Remember)
My List of things I want to do before I Die
Quit Smoking
Find my true love and fall in love like crazy (Still searching)
Get Married (As soon as I find my true love).
Have children of my own
Be a billionaire
Fly an airplane
Ride an Airplane
Learn another language
Have a liquor named after me
Travel all around the world (as soon as I get a passport and the money to spend for it )
Have a tattoo
Appear in a film or music video or T.V. show.
Join a Game show
Read all Harry Potter Books. (one book to go).
A date with Sarah Geronimo
Read a full set of Encyclopedia
Write A book
Kiss the most beautiful girl in the world.
Go Scuba diving
Ride a boat
Live long enough to fulfill this list
ikaw, kelan mo gusto mamatay?
Hmmm.. kailan nga ba ang tamang panahon para mamatay? oo sige, ako na ang weird. pero tama naman diba, andaming tao ang takot mamatay, pero dun din naman lahat tayo patungo. madalas na tinatanong sa atin kung paano mo gustong mamatay, at syempre ang madalas na sagot ay yung payapa, yung tipong natutulog ka lang tapos mamamatay ka nalang bigla, tapos anjan na yung mga statements na ayaw mamatay sa sunog o sa car accident sa kadahilanang ayaw nilang malasog; pero masyado ng pangkaraniwan ang ganitong eksena, natanong mo na ba ang sarili mo kung kelan mo gustong mamatay?
Marahil isasagot mong pagka nagkarooon ka na ng sariling pamilya, pero hindi parin iyon sapat dahil sigurado akong gusto mo ring makita ang iyong mga anak na lumaki at ang iyong mga apo na magka-anak; so kelan mo nga ba gusto?
Ako, kahit ngayon okay na, ako na talaga ang weird. hindi naman kase ako talaga natatakot tingin ko naman eh may maganda na akong nagawa habang nabubuhay pa ako; at nabanggit ko na lang din iyon, hindi bat madalas din nilang sabihin na dapat ay may maiwan tayong maganda bago man lang tayo mamaalam, pero pano ba mag iwan ng maganda? at ano ba ang dapat iwan?
dapat ba tayong magpaka martir gaya ng ating mga bayani at mga santo? syempre naman hindi, tingin ko naman ay sapat nang may mapangiti tayong tao sa paglalagi natin dito sa mundo, ano naman ba ang naidulot ng ating mga bayani? hindi ba't ngayon ay hirap na hirap tayong pag-aralan sila? marami nga silang nagawang maganda para sa atin ngunit hindi naman natin sila kayang tularan at kung kaya man ay hindi naman natin ginagawa. oo, isa ngang kahangahangang gawaiin ang mga ginawa nila para sa ating lahat, at sino ba naman ang ayaw magka rebulto o mailagay sa pera hindi ba? pero hindi naman siguro ito ang dapat nating iwan.
isang nakapanlulumong bagay ang mamatayan lalo na kung ang namatay ay ating mga magulang, pero kung dumating nga ang panahon na mangyari iyon pagagawan mo ba sila ng rebulto? nanaisin mo bang maging kagaya sila ng mga bayani't santo na nakatatanggap ng walang hanggang pagtuligsa at na patuloy na inuungkat ang buhay, ako, hindi, dahil bukod sa mahal ang pagpapagawa ng rebulto ay mas gugustuhin ko pang sa puso't isipan ko na lamang sasariwain ang kanilang mga buhay, papayag ka bang lahat ng mga kalokohan nila ay malaman ng iba at ikumpara pa sila sa animo'y perpektong pamantayan ng ating syudad sa kung sino ang karespe-respeto at hindi?
ayan, napaisip ka siguro ngayon, o maaari din namang hindi, pero maganda ding matanggap natin ang katotohanang dun din tayo lahat patungo, at hindi natin makokontrol ang ating kahihinatnan, kung pwede nga lang diba?
Friday, September 14, 2012
eh ano kung bitter ako?
Bitter. Mapait. Hindi kaaya-ayang lasa. Dati ang bitter para lang sa ampalaya. Yung iba nga dati hindi pa alam anong english ng mapait eh. Pero ngayon bitter, bitter, bitter. Bitter sila, bitter ako, bitter tayo.
Hindi ko alam kung saan nang galing ang tuluyang paggamit ng salitang bitter para iassociate ang nararamdaman ng tao sa salitang ito. Sabagay, kung may salitang sweet para sa mga malalambing, siguro dapat may bitter para sa may pait ang buhay.
Uso ngayon sa mga networking sites, sa mga barkadahan or kahit saan ang mga ganyang comment, “bittterrr?!” at kailangan, kapag sinabi mo yan eh sobrang pait ng bawat letra sa dila mo. Ulitin, “bitttterrrr?!?!”
Kelan nga ba nagiging bitter ang isang tao?.Bitter ka kapag nag eemote ka sa facebook status mo; mabuti sana kung “emo” lang ang itatawag sa iyo. Bitter ka kapag di ka maka move on sa past heartbreaks mo, at masama loob mo kasi nakamove on na ang ex mo. Bitter ka kapag kumokontra ka sa kaligayahan ng iba, kapag nagiinit ang ulo mo at todo comment ka ng mga negative thoughts sa mga happy posts ng friends mo sa facebook. Bitter ka kapag kahit ang sarili mong kaligayahan ay di mo mapagbigyan. Bitter ka. At hindi yan gusto ng mga kaibigan mong bitter din, pero di matanggap sa sarili nilang parehas kayo.
At ano naman ngayon ang drama ko, at sinasabi ko ito?
Masama ang loob ko at gusto kong maging bitter. Kanina lang sinabihan ako ng kaibigan ko na “galit ka sa mundo.” at sinabi pang “bitter” ako. Minsan aminado ako, nagiging bitter ako, pero para sabihing galit ako sa mundo, yun ata ang hindi ko matatanggap. At seryoso, nasaktan ako. Iniyakan ko ang simpleng sinabi na iyon, na nanggaling pa sa facebook.
Aminado akong emo ako, hari ako pagdating dyan. Pero bitter? Parang kailangan kong kontrahin yan. At kung lahat ng kaibigan ko magsasabi na bitter ako, puwes, siguro nabibilang ako sa bagong species ng mga bitter.
Siguro bitter ang tawag kapag handa mong tanggapin sa sarili mo na malungkot ka, at hindi ka takot na ipakita ang nararamdaman mo. Bitter ako kasi ipinapakita ko sa mga tao na malungkot ako at hindi ako nagpapanggap na masaya para ipakita sa iba na okay ako. Bitter nga siguro ako dahil handa kong hindi sumabay sa nakararami dahil alam ko kung ano ang gusto ko at handa akong ipaglaban ito, kahit kontrahin ko pa ang iba. Bitter ako kasi kaya kong makita kung ano ang realidad sa mga ilusyon lang, kaya kong ipaliwanag ang totoo kahit bulag ako sa mga pantasya ko. Bitter nga siguro ako kasi kaya kong isigaw sa lahat ang alam kong mali, kahit para sa lahat iyon ang tama. At syempre ako ang mali, kasi bitter ako.
Minsan ayos lang tawaging bitter, lalo na kung talagang bitter-bitteran mode ka, pero kung ang mga tumatawag eh mga kapwa mo din bitter at ipinapasa lang nila sa iyo ang pagkutya dahil hindi nila matanggap sa sarili nila na bitter din sila..aba, ibang usapan na yun.
Ikaw, bitter ka ba?
Ako? Bitter? Oo, sige, bitter na kung bitter ako.
Thursday, September 13, 2012
mahal mo ba daw ang tao kung meron kang second thoughts?yung parang gusto mo na ayaw mo?
Maaring mahal mo na rin yung tao. Kasi nag umpisa kang problemahin siya eh. Naglaan ka ng oras para pag-isipan ang bagay na yan. Posibleng gusto mo siya, pero hindi ka handa pumasok sa commitment kasi masyadong magulo pa. Minsan naman ayaw mo pa talaga kasi masyado kang maraming ginagawa.
Tao ka lang naman at kailangan mo rin alamin ang future mo sa taong yun. Kaya madalas ka mag second thoughts. Mahal mo ang isang tao pero syempre pag dududahan mo pa rin kung mahal ka ba talaga nito, kung sayo lang ba sinasabi yung mga bagay na yun at marami pang iba.
Normal lang naman magduda eh. Syempre tao ka at natural na pag-isipan mo ng ganun yung taong gusto mo. Pero syempre di dapat palagi. Kasi lalabas na para kang pulis niyan na hinuhuli palagi kung ano ang galaw niya. Paano mo mamahalin yan? Kung puro pagdududa ang gagawin mo diba?
Ayos lang yan. Parte ng pagmamahal sa isang tao yan.
agad agad !
hindi naman sa tagal ng paghahanap ang pagmamahal sa isang tao eh. Minsan isang araw lang mahal mo na. Minsan naman mismong pagkakita mo sa kanya para bang ramdam mo eh mahal mo na siya bigla. Kahit na sabihin na infatuation yan eh basta parang nakuryente ka eh sa tingin ko medyo may tama ka na sa kanya. Iba-iba kasi yan eh. Hindi natin masasabi ang mga bagay bagay kasi wala naman tayo sa katayuan nung nagmamahal.
Kaya wag magtataka kung kaka break lang eh ilang araw lang o linggo eh may iba na kaagad. Hindi sa huhusgahan nating panakip butas lang ang kasama niya. Malay natin sa istorya nilang dalawa diba? Sila at sila lang rin ang nakakaalam nun.
Hayaan natin sila. Buhay nila yun. May sariling buhay ka naman diba? So dapat respetuhin lang kahit na ayaw mo pa sa kanya o sa kanilang dalawa.
Tuesday, September 11, 2012
Ipagyabang mo grades mo o yung buhay mo 10 years from now, huwag yung school mo.
May mga tao kasing sobrang angas pag dating sa eskwelahan nila eh. Edi ikaw na nasa sosyal na Paaralan. Pinagmamayabang nila eskwelahan nila hindi pa naman sila graduate dun. Grabe maapektuhan kapag may isang ka eskwelang tinitira. Eto yung mga College War/University War eh.
Lalo na kapag mga Varsity. Minsan hindi nila ma gets yung mga jokes. Para bang sinasabi nilang respetuhin yung mga taong nag-aaral sa kanila pero hindi naman nila nirerespeto yung taong pinagsasabihan nun.
Nakakainis yung pag ka close minded. Masyadong hook na hook sa eskwelahan nila. Ikaw may ari dre?
Galingan mo na lang at mag-aral ka na lang ng mabuti. Kahit hindi na kami yung matuwa sayo. Kahit yung magulang mo na lang. Magkaroon ka ng malasakit hoy. Puro ka angas at yabang eh.
Isipin mo na ang paru-parong yan eh yung taong darating sa buhay natin. Kailan nga kaya dadapo sa atin ang pagmamahal na matagal na nating hinahanap? Minsan dumapo na pero mailap talaga ang tadhana para sa ating lahat. Kaya minsan, dumapo na ito sa ating mga palad pero lumilipad pa rin palayo. Dahil sa mga problemang hindi agad nasolusyunan. Pero sabi nga sa kanta ng Session Road na Cool Off ” Palayain ang isat-isa, kung tayo tayo talaga. “ Maaring hindi kayo ngayon, maaring hindi man maging ok ang lahat sa inyo ngayon. Pero malay mo? Sa mga susunod na araw.. Sa tamang panahon. Sayo ulit dadapo ang paru-parong hinahanap mo. Dadapo sa bulaklak na hinahanap niya. At ikaw ang magandang bulaklak na yun :)
napaka unfair mo....LOVE !
so ngayon alam ko na kung bakit uso ang third party, kabit and everything.
haha. hindi naman sa isa akong kabit ha, pero... NARANASAN KO NANG UMIBIG NG ISANG TAONG TAKEN NA.
as in, yung super hinihiling mo talagang mag-break na sila, kasi hindi na naman nagwo-work yung relationship nila. saka yung girl naman ay sa tingin mo naman ay may gusto rin sayo eh. :)) ang BI lang eh. haha
pero totoo naman eh. YANG SI LOVE, SADYANG DUMARATING SA BUHAY MO SA ISANG NAPAKA-WIRDONG PARAAN.
napakamisteryoso.
napaka-unfair. :\
kaya nga siguro na-compose ni Ogie Alcasid yung kantang, "Bakit Ngayon Ka Lang"
ay dahil siguro bitter si Ogie, kasi taken na siya, tapos may makikilala siyang mas sa tingin niya, mas karapat-dapat sa kanya... si Regine. :)) pero, gusto mong sample ng lines galing dun sa song? eto oh..
Bakit ngayon ka lang
Bakit ngayon kung kailan ang aking puso'y
Mayron nang laman
Sana'y nalaman ko
Na darating ka sa buhay ko
'Di sana'y naghintay ako
bakit nga ba kasi, ngayon ka lang dumating sa buhay ko hindi ba? kung matagal na, nako eh di sana, tayo na lang hindi ba? kahit na siguro makasakit ako ng iba.
ano ba 'tong mga pinag-sasasabi ko. mga kabiteran ko na naman. hay nako.
ang point ko lang kasi...
BAKIT SI LOVE, MASYADONG MADAYA. PWEDE NAMANG IPAKILALA NA LANG NIYA SA ATIN KUNG SINO TALAGA YUNG PARA SA ATIN, NANG WALA NG MASASAKTAN PALAGI. HINDI NAMAN KASI TAMA YUNG SINASABI NILA NA... MAHALAGANG MARAMI MUNA TAYONG MAPAGDAANAN AT MARAMING MADAMANG SAKIT BAGO MAKILALA SI MR. RIGHT, PARA DAW KASI SA PANAHONG IYON, SUPER MATURE NA TAYO AT SUPER READY NA DAW TAYO.
hay nako, sa panahong yon, baka manhid ka na sa super dami na ng sakit na naramdaman mo. BAKA NGA PATAY KA NA KASI NAG-SUICIDE KA NA DAHIL SA LOVE EH.
hay nako buhay.
AT SAKA, KUNG TOTOO YANG TADHANA NA YAN... SIGURADUHIN NIYA LANG NA, AAYUSIN NIYA YUNG LOVE LIFE KO HA?
sawa na kasi akong masaktan, umasa at umiyak.
Ms. Right... please find me. AYOKO NANG MAGHANAP... IKAW NAMAN ANG MAGHANAP SA AKIN. IKAW NA LANG ANG DUMATING SA AKIN. haha. :)
pagod na ako eh. :<
Saturday, September 8, 2012
I’m In Love With My Bestfriend
Sa lahat ng pagkakataon na nakasama ko siya, naging tunay akong kaibigan sa kanya. Naging tapat ako, mapagkakatiwalaan at maalaga. Naging totoo ako.
Dati wala akong pakialam kung nasaan siya o kung sa isang araw ba ay magkikita kami. Pero ngayon, mababaliw yata ako kapag di ko nakita kahit anino man lang niya. Sa mga panahon na yun ay hindi ko maisip ano ba ang nangyayari sa akin, hanggang sa bigla na lang magliwanag ang isip ko.
In love na ako sa bestfriend ko.
Ang hakbangan ang linya na naghihiwalay sa magkaibigan at higit sa magkaibigan. Hindi naman iyon talaga ang intensyon ko. Lahat na ng paraan ginawa ko para lagi kong maalala ang manipis na linya na ‘yan. Kaso kapag nagiging malambing siya sa akin, nawawala ako sa aking konsentrasyon at makikita ko na lang na nahakbangan ko na naman ang linya. Hay. Ilang beses na akong nagpatintero sa linya na ‘yan at ngayon, pagod na pagod na ako sa paghila ng paa ko pabalik. Naniniwala na tuloy ako sa quote na: “Meeting you was fate. Becoming your friend was a choice. But falling in love with you was beyond my control”.
Bakit nga ba hindi ako maiin-love sa kanya? Sa mga pinagsamahan namin, sobrang kilala na niya ako at ganun din ako sa kaniya. Alam namin paano papatawanin ang isa’t-isa. Pareho kami ng mga trip gawin.
Ngayon ko lang na-realize, mahirap pala talaga umibig sa kaibigan. Dati kapag nakikinig ako sa radyo tapos may humihingi ng advice kung sasabihin ba niya sa kaibigan niya na mahal na niya ito, ang bilis agad ng reaksyon ko. Parang “duh!” eh di sabihin mo. No brainer ba. Mali pala ako. Hindi laging ganoon ang scenario lalo na kung alam mo ang tunay na nararamdaman ng kaibigan mo. Totoo pala na pwedeng masira ang pagkakaibigan niyo. Hindi ito cliché dahil iyon talaga ang bagay na malalagay sa alanganin kapag inamin mo ang feelings mo. Pero kapag pinili mo namang manahimik, lalo mo lang sasaktan ang sarili mo. Patuloy kang mahuhulog at ang masaklap pa, kailangan mong makinig sa mga kwento niya tungkol sa mga crush niya habang pinepeke mo ang iyong ngiti. Aasar-asarin mo pa siya kunwari at papayuhan mo pa siya ng “go for it”. Ouch. Para ka na ring kumuha ng bato na ipupukpok sa ulo mo. Mas madali pa nga atang magmahal na lang ng tao na hindi mo naging kaibigan for years. Kung pwede lang mamili kung kanino ka maiin-love noh?
Sunday, July 22, 2012
nakaw na sandali
"Ano? San mo ba gusto kumain?" tanong niya sa akin.
"Kahit saan. Ikaw na bahala."
"Uhm... Sige dun na lang tayo sa..."
I'm at a payphone trying to call home all of my change I spent on you...
Biglang nag-ring ang cellphone niya bago pa matapos ang sinasabi niya.
"Wait lang, sagutin ko muna to ha." Lumayo s'ya ng bahagya.
"Hello?"
"Nasa field pa ko. May tinatapos pa kaming project. Bukas na kasi ang deadline."
"Baka ma-late ako ng uwi."
Siya lang ang naririnig ko. Sa mga sinasabi n'ya, alam ko na, parang rinig ko na rin kung anong sinasabi ng taong kausap niya.
"Sorry hindi muna kita masusundo. Bukas na lang promise."
"Opo... Bukas promise."
"Okay sige. Ikaw din. Ingat ka."
"Okay bye. I love you too."
End of their conversation. Lumingon na s'ya sa direksyon ko. Nakatingin lang ako sa kanya. Nakangiti s'yang papalapit sa kinatatayuan ko.
"Ano tara na?" pag-aaya niya.
"Sige." ang tanging sagot ko.
"Bukas baka hindi kita masundo ha? Kasi..."
"Oo alam ko. No need to explain. I understand. I'm okay..."
"I'm sorry... I love you..." nakiki-usap ang mga mata n'ya. Haplos-haplos ang kamay ko. Makalipas ang ilang segundo, niyakap niya ako ng mahigpit.
Ito ang mga nakaw na sandali. Mahirap makihati.
-Wakas-
Paunawa: Kathang-isip lamang.
Tuesday, July 10, 2012
Tuesday, June 5, 2012
kung si dar ay si san pedro..
Kung hawak ko ang susi ng pinto ng langit, at may kapangyarihan na tanggihan ang mga taong ayokong pumasok dito, madami sigurong masusunog ang kaluluwa sa impyerno (kaya nga siguro isa lang akong reklamador na artist.hehe) .
Una sa listahan ko, taong kalbo na kulang ang ngipin at may ngiti na parang kontra bida sa pelikula.Tie naman sa second placer ko ang dalawa sa kapitbahay ko.Yung isa yung parating naka-double parking kahit na napakasikip na ng daan at yung isa naman ay may psychotic na aso na muntikan ng makagat yung utol ko. Pangatlo siguro yung mga MMDA traffic officers na mayabang pa sa mga pulis.
Isang tao naman ang naiisip ko na sana pwede kong ibalik sa mundo.
Nanay ko, parang hinde ata sya dapat na nasa langit na, parang ang dami pa sana niyang nagawan na mabuti. Hinde man siya makatulong sa road widening sa SLEX tingin ko naman kaya niyang pagdugtungin yung mga nasirang komunikasyon ng pamilya namin.
Hinde ako nagpapanggap na diyos, may mga tao lang talaga akong gustong mamatay at may mga taong gusto ko sana ay buhay pa. Lahat naman siguro tayo may ganitong pakiramdam.
hindi ka pa pwedeng mawala
Hinde nursing home ang puso ko at mas lalong hinde charity works ang pagibig ko kaya sana magawan natin ng paraan 'to dahil ayokong magtuloy- tuloy 'to dahil nasanay lang tayo.
Ayokong maghilahan tayo pababa dahil lang hinde tayo makabitiw. Ayoko din naman bitawan at pagsisihan sa huli.
Siguro pagod at gulpi lang tayo ngayon pero hinde naman manhid. Naniniwala pa din naman ako na kaya pa kung talagang gagawan ng paraan. Maitatakbo pa sa emergency room, mabibigyan ng CPR at mabubuhay pa.
Lahat daw may katapusan sa takdang oras, pero sa relo ko, wala pa kong balak mawala ka sa buhay ko
Monday, June 4, 2012
haysss...
san mo itatago ang lahat ng badtrip?
puwede mo bang walisin sa ilalim ng kama kasama ng mga agiw at alikabok?
nauubusan na ko ng pagkakataon para gawin ang mga alam kong tama.nilalalmon na ng sistema. nilalamon na ng mga patakaran. na-compromise na ang mga paninindigan para sa mas madaling mga paraan. paminsan-minsan ginagamit ang ang paninindigan. minsan ginagawa ang alam na tama pero dahil karaniwang tao kadalasan binabaliwala.
nagbubulag-bulagan. bingi-bingihan. mairaos lang ang araw na ito para bukas ay ganito nanaman. hanggang saan? hanggang kailan? hinde naman isang buong kaharian ang kailangan, munting lugar lang na matawag na ako ang may karapatan.
lalaban hanggang kaya eh paano pag 'di na?
ako lang ang makagagawa
May mga bagay na ikaw lang ang makakagawa para sa sarili mo. Ilan dito ay ang magisip, ma-inlab , magalit at magpatawad (marami pang iba, tinatamad lang ako ilagay). Bayaran man o hinde ang ibang tao, parang napaka-imposible na may gumawa nito para sa 'yo. Siguro kung tamad ka talaga, ang pinaka-malala mong puwedeng ipagawa sa iba para sa 'yo eh ay ang ipanguya yung pagkain mo para lulunukin mo na lang pero sabi nga ng anak ko, "eeew!".
Para sa akin, mahalaga na malaman mo yung mga bagay na puwede at hinde mo puwede ipagawa sa iba. Twenty four hours lang kasi ang isang araw,babawasin ko pa dito ang biyahe mula Cavite hanggang Ortigas tapos Ortigas papuntang Cavite, magkakape, sepilyo, kakain at matutulog pa. Nakatipid na nga ako actually kasi mula nung makahiligan kong magpakalbo, hinde na ko nagsusuklay.
Naisip ko to kasi napanood ko ulit yung movie na wall-e. Naka-autopilot lahat dun sa spaceship nila eh.
Tapos dumating sa pagkakataon na pati ang maglakad ay nahihirapan na sila. Naisip ko din dahil sa pelikula na yon na, walang ginawa ang diyos na nalampasan na TALAGA ng gawa tao. Kahit naka-I7 pa na processor ang computer mo, mas mabilis pa din ang utak ng tao. Ano man ang bilis ng computer, kung mabagal ka, mabagal kayo pareho. Naka-develop na ng emotions ang mga robot sa movie pero bitin pa din. Actually may hinde pa nga sila nagagawa, ang gumawa ng organic tulad ng halaman. Ang tagal nilang wala sa earth dahil 'di nila kayang gumawa ng halaman. Wala silang nagawa kung 'di magantay, manalangin na sana makahanap sila ng halaman.
Isa pa, siguro ang magdasal at ang relasyon ko sa diyos ang isang bagay na walang ibang puwedeng gumawa para sa akin o sa atin. Kahit sino pa sinasamba mo. Tingin ko isusumpa ka nito kung naka-autopilot ang pananampalataya mo sa kanya.
Limitado ang tao, masaya ang limitado. Makakaramdam ka na kailangan mong mangarap, umasa,umibig, ngumiti at pumunta sa banyo. Ako lang ang makakagawa nito, i-e-enjoy ko na lang ang limitasyon ko.
Ang mga lalake, kapag inaasar ka niyan ng walang dahilan, posibleng trip ka niyan. Lalo na kapag lagi ka niyang pinagtritripan? Madalas niyan diyan nag uumpisa yung pagpaparamdam. Hindi ba’t napakasaya kapag may isang taong handang magpatawa sayo at asarin ka ng mga bagay tulad ng “Bully ka”, ang taray mong tao ka, at marami pang iba.
Ang mga lalake masasabi nating busy na tao yan eh, marami kasing pwedeng gawin. Pwedeng maglaro lang ng computer maghapon yan eh, pwedeng lumabas ng bahay at makipaglaro o makitambay sa mga kaibigan niya.
Kaya sa oras na binigyan ka ng oras niyan eh nakooo! baka nagpaparamdam na yan. Minsan dapat mo ng isipin kung dapat mo na rin ba siyang pansinin kasi palagi siya sayong nagpapapansin o kaya naman worth na rin ba yung effort niya sayo para mag effort ka na din? Nasasayo yan. Yun ang maganda, yung mga taong hindi padalos dalos. Yung dadaanin ka muna sa asar asar na yan kesa naman kakakilala niyo pa lang eh manliligaw na agad.
break ups
Im confused and I need some time out to find myself.
Hindi mo pa ba nahahanap sarili mo? Naiwan mo ba sarili mo nung nagmahalan tayo? Saan ka nalito? San banda? Anyare sa desisyon mo. Kailangan mo nga siguro ng oras para hanapin ang sarili mo. Saan ka naguguluhan? Kung sino ang nagkamali? Ikaw lang nagkamali. Ikaw lang dumadahilan e.
Maybe this is not the right time for us.
Talaga? Anong oras mo ba dapat sinasagot ang isang tao? Tuwing gabi lang? Alas onse? Alas dose? O baka naman ala una? Anong relo ba ang gusto mo para tumama ang oras natin. Bench ba? Penshoppe? Fossil? O rolex? Ang mahal mong mahalin kung ganun.
Di kita maalagaan ng tulad ng inaasahan mo. You deserve someone better. That’s not me.
Sana alam mong hindi ka liligawan ng isang tao kung hindi ikaw ang gusto niya. Hindi naman caregiver ang hanap niya. Taong magmamahal lang at susuporta sa kanya ang kailangan niya. Bakit ka ganyan? Sarap mong kotongan.
We are too different from each other.
Malamang. Babae siya at Lalake ka. Pwede ring Lalake ka at babae siya. Ano pa ba ang dapat ipareho? Bakit kailangan bang magkapareho? An dami mo kasing hinahanap kaya ayan ang dahilan mo. Kaya nga unique ang tao. Ibig sabihin walang katulad. Ano gusto mo? Kambal?
Someday,hahanapin kita when we’re both ready. Kung tayo talaga, tayo rin in the end. diba?
Talaga? Kailangan talaga? So maglalaro tayo ng tagu taguan? Hindi na ko magpapakita sayo. Bakit? Ikaw lagi ang taya. May kalaro na ko ng habul habulan sa oras na ayain mo ko ng tagu-taguan. Bakit kailangan pa sa huli? Kapag nagsawa ka na sa iba? Tska ka babalik? OH MEN!
I really think that we should break up. Because I don’t know if I still love you.
Anyare? Sabi mo kaibigan mo lang? Tapos ka holding hands? Ang sweet mong kaibigan. Tama makipag break ka na nga. At di ko na rin alam kung mahal rin kita. At nakapag isip ka pa ng lagay na yan.
Its not you, its me…
Oo buti alam mo. Dito ka lang ata tumama. Diyan ka magaling.
I just realized that I dont want to be attached.
Anyare ulet? Email ka? Email? attach file? Attache case? Ewan! :)) Gusto mo ba ng stapler remover? Para ma dis attach na tayo?
I need space
Di mo naman kasi agad sinabing astronaut pala ang gusto mo pag laki. O kaya naman gusto mong maging keyboard? Ang haba ng space dito o.
Kung talagang tayo, kahit saang sulok ng mundo, magtatagpo tayo.
Kung nasa dulo ako ng mundo. Ikaw nasa labas ka na. Diba pangarap mong maging astronaut? Tska kung sakaling magiging keyboard ka. Nasa dulo ka lang ng computer table.
Sunday, June 3, 2012
Ang hirap maghanap ng partner kapag feel mo tumatanda ka na.
Alam mo yung pakiramdam na parehas na kayong maraming naranasan? O kaya naman nakuha na ang lahat na sa tingin mo ay pwede o kaya naman ay babagay sayo? Yung nagkakaroon na kayo ng ibat-ibang pananaw dahil sa mga “heart aches” na naramdaman ng bawat isa.
Sabi nga eh kapag tumanda ka at lagi kang nasasaktan, mag-iiba ang pananaw mo sa pag-ibig. Magiging praktikal ka na, pero “MALI” ang maging praktikal sa pag-ibig. Nawawala nga kasi dun yung essence ng love, nawawala yung kilig. Kasi yung expectations mo bilang tao hindi mo na rereach. O kaya naman pinangungunahan mo yung pwedeng mangyari. Naging ikaw yung taong sobrang advance mag-isip. Alam mo yun? Yung buhay pag-ibig mo puro “what if ganito ganyan na ang kalalabasan”.
Ayun dun tayo nadadali eh, sa “what if”. Yung tipong
“What if hindi pala siya?”
“What if masaktan na naman ako?”
“What if nilalandi lang pala niya ko?”
“What if hindi totoo ang sinasabi niya?”
“What if hindi lang ako ang nililigawan niya?”
“What if marami kami? At hindi ko solo ang puso niya?”
“What if ma friendzone lang ako?”
“What if ma reject lang niya ako?”
Dahil sa dami ng karanasan na nangyari sa puso mo. Natuto ka mag come up ng mga sitwasyon na posible namang hindi mangyari. Pero iniisip mo parati. KAya ayun sa huli mag-isa ka parati. Di mo naman masisi sarili mo, parati ka naman kasing nasasaktan eh.
Nakakamiss lang dati kapag nagmamahal ka, wala kang inaalala. Wala kang inaalala na baka magkamali ka, wala kang inaalala kung masasaktan ka. Kasi totoo lahat ng nararamdaman mo eh, wala ka pang nakukuhang idea kasi hindi ka pa nasasaktan kasi nga bata ka pa at wala pang masyadong pinoproblema. Kulet ng buhay eh, minsan kung kailan ka nagiging matanda. Tska ka naman nagiging bata.
Wednesday, May 23, 2012
Wala na bang makain ang mga babae ngayon kaya pati yung labi ng lalake eh dapat ng kagatin o halos kainin? Paano kapag nag dugo yung labi niyan? Paano kung magkaroon talaga ng singaw yan dahil sa kinagat ang labi ng hinayupak na yan? Grabe lang eh, sobrang gigil lang eh. Wala ng bukas teh? Wala ng bukas?!
Paano kung matanggal ang labi niyan edi forever ng hindi nakakain yan at papanget ang mukha niya dahil napigtal na yung labi nung lalake?! Bakit ganyan kayong mga babae! Sinasaktan niyo ang mga kalalakihan!
Kung nanunuod na lang sana sila ng pelikula at hindi nalang kinakagat kagat yung mga labi na yan. Nakakainggit talaga :(((
Bakit sa magka relasyon minsan hindi maiwasang mangamba?
Normal na mangamba sa relasyon kahit na sabihin nating andiyan ang “Tiwala”. Syempre, mahalaga siya sayo, maari nating sabihing pag mamay ari mo siya kasi pumasok kayo sa “relasyon” eh. So commitment ng dalawang tao yun na aalagaan niyo ang isat-isa at kung siya, eh siya lang dapat talaga.
Hindi natin maiiwasan mangamba lalo na kung dumadating sa puntong nag-aaway kayong dalawa. Mangangamba ka kung masaya pa ba siya sayo o may iba ng taong nagpapasaya sa kanya. Syempre, gusto mo isa ka rin sa mga dahilan bakit siya masaya. So yung mga taong nakakausap niya at nakakasalimuha eh kinikilala mo ng hindi niya nalalaman, ayaw mo kasi magtanong ka sa kanya dahil sa baka masamain niya ito, kaya gagawin mo ang best mo para maintindihan ang lahat ng nakikita mo.
Normal yan sa relayon, normal din mag tanong. Iba na yung aware yung partner mo na yung mata mo eh palaging nasa kanya. Para alam niyang lahat ng ginagawa niya eh dapat nilalagyan niya ng limitasyon. Kung paano siya makipag usap sa ibang tao na nakakaselos na sayo.
Automatic yun. Kapag pumasok ka sa relasyon. Masasaktan ka at hindi mo maiiwasang magduda, kahit nandiyan pa ang sinasabi mong tiwala.
trip ku lang
piece shit of art ku sa mga pinsan ku..hahaha! xempre sa kanila ku tinesting para kung mababoy eh walang magagawa!hahaha
Friday, May 18, 2012
wag na wag
Elementary ako. Umuwi ako isang araw na dumudugo ang ilong at maluha-luha. Napa-away kasi ako at masama ang loob ko kasi natalo ako sa suntukan. Ang sabi ng tatay ko:
"Ayus lang yan anak. Okay lang na matalo sa suntukan. Bukas makalawa makakalimutan na ng mga kaklase mo yan. Ang wag na wag mo lang gagawin sa eskwela, na sigurado akong pag-uusapan nila hanggang sa pagtanda nyo, ay ang matae sa salawal. Yun ang wag na wag mong gagawin kasi for life mo na tatak yun."
wattpad
WATTPAD -dito ako madalas tumambay. Magbasa at magbasa at higit sa lahat magbasa. kaso lang nakakasawa pala pare. Wala na kong makitang kwento na interesting. Ewan, choosy ata ako masyado.
Para kasing paulit-ulit lang yung mga plot, pare-parehas. Tapos yung mga character puro koreano..ewan talaga. Tapos ang hilig nila sa POV as in Point of View ba yun? Pero minsan hindi ko na magets kung kaninong point of view na ba yun. Di ko na malaman kung sino yung nagsasalita. Nakakalito pare eh. Nagaala-editor ata ako. Makapanlait ng kwento noh? haha! Akala mo naman ang galing ko.
Yun kasi yung mga kwentong hindi dumaan sa editor. Iba pa rin talaga pag libro.
Sunday, May 13, 2012
Hindi porket busted ang isang lalake eh kailangan niya ng tamang oras para maghanap ng bago.
Minsan sa buhay ng pag-ibig hindi maiiwasan ito. Isang pusong nagmamahal sa isang taong bato ang nararamdaman.
Ang madalas tanong ng mga taong ito ay.
Paano ako magsisimula ulit?
Sino ang susunod?
Kanino ulit ako magpaparamdam?
Masasaktan pa kaya ako kapag may nakita kong may iba na siya?
Kailangan ko bang kalimutan na talaga siya?
Magseselos ba ako kung may iba na siya?
May naiwan pa ba sakin?
Ano nalang sasabihin nang iba kapag naghanap/nakakita agad ako?
Dapat ko pa bang isipin ang nararamdaman niya?
May taong hihigit pa kaya sa kaya kong ibigay sa kanya?
Nasa akin na ang lahat nang gusto niya. Bakit ibang tao pa rin ang gusto niya?
Masakit sa parte ng lalake ito. Hindi dahil nasapawan ang kanyang kamachohan sa sarili. Kundi minsan na nga lang siya naging matapang para sabihin ang kanyang nararamdaman. Sasabihin pang nagmamadali ata siya. Kailan masasabi ng mga babaeng ito ang tamang oras at panahon? Hindi ba’t mas masaya kung paprangkahin kang diretsuhan. Imbis na sabihing
May mas better pa sakin.
Bakit ako? May iba pa naman.
Friendship lang kaya kong ibigay.
May mahal akong iba eh.
Hinihintay ko lang siya.
Sabi niya kasi sakin babalik siya.
Marami pang babae diyan <— THIS
Ano ba kasing nagustuhan mo sa akin?
Hindi tayo talo.
atbp.
Sayang. Napakasayang nang mga pusong napabayaan. Nabulag ng taong walang ibang alam kundi sila ay saktan. Bakit pipiliin ang taong laging nanakit sayo? Kung may tao namang handang rumespeto at mag alaga sayo.
salamat sa alala
isang araw, magigigsing akong wala nang nararamdaman. hindi na galit. hindi lungkot. hindi ang pakiramdam na pulang-pula ang paligid, kulay rosas ang langit, amoy tsokolate ang hangin. hindi na. kung maganda man yun para sa'yo o hindi, hindi ko alam. gaya ng madalas kong sabihin noon, tuwing tatanungin mo ako ng mga nauna sa 'yo. sasagot ako ng "ayokong pag-usapan" dahil wala na. wala nang dahilan para muling ungkatin pa ang sugat na matagal ko nang dinilaan mag-isa.
nasabi ko na lahat. nakain ko na ang isinuka ko. tinanggalan ko na ng yabang ang sarili ko. paulit-ulit. isang araw, magigising akong parang nagising sa matagal na pagkakalulong sa solvent.
pero sa ngayon, hayaan mong dumaan muna ako sa natural na proseso nang paglaki., pakikinig sa The Script, paggala, paggawa ng tula, pagharap sa iabt ibang klase ng tao.sobrang distracted, nakalimutan ko nang magsapatos.ang natural na proseso ng panunuod ng one more chance at pagpapatugtog ng the man who can't be moved. leche. hayaan mo ring mabawasan ang skills ko ng 10%. hanggang dun lang. sige, isama mo na ang maya't mayang pagkakatulala. "para kang zombie" sabi ng friend kong walang boobs.
hayaan mong lumipad ang isip ko.
sabi nga ng isang kaibigan "alam mo dapat kung kailan ka hihinto". putangina naman oh. hindi ko alam. alam mo namang magulo pa ako sa pubic hair. wala pang panahon. hindi pa ako nakaka-alis sa lugar na pinag-wanan mo. feel na feel ko paring sabihing "ako na lang, ako na lang ulit" shet na malagket.
at pag dumating ang panahon na yun, sasabihin ko sa sarili ko ang madalas kong sabihin sa mga kaibigan kong minsan ng nasawi, "bawi ka na lang sa susunod"
at itaga mo sa bato, babalik ako nang makisig na makisig.mas strong ng 100%. mainggit ka. hahaha.
----
walang halong ampalaya, salamat sa mga alaala
sa wagas na wagas mong pagtawa nang unang beses kong tinanong sayo kung may bedroom voice ba ako; pag sisimulan ko ang kwento ng "alam mo ba?" sasagot ka na parang bata "hindi pa po"; pag pinipilit mo kong patulugin kapag alas onse na- maaga pa ang pasok bukas. ngayon ko lang sasabihin to- alas nwebe ang natural na tulog ko. mas gusto ko lang talagang nagpupuyat kasama ka. sabi mo, "huwag mo kong sisishin kung zombie ka sa trabaho."
pag tinatawagan kita ng umaga at pupungas-pungas ka pa.alam ko pinipilit mo lang sumagot. salamat sa pagtityaga. sa pagsagot mo sa tawag ko 'pag lunch,lagi kitang pinapapagalitan. hindi ka na naman nagdala ng pagkain kila lola. at kapag alas singko na, alam mong nasa bahay na dapat ako- nag-alala ka nang maghapon akong hindi nagparamdam "tumutula po ako nun." kapag madalas kitang biruin na sagot mo ang macaroni salad pag natalo ka sa pustahan. alam na alam mo pag pagod ako, malungkot, masungit.pag kailangan ko ng spaghetti. "hindi ako sanay pag masungit ka", sinabi mo noon.
sa matataba mong pata, sa ngiti mong metallic na metallic, sa malaki mong ilong, sa nalalaglag mong dandruff. pati na rin sa hindi na natuloy na pagluluto natin ng ginisang sardinas. pag nakanguso ka. tuwing pinagyayabang mo kung gaano nakakasilaw ang kaputian mo. pag nilulukot mo ang muka mo. ang ngiti mo sa pagitan ng mga halik.
pag niyayakap mo ko nang sooobrang higpit. para tayong bata minsan.salamat sa pagkanta mo ng twinkle twinkle little star pag naglalambing akong kumanta ka.
patawad sa mga tanong mong hindi ko nabigyan ng malinaw na sagot. kung naramdaman mo mang tinutulak kita papalayo.
at kung binago man tayo ng mga nararamdaman natin, maging maluwag sanang tanggapin mo na hindi ako kailanman nagsisisi. hinayaan ko tong mangyari dahil gusto ko. mas marami tayong magagandang gunita kesa sa hindi. wag mong kakalimutan yun.
kung napagod ka na at sakaling mapagod na rin ako. hayaan na lang natin na maging bahagi ang mga ito ng ating pagkakatuto.
walang halong ampalaya. walang halong poot. walang bahid ng pag-asa.salamat sa mga alaala.
Monday, May 7, 2012
kizkeik part 2
"i admire, i get infatuated.. hahaha but i never had one, siguro if i've been with handsome before, i woould always seek for a great face.. hahaha i just search them to admire..hahahaha imagine db? gwapo? then ako? sa drawin lang ata nanyayari un,dar ^^ "
- shiella s. javier ( kizkeik )
CYNTH a.k.a. ADELE
never let me go
“Memories, even your most precious ones, fade surprisingly quickly. But I don’t go along with that. The memories I value most, I don’t ever see them fading.”
----
“I keep thinking about this river somewhere, with the water moving really fast. And these two people in the water, trying to hold onto each other, holding on as hard as they can, but in the end it's just too much. The current's too strong. They've got to let go, drift apart. That's how it is with us. It's a shame, Kath, because we've loved each other all our lives. But in the end, we can't stay together forever.”
― Kazuo Ishiguro, Never Let Me Go
tama na yan,inuman na!
Sigaw ng mga tomador at tomadores, mga taong lango sa serbesa at alak. Hard man o soft, soft eh?
E bakit nga ba gusto o ginagawang bisyo ng mga tao ang pag-inom ng alak? At ano yung mga nakakatawang ugali ng mga manginginom habang lumalatak ng alak.(whoa rhyme!)
"Nasaktan ako. Iniwan ako ng mahal ko kaya gusto kong maglasing para makalimot." Meron bang sangkap ang serbesa na makakalimutan mo na ang isang tao o pangyayari sa buhay mo? E kung minsan nga habang umiinom at naglalasing ay mas lalo mo pa naiisip yung mga bagay na gusto mo makalimutan. Gusto mong mag-reminisce habang umiinom ng Serbeza Negra.
"Boss yellow pa! Sir, hindi po yellow, eyes po eyes!" Bakit ba kelangan ng yelo kapag umiinom ng serbesa o alak? Nagpapakapagod ang ating mga magagaling na siyentipiko para itama yung lasa ng mga beer at alak tapos hahaluan mo lang ng yelo. E di nawala na yun sa tamang lasa. Tapos tatamaan ka pa? Mali!
"Tapos na akong tumagay, ikaw na kaya!" Bakit kadalasan e nagkakadayaan pa sa pagtagay? Minsan eto pa ang simula ng pagtatalo at pag-aaway kesyo dinadaya sila ng tagero. Mas marami yung tagay sa kanila kesa dun sa nagtatagay. Takot malasing? E kaya ka nga umiinom para maglasing tapos gusto mo pa walang dayaan kasi baka mauna kang lumagpak sa kalasingan at matuloy sa pagtawag ng uwak. Kapag susuka ka na, tatawagin mo yun U-WAAAA-KKK! eew! May sabit pang pulutan sa ilong.
"Penge pang pulutan!" Pampaalis daw ng lasa nung serbesa. Amp! Wag ka na lang uminom, kumain ka na lang. Minsan mas marami pa yung nakaing pulutan kesa sa nainom na beer o alak. Mapa-mani, cornbits, kropek, sisig, tokwa't baboy at iba pang pwedeng pulutang hindi nawawala sa hapag kapag may inuman.
"I did it my......weeee" Sikat na kanta ni Frank Sinatra, kadalasang maririnig sa mga beerhouses, KTV bars, at mga lugar na may videoke at alak. Eto rin ang kantang nakapagtala ng maraming casualties dahil sa marami ng noypi ang namatay dahil sa pagkanta nito sa mga lugar na maraming lasheeng, kapag nasa tono at magandang pakinggan ang pagkanta mo nito tiyak buhay ka at kapag minalas-malas ka naman at sobrang lasheeng ka na rin habang kinakanta mo to...tiyak, you're end is near and you will face the final curtain. Bang!
Kakatawa talaga yung mga gantong ugali natin kapag nagiinuman. Naalala ko yung isang beses na nag-inuman kami nung barkada ko. Pumunta kami sa isang lugar na medyo okay naman para maginom. Tahimik at marami ring lalaking nag-iinuman. Tapos narinig namin yung isang lalaki sa kabilang mesa na, "ang ga-gwapo nung nasa kabilang table" Punyemas! puro bakla pala ang nasa loob nung bar. Kaya dali-dali naming inubos yung mga inorder namin at umalis agad habang natatawa at natatakot. Tinawag naming Sodoma at Gomora yung lugar na yon.
E bakit nga ba gusto o ginagawang bisyo ng mga tao ang pag-inom ng alak? At ano yung mga nakakatawang ugali ng mga manginginom habang lumalatak ng alak.(whoa rhyme!)
"Nasaktan ako. Iniwan ako ng mahal ko kaya gusto kong maglasing para makalimot." Meron bang sangkap ang serbesa na makakalimutan mo na ang isang tao o pangyayari sa buhay mo? E kung minsan nga habang umiinom at naglalasing ay mas lalo mo pa naiisip yung mga bagay na gusto mo makalimutan. Gusto mong mag-reminisce habang umiinom ng Serbeza Negra.
"Boss yellow pa! Sir, hindi po yellow, eyes po eyes!" Bakit ba kelangan ng yelo kapag umiinom ng serbesa o alak? Nagpapakapagod ang ating mga magagaling na siyentipiko para itama yung lasa ng mga beer at alak tapos hahaluan mo lang ng yelo. E di nawala na yun sa tamang lasa. Tapos tatamaan ka pa? Mali!
"Tapos na akong tumagay, ikaw na kaya!" Bakit kadalasan e nagkakadayaan pa sa pagtagay? Minsan eto pa ang simula ng pagtatalo at pag-aaway kesyo dinadaya sila ng tagero. Mas marami yung tagay sa kanila kesa dun sa nagtatagay. Takot malasing? E kaya ka nga umiinom para maglasing tapos gusto mo pa walang dayaan kasi baka mauna kang lumagpak sa kalasingan at matuloy sa pagtawag ng uwak. Kapag susuka ka na, tatawagin mo yun U-WAAAA-KKK! eew! May sabit pang pulutan sa ilong.
"Penge pang pulutan!" Pampaalis daw ng lasa nung serbesa. Amp! Wag ka na lang uminom, kumain ka na lang. Minsan mas marami pa yung nakaing pulutan kesa sa nainom na beer o alak. Mapa-mani, cornbits, kropek, sisig, tokwa't baboy at iba pang pwedeng pulutang hindi nawawala sa hapag kapag may inuman.
"I did it my......weeee" Sikat na kanta ni Frank Sinatra, kadalasang maririnig sa mga beerhouses, KTV bars, at mga lugar na may videoke at alak. Eto rin ang kantang nakapagtala ng maraming casualties dahil sa marami ng noypi ang namatay dahil sa pagkanta nito sa mga lugar na maraming lasheeng, kapag nasa tono at magandang pakinggan ang pagkanta mo nito tiyak buhay ka at kapag minalas-malas ka naman at sobrang lasheeng ka na rin habang kinakanta mo to...tiyak, you're end is near and you will face the final curtain. Bang!
Kakatawa talaga yung mga gantong ugali natin kapag nagiinuman. Naalala ko yung isang beses na nag-inuman kami nung barkada ko. Pumunta kami sa isang lugar na medyo okay naman para maginom. Tahimik at marami ring lalaking nag-iinuman. Tapos narinig namin yung isang lalaki sa kabilang mesa na, "ang ga-gwapo nung nasa kabilang table" Punyemas! puro bakla pala ang nasa loob nung bar. Kaya dali-dali naming inubos yung mga inorder namin at umalis agad habang natatawa at natatakot. Tinawag naming Sodoma at Gomora yung lugar na yon.
inuman pics with my dabarkads^^ |
Subscribe to:
Posts (Atom)